Chapter 50
"Ciel, where have you been? Kanina pa kami naghihintay ni Mommy sa'yo," sabi ni Reese kay Ciel pagkarating nito.
"Traffic, e. Anong gusto mo lumipad ako papunta rito?"
Nagulat si Reese sa pabalang na sagot ng kapatid. Malumanay ang pagkakasabi niya dahil ayaw niyang magtaas ng boses sa harap ng Mommy nila at sa Daddy nila na nagpapahinga, kaya naman hindi niya inasahan ang bigla nitong inasal.
Gayunman, hindi na niya ito pinatulan sa ngayon at naghintay na lang ng tiyempo para kausapin ito. Napapansin na rin niya kasi nitong mga nakaraan na parang iwas ito sa kaniya at hindi siya kinakausap na para bang may sama ito ng loob sa kaniya.
.
.
.
"May problema ka ba sa akin, Ciel?" tanong ni Reese nang sundan ang kapatid paglabas sa kwarto ng ospital kung naka-confine ang Dad nila.
"Tss. Nagmamadali ako, I gotta go!"
"And where will you go?"
"Sa school, may klase—"
"I know your schedule at wala ka ng klase ngayon, Michelle," may diing pagkakasabi ni Reese.
Ngunit mukhang walang balak si Ciel na kausapin ang kapatid. Tinalikuran niya ito at muling humakbang palayo.
Hinabol naman ito ni Reese at hinawakan sa braso.
"Ciel, please, talk to me. Alam mong ayokong nagagalit o nagtatampo ka sa akin. Kung anuman 'to, pag-usapan natin."
"So you're ready to talk about the relationship between you and Alayne?"
And this caught Reese off guard.
Hindi siya kaagad nakatugon.
"H'wag mo nang i-deny, Ate. Alam ko nang may namamagitan sa inyo ni Alayne. And here's the proof…" wika ni Ciel at kinuha ang braso ni Reese at itinaas ang wrist kung saan nakasuot ang dapat na necklace nito na katulad na katulad ng suot lagi ni Alayne.
"Ciel—"
"Not only that…" Kinuha ni Ciel ang phone at may ipinakita kay Reese. "Kalat na at pinagtsitsismisan na sa social media ang picture niyo na 'to."
Mas lalo namang naumid ang dila ni Reese nang makita ang picture. It's a stolen shot habang nasa loob sila ng kotse ni Alayne at nakahalik ito sa pisngi niya. At kung hindi siya nagkakamali, ito 'yung hinatid niya si Alayne sa arena bago dumiretso sa ospital.
"Do you deny this?"
Nagpakawala ng malalim na hininga si Reese. "Fine, I admit it. Kami nga ni Alayne. But Ciel, let me explain—"
"I hate you, Ate. You know how much I like Alayne!" And Ciel burst out.
"Ciel, please understand…I don't want to hurt you b—"
"Hey, Coach! Ciel!" bati ng paparating na si Alayne.
Napalingon ang magkapatid dito ngunit si Ciel ay agad na nag-iwas ng tingin at pinahid ang luha sa pisngi. Umalis na rin ito nang wala man lang paalam.
"What happened? Is there a problem?" wika ni Alayne nang makalapit. Akmang siyang hahalik sa pisngi ni Reese pero nakalimutan niyang may suot siyang cap na tumama sa mukha ni Reese bago pa man siya makahalik dito.
"Ano ba 'yan!"
Natawa si Alayne. "Sorry," aniya at tinanggal ang cap sabay halik sa pisngi ni Reese. "By the way, kumusta na si Tito?"
BINABASA MO ANG
The Ace of Salvatore (GL) - Published under Pop Fiction
RomanceTherese "Reese" Villarosa was a 4-time MVP graduate from one of the best collegiate varsity in the Philippines, and was considered as one of the living legends in Philippine volleyball. Volleyball is her passion ngunit sa kanilang championship game...