Chapter 33

9.4K 320 24
                                    

Chapter 33


Kung kanina ay nilalamig si Alayne, ngayon ay init na init na siya. Sa sobrang init ay halos natuyo na ang basang-basa niyang buhok at damit dahil naabutan siya ng malakas na ulan kanina sa kalsada.

"Worst day ever..." bulong ni Alayne habang nagsusumiksik sa sulok ng masikip, mainit at higit sa lahat, mabahong selda na pinaglagyan sa kaniya ng pulis matapos niyang tawagan ang Kuya Rafael niya at ipaalam dito ang sitwasyon niya.

Gayunman, pasalamat na rin siya at magkaiba ang selda ng babae at lalaki dahil talagang magkakamatayan muna kung ihahalo siya sa selda na puno ng mga lalaki na wagas kung makahagod ng tingin sa kaniya.

Sinulyapan niya ang mga kasama sa selda na hindi maialis ang tingin sa kaniya at tila mga nagtataka kung anong paglabag sa batas ang nagawa niya. Karamihan sa mga ito ay nasa bente pataas ang edad, sa tantiya niya. May ilan ding may edad na. At kung anuman ang kaso ng mga ito, hindi na siya interesado pang alamin.

Sinigurado niyang walang sasaksak sa kaniya sa likod bago niya isandal ang ulo sa rehas na bakbak na ang pintura saka pumikit. Hapong-hapo na siya.

She's mentally and physically drained. Exhausted.

At gusto niyang makapagpahinga muna saglit bago harapin ang galit at sermon ng Kuya niya pagdating nito.

Kung nagstay na lang sana siya sa condo niya pagkagaling sa laro, nakakain na sana siya nang maayos at ngayo'y mahimbing na sa malambot niyang kama...

Gusto niyang batukan ang sarili o kaya'y iuntog ang ulo sa rehas ngunit gawin man niya 'yun, wala nang magbabago. Nangyari na ang nangyari...

.

.

.

Flashback...

"Boooo!"

"Yabang mo! Buti nga sa'yo!"

Hindi pinatulan ni Alayne ang pambu-boo sa kaniya ng mga tao nang makita siyang nauunang naglalakad papalabas ng court. She may not be affected...yet it triggered something.

Lalo pa itong dumagdag sa mga iniinda niya.

"Tch! Everything sucks!"

Halos wala ng pagsidlan ang naghalong inis at galit na nararamdaman niya habang papalabas ng arena. Naiinis siya sa mga nangyari. Ang pagkaka-eject niya sa game, ang pagkakatalo nila, ang pambabash sa kaniya't lahat-lahat, at ang hindi pagpansin sa kaniya ni Reese. Naiinis siya. Nagagalit. Ngunit wala siyang ibang sinisisi kundi ang sarili.

She's really mad at herself right now. Naiinis niya dahil hinayaan niya 'yung mangyari. She lost control of her emotions. Kaya naman inaasahan na niya na mas lalong galit si Reese sa kaniya ngayon.

Alam niyang hindi sapat ang pagsosorry niya rito, at kung anuman ang pwede niyang gawin para mapalubag ang loob nito, hindi pa niya maisip.

.

.

.

Akala ni Alayne na pagdating niya sa unit niya ay makakapagpahinga na siya pero hindi. Ang katahimikan at kahungkagan na sumalubong sa kaniya ay hinid nakatulong. Pakiramdam pa niya'y lalong lumala ang sakit ng ulo niya at lalong lumakas ang mga boses o ang mga sigaw ng mga pambabash kanina...maging nung nakaraan pa...

Kaya naman agad siyang naligo at nagbihis saka muling lumabas.

Sa una ay hindi niya alam kung saan siya pupunta pero kalaunan ay natagpuan na lang niya ang sarili sa resto-bar kung saan siya nagsa-sideline bilang barista.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon