Chapter 34: The Black Card

14 0 0
                                    

"Tss. Ngayon ka lang ulit nag pakita sa akin tapos aayain mo lang pala ako bumili ng bulaklak." Reklamo ni Ian sa gilid ko.

Huwebes na ngayon at bukas na ililipat ang labi ni Mr. Panizarez sa libingan ng MIS, after years maililibing na din sya doon. Busy na din si Kryshna kaya dalawang araw na kaming hindi nag kikita. Madalas syang mag chat sa akin ngunit hindi ko nire-replayan.

Alam kong bumabalik na naman ang sakit na naramdaman nya noon, gustuhin ko man syang samahan mag luksa ngunit hindi pwede. Sino ba naman ako sa buhay nya? Isa lang naman akong bagong kakilala na itinuring nya agad kaibigan.

Saka hangga't mag kasama kami hindi natitigil ang mga paratang sa akin, na tra-traydurin ko din daw si Kryshna sa huli. Nag sasawa na ako marinig at nakakarindi na masyado.

"Pagtapos nating bumili, kakain tayo. Ano okay na?" Naiiritang sambit ko para hindi na sya mag tampo pa.

Ngumisi naman ito dahil sa sagot ko. "Talaga? Saan tayo kakain? Libre mo ha? Expensive restaurant." Aniya.

"Kapal mo, mas mayaman ka naman sa akin." Sagot ko.

Tumawa sya ng malakas at inakbayan ako. "Tell that to yourself, Allyson."

Nakating kami sa bilihan ng mga bulaklak. Simple lang naman ang store na ito, hindi ko tuloy alam kung totoo bang mahal ang mga bulaklak dito. But it's not important anymore. I can buy everything I want.

"Dito iyon, mahal 'to kaya dapat nag handa ka ng pera." Sinamahan nya akong pumasok sa loob.

"It's fine. Mahal din naman ang pag-bibigyan ko." Ngumisi ako matapos sabihin iyon.

Dadalhin ko ito bukas sa libingan ni Mr. Panizarez, naaalala ko na white roses ang sinabi ni Kryshna na favorite ni Mr. Panizarez kaya iyon ang bibilhin ko. 12 docent of roses.

"Hi, can I have 12 docents of roses?" Lumapit si Ian sa isang babae at sya na mismo ang nag sabi ng kailangan ko.

Nag ikot ikot nalang muna ako dito sa likod at tumingin tingin ng mga iba't ibang bulaklak, mukhang totoo nga ang sinabi ni Ian na ito ang pinakamahal na shop ng bulaklak sa buong Pilipinas dahil nakikita ko ang ibat ibang mga bulaklak na hindi lang ordinaryo.

May umakbay sa akin ngunit hindi ko na nilingon dahil alam ko namang si Ian ito. "Ano pang gusto mo?" Tanong nya.

"Can I have a 2 set of juliet rose?" Tanong ko sa may ari.

Hinampas naman ako ni Ian sa braso. "Anong balak mo? Uubusin mo ba pera mo sa mga bulaklak?" Tanong nito. "Sino namang pag-bibigyan mo?"

"Right away, Ma'am." Umalis ulit ito at naiwan ulit kaming dalawa.

"Bakit selos ka?" Balik kong tanong kay Ian dahilan para umirap sya. "Yuck, mandire ka nga Allyson sa mga pinag sasabi mo." Hindi ko nalang sya sinagot.

Binalikan kami ng babae at sinabing ayos na lahat ng binili namin kaya' nag punta na kami sa counter, inilabas ko ang black card ko sa aking wallet at ibinigay iyon sa cashier.

"Papirma nalang po." Inaabot pa sa akin ang ballpen kaya' wala na akong nagawa kung hindi pirmahan ito.

Si Ian na ang nag dala ng mga pinamili namin habang ako ay naunang mag lakad, palabas na sana kami ng shop ng may makasalubong kaming mga tao. Napaatras ako at nilingon ang lalaking nasa harap ako.

Bigla akong kinabahan at hindi agad nakakilos ng makitang si Iñigo ito, kasama nya ang Kapatid nya na si Lourane at Joveyn. Hindi pa ako nakikita ng dalawa dahil busy ito sa pag-kwentuhan.

Nag tama ang mata namin ni Iñigo ngunit agad ding naagaw ang atensyon nya sa lalaking nasa likod ko. Bumalik ulit ang tingin nya sa akin.

"Oh, is that Allyson?" Napatingin ang dalawa sa akin. "Oh, si Allyson nga." Natatawang sambit ni Lourane.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now