Chapter 02: KRYSHNA POV

22 1 0
                                    

ROSE KRYSHNA PANIZAREZ POV

"Lola, you should eat now. It's already 2pm but you didn't eat your lunch yet." Mahinahon na pag-kausap ko sa aking nag iisang Lola.

We're here now in the mansion and I am the only one left with Lola with our maids who have been working here for a long time. After what happen to our family hindi na kami basta basta nakikipag kilala sa ibang tao.

It's better kung kilala naming tao ang makakasama namin.

Masyado ng na-trauma ang pamilya ko para mag karoon pa ng tiwala sa kahit na sino. Sa ilang taon, ilang beses na kaming na traydor.

Grandma smiled softly. "All right, I  will eat." I smiled and picked up the plate that was on my side.

85 years old na si Lola, nakakapag lakad pa naman sya ngunit mabilis na syang mapagod kung kaya't kung aalis kami minsan ay naka wheel chair na sya.

Sinubuan ko si Lola. "Aren't you leaving here at the mansion? Aren't you bored Apo?" I shook my head and smiled.

"No, I just came home from MIS to see how many kids will enroll in the scholarship." I answered.

Nawala ang ngiti ni Lola na para bang may naalala. Bumuntong hininga sya at pinagmasdan ako.

"Natrauma na ata ako sa mga batang scholarship na pumapasok dito, I remember Annie Rose. Your Mom. Mahilig syang makipag kaibigan sa mga may scholarship, hindi ko inaakala na sa huli they will betrayed Annie. I don't know what happen now. Matanda na din ako at gusto ko nalang matahimik ngayon ang pamilya natin." Tumango ako ngunit nanatiling malungkot.

Nalulungkot ako sa kinahinatnan ng pamilya namin. Hindi ko inaakala na darating kami sa punto na ganito. Na hindi payapa ang buhay kahit wala na kami sa posisyon sa MIS.

Hinawakan ni Lola ang kamay ko. "Promise me that you will never be close to the poor kids. I'm not a judgemental but they are dangerous, Kryshna. Mapanganib sila lalo na sa oras na mangarap sila na maging mataas, na mas mataas pa sa'yo at gagawin ka nilang ka-kompetensya."

Actually I don't really know the whole history in our family. All I know is that my family's over-trusting of other people has ruined them. Nang magipit ay wala ni isang tumulong.

We were even accused of stealing school money but the truth is that we were the ones who were robbed. All of Grandma's jewelry was taken by an unidentified person. Sinabi nilang iyon nalang daw ang bayad ni Lola para sa pagnanakaw ni Lolo ng pera sa paaralan.

Hindi pa sila nakontento, sinira pa nila ang bahay namin sa probinsya. Kinuha din nila ang mga lupa namin na illegal. Hindi din naman kami makalaban dahil may kapit sila sa batas. At hindi kayang lumaban ni Tita Darshna dahil sya lang ang mag isa. Walang kakampi.

Bata pa ako at inaamin ko na hindi ko pa kayang lumaban sa mga matatanda. Ni hindi ko nga kayang lumaban sa mga ka-edad ko.

Nakakatakot. Nakakatakot sila.

Matapos kong pakainin si Lola ay nag tungo na ako sa aking kwarto. Light pink ang kulay 'non dahil mahilig ako sa mga pink na bagay. Maski nga ang Laptop ko ay pink. And even my bed is pink. I just love pink.

Inilabas ko ang phone ko bago humiga sa kama. I text my one and only bestfriend. Freziah Perez.

Mayaman din sila at ang Mommy nya ay isang teacher sa MIS. Ang pag-kakaalam ko matalik na mag kaibigan si Mommy at Mommy ni Freziah. Not until Mommy died, naging mailap na din makipag kaibigan si Mrs. Perez.

Naaalala ko nga kung papaano sya umiyak sa burol ni Mommy, grabe ang iyak nya na to the point hindi na nakayanan ng tuhod nya. Simula 'non hindi na sya nag karoon ng kaibigan bukod kay Mommy. Tahimik nalang syang nag sisilbi sa paaralan na MIS.

When mom died I was shocked. She died in a car accident. Nabangga sya ng malaking truck. At nakakapag taka ay nang makita ang loob ng truck walang driver. Ang sabi ng iba baka natakot ang nag driver at tumakas. May nag sabi din naman na baka ang mga kalaban ni Mommy ang may pakana 'non.

Ngunit mabait ang Mommy ko. Sino naman ang kaaway nya?

To: Freziah
2 weeks before start the class. Are you ready?

From: Freziah
Obviously not. They will just bully you again and again.🙄

Ngumiti ako ng mabasa ang text nya.

To: Freziah
It's fine. Nandyaan ka naman para ipagtanggol ako.

From: Freziah
You need to fight back sometimes, Kryshna. Hindi lagi dapat nag papatalo ka sa kanila, you're so powerful. Gosh, bakit ba kase sobrang bait ng mga Panizarez? Sobrang bait nyong pamilya to the point na minsan naiinis na ako.

To: Freziah
We're powerful but they are more powerful that's why we choose to stay quiet nalang. Nakita mo ba ang pagkamatay ng Mommy ko, Freziah? They hide the truth kaya hanggang ngayon hindi pa din malaman kung sino ang bumangga sa sasakyan ni Mommy.

From: Freziah
Naaawa na ako sa inyo, you don't deserve this. Maski ikaw ay naaapektuhan na.

To: Freziah
As long na hindi naaapektuhan ang pangarap ko it's fine with me. I can endured it.

I put down my phone and tilted to lie down. I didn't realize that I was crying as I thought of the picture of Mom when she died in a car accident. I saw it on my two eyes. Halos hindi na makilala ang mukha nya dahil sa sobrang dami ng dugong tumagas sa kanyang katawan.

Hanggang ngayon bangungot pa din sa akin ang araw na 'yon.

Nagising ako ng 6pm na, pagkababa ko ay naabutan ko si Tita Darshna na nakaupo sa sala habang nakaharap sa kanya ang laptop nya at ang isang kamay nya ay nakatapat sa tenga nya habang hawak ang phone at busy sa pakikipag usap.

Dumiretso ako sa kusina para sana mag timpla ng gatas, when I finished doing that I went to the living room and sat in front of Tita and watched her work.

"Bakit ba ginigipit kami?" Nanatili ang tingin ko sa kanya ng marinig ang sinabi nya.

Ginigipit kami?

"Are you fucking serious shit?!" Nakita ko kung papaano magalit si Tita. Napatayo na din sya at kumuyom ang mga kamao nya.

Tita wiped her face and I turned around when she quickly threw her phone somewhere. She sat down again and placed her two palms on her face as if calming herself.

"T-tita ano po bang nangyare?" Tanong ko. Nag angat lang sya ng tingin sa akin at ng makita nya ako, kita ko ang pagkinang ng mata nya na para bang ano mang oras luluha na sya.

"Mr. Dela Torre." She started and I waited for what she would say.

"He let me be a teacher at MIS but I will never receive a salary. Even one pesos." My eyes widened

Bakit ito ginagawa ng mga Dela Torre? Sumosobra na sila! Nung dati ay akala namin tutulungan nila kami but in the end they choose to turned their back.

Hindi pa sila nakuntento ngayon at gusto pa nila kaming pahirapan ng husto! Paano kami mabubuhay nito kung walang matatanggap na sahod si Tita?

Huminga ng malalim si Tita. "And they want you to take scholarship para makapasok sa MIS, syempre hindi ko hinayaang mangyare 'yon. Ginawa ko ang lahat para mapapayag si Tiffany Roncal na mabayaran ko ang tuition fee na kailangan mo. But Vicente Tan wants 500k for one semester." Tuluyan na akong napanganga.

"What? Pero ang tuition fee ko lang ay 200k for semester, Tita. Bakit nila dinadagdagan?" Nalilitong tanong ko.

Pumikit sya ng mariin. "Because they want our money, and they will not stop until we bankrupt." Wika nya.

Nag pilit sya ng ngiti. "If my sister is alive hindi mangyayare 'to. I'm really tired. Can you hug your Tita, Kryshna?" Ngumiti ako at lumapit sa kanya para bigyan sya ng yakap.

"I'm always here Tita. I won't leave you and Lola." Wika ko at ramdam ko ang pag higpit ng yakap nya sa akin.

"Don't worry hinding-hindi ka mag hihirap hangga't nandito ako Kryshna. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka at ni Màma. Pro-protektahan ko kayo." Bulong ni Tita sa akin.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now