Chapter 18

8.7K 377 95
                                    

Chapter 18


"Ahhh, bed..." sabi ni Alayne nang pumunta sa higaan niya matapos makapagpatuyo ng buhok. Ibang ginhawa ang naramdaman niya matapos makakain at makapagshower matapos ang maghapong patayan nilang training.

Matapos hubarin ang eyeglasses at ilagay sa case ay padapa siyang humiga sa higaan niya. Kahit manipis lang 'yun na foam na nakalatag sa sahig, pakiramdam niya'y 'yun na ang pinakakomportableng higaan sa buong buhay niya, walang-wala sa queen-sized bed niya sa condo o ang waterbed sa bahay nila ni Rafael.

Kahit maingay pa ang mga teammates niya ay wala siyang pakialam. Basta nasa sulok lang siya at nakahiga na, ayos na sa kaniya. H'wag lang siyang guguluhin dahil talagang may mahahampas siya.

"Uy, Al, hwag ka munang matulog," sabi sa kaniya ni Penelope bago pa man niya maipikit ang mga mata.

"Shut up, Poppy, I'm so exhausted!" angil niya at isinubsob ang mukha sa unan.

"Guys, si Alayne, o! Ang KJ!"

"Huy, De Marco, h'wag kang KJ dyan! Minsan ka lang nga makibonding sa amin, e!"

"Ano ba kase 'yun, Poppy?!" inis na sabi ni Alayne at hinarap ito.

Hinawakan ni Penelope ang mukha ni Alayne at iniharap sa kaniya. "Besh, si Georgia 'yan, andito ako. Bulag ka talaga 'pag walang salamin, no?" natatawang sabi ni Penelope.

"Tss," ani Alayne dahil totoo naman. All she can see are blurry silhouettes and colors. "Just leave me alone! Masakit ang katawan ko. Pass muna ako kung ano pa mang activity niyo dyan."

Tatalikuran na sana ni Alayne ang mga ito pero may bumato at humampas ng unan sa kaniya.

"The fuck—?"

"Pillow fight!!!" sigaw ni Diane kaya naman nag-umpisa nang magrambulan sa loob ng room.

Si Alayne ay panay iwas pero kahit saang direksiyon siya gumapang ay may humahampas sa kaniya.

"Punyeta naman, o!" sigaw ni Alayne. Narinig niya kanina sa training sa mga teammates ang murang 'yun na agad niyang na-adapt.

Nang agaw siya ng unan at nakigulo na. Iwinasiwas lang niya ang unan at bahala na kung sino ang matamaan. Wala rin naman kase siyang malinaw na makita.

Mayamaya'y may bumangga sa kaniya kaya muntik na siyang matumba—si Seyer. Hinampas kasi ito ni Alessa kaya halos mawalan ito ng balanse.

"De Marco! Tumabi ka nga!" singhal ni Seyer at hinampas ng unan si Alayne.

Gumanti naman si Alayne pero nakaiwas si Seyer kaya hindi niya tinamaan. Hinabol niya ito kahit hindi niya ito masyadong makita.

"Habol, loser, habol!" kantiyaw ni Seyer sa kaniya dahilan para lalo siyang mainis.

Maabutan na sana niya ito pero may unan na biglang humampas sa mukha niya. At ang salarin, walang iba kundi ang isang hitad na si Kylie.

"Isa ka pa!" angil ni Alayne. Hahampasin na sana niya ito pero may isang bumangga sa kaniya kaya halos matalisod siya. Mabuti na lang at may nahawakan siyang teammate.

Gigil na gigil na si Alayne lalo't wala siyang salamin sa mata.

"O, ano, De Marco? Suko ka na?" natatawang sabi ni Alessa. Ginatungan 'yun ng ibang seniors at sinugod ang rookie.

"Stop it!" ani Alayne dahil pinagtutulungan na siya. Hindi naman siya pumayag na hindi makaganti kaya naman iwinasiwas niya ang unan na hawak.

Mayamaya'y marahas na bumukas ang pinto.

The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon