Chapter 60: Side with a Good

9 0 0
                                    

IÑIGO RONCAL POINT OF VIEW

It's been 5 months since Allyson left the Philippines. Madami ng nag bago sa MIS, kagaya nalang ng sa pamilya ko.

Mom found out about Dad affair with Lycka Perez, madaming nagulat at mabilis na kumalat sa MIS. Even in tv news binalita din. Mom still processing their annulment. Nang malaman ni Mommy iyon hindi agad sya nag dalawang isip na hiwalayan si Dad.

Dad and Lycka Perez wants to marry each other. They announced it in national tv para pagtakpan ang affair nila, sinabi din nilang mahal talaga nila ang isa't isa and it's not about business. Nonsense, if he really love Lycka why did he marry Mom in the first place?

Lourane got mad about this. Even Freziah, hindi ko pa din sya maatim na maging step-sister at alam kong ganun din ang nararamdaman ni Lourane.

Wala ng ibang nalalapitan pa si Mommy, itinaboy na sya dati ng pamilya nya ng malaman nilang paka-kasalan ni Mommy si Dad. Tanging flower shop at condo nalang ni Mom ang inaasahan namin. Dito kami pansamantalang nakatira dahil pinalayas na ni Dad si Mommy.

Ang walang hiyang 'yon, hindi nya hinayaan na makuha namin si Lourane. Ako lang ang nakuha ni Mommy habang nasa poder naman ni Dad ang Kapatid ko. Kinukulong nya at hindi na din pinapapasok sa school. Ang dahilan nya, pwede nyang gawin ang gusto nya kay Lourane dahil sya ang guardian nito.

Sinubukan ni Mom na paulit ulit kunin ang Kapatid ko ngunit wala, wala din naman syang laban dahil madaming nag ba-bantay sa mansyon.

Tinutu-tukan nila ng baril si Mommy kapag nag ta-tangka itong pumasok sa loob. Sinusubukan ko din na mag punta sa mansion ngunit hindi ako pinapapasok, marahil iniisip ni Dad na kukunin ko din si Lourane sa kanya.

Stress na stress na si Mommy sa mga nangyayare, hindi nya na alam kung kanino lalapit para humingi ng tulong.

At hindi ko na din alam kung anong gagawin ko. I feel useless.

"Kamusta na sya?" I asked Freziah.

Sa ngayon, kahit hindi ko sya gustong kausapin sya lang ang maka-katulong sa akin. Nakakapasok sya sa mansyon dahil doon na din nakatira ang Mommy nya, madali nyang nakikita kong ano ang kalagayan ni Lourane.

"I thinks she's not fine." Doon na ako nangamba. "Sometimes nag sa-sabay kami kumain and after that sya ang pinagli-linis ng mga plato. Even in the whole mansion. Sya lahat. Tinanggal ng Daddy nyo ang mga maid."

Kumuyom ang kamao ko sa narinig.

"I will talk to—" Natigil ako sa pag-sasalita ng huminto si Kimberly sa table namin. Nakangisi ito habang pinagmamasdan ako.

"Trying to save your sister, eh?" Mapanuyang tanong nya.

Mahina namang natawa si Jovelyn at tumabi ng upo sa akin. Nanatiling blangko ang mukha ko.

"Why don't you use me, huh? Be my boyfriend and I'll help you. Isang hiling ko lang kay Dad tu-tuparin nya na. You know..." Nag kibit-balikat balikat sya, nag ma-mayabang. "Only child lang."

Tumaas ang kilay ko. "Really? Balita ko kase hanggang ngayon problemado pa din ang Daddy mo kung paano maku-konbinsi ang mga Panizarez na makuha ang ebidensya na hawak nila laban sa inyo." Doon nawala ang ngiti sa kanyang labi

"Oh, baka naka-kalimutan mo kasama din namin ang kambal mo, Iñigo? Damay damay kami dito kaya hindi kami natatakot ngayon." Nag-tawanan silang lahat.

"But Lourane is willing to pay for what she did. Hindi sya takot na aminin ang lahat. Kayo ba? Handa ba kayong makulong at malaman ng buong Pilipinas ang ginawa nyo?" Tanong ko na nag patahimik ulit sa kanila

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now