DANLOUE TAN POV
Pagdating namin sa bahay malakas na sampal ang inabot ni Kimberly kay Dad. Hindi pa 'man kami nakakapasok sa pinto ngunit napaupo na sa sahig si Kimberly.
Agad akong lumapit dito at inalalayan sya. I looked at Dad. "Huwag mong saktan ang Kapatid ko! Please, Dad. I'm begging you." Pag-mamakaawa ko.
Dahil alam ko sa oras na may magawa kaming mali parusa ang aabutin namin.
Mahinang natawa si Daddy at pinagmasdan ako. "I never been a bad father to the both of you. Ang ayaw ko lang ang hindi nyo inaasikaso ang pag-aaral nyo! Puro kayo pasikat ngunit lamang na lamang naman sa inyo ang anak ni Mr. Dela Torre at ni Kryshna!" Galit na sigaw nya.
"What the fuck?! Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko ha?!" Nagulat ako sa pag-sigaw ni Kimberly kaya agad ko syang hinawakan upang pakalmahin.
Nangi-ngilid ang luha nya sa galit.
"Hindi mo ako masi-sisi kung bakit naging ganito ako Dad! You never said who's our mother after all!!! Kahit kailan, kahit bata ako wala kang sinabi!" Hinanakit nya kay Dad kaya hindi ko din maiwasan na masaktan.
Lumaki kami kay Dad. Sanggol pa lang ngunit wala ng ina, ni isa hindi nag kwento si Daddy tungkol sa Nanay namin, kung anong itsura nito o bakit sila nag hiwalay. Kaya ito kami. Parang tanga na nag hahanap ng aming Ina.
Kung sakaling lumaki kami kay Mommy hindi naman kami magiging ganito, magiging maayos ang lahat kung sakaling buo kaming pamilya!
Sandaling natigilan si Daddy sa narinig at bahagyang lumingon sa akin.
"Because your mother is dead." Napasinghap ako sa sagot nya.
"Kahit na! Hindi mo din sinabi kung saan sya nakalibing 'manlang, you're so unfair!" Hindi ko na mapigilan na ilabas ang galit ko sa kanya.
Tumaas ang kilay nya. "What's the use of that? Patay na sya at hindi nyo na sya kailangan." Nanlaki ang mata ko. "Look, hindi nyo ba nakikita? Kaya wala akong sinabi sa inyo tungkol sa kanya dahil hindi natin sya kailangan. Ako lang ang nararapat na mag alaga sa inyo."
Tangina? Tatay ko ba talaga ito?
Umayos sya ng tayo. "Pero sige, total mapilit kayo." Huminto sya at pinagmasdan kami sa lapag. "Just look at Darshna Panizarez, kamukha nya ang Mama nyo. Anyway I married her because she looked like my first love."
Mahina syang natawa. "Do you know who's my first love?"
Hindi ako tanga para hindi malaman kung sino ang first love ni Daddy. It is in the history, his love story with Panizarez. Sinasabi doon na trinaydor ni Darshna ang Daddy ko but I never believe it.
Sa tuwing makikita ko si Darshna na mag kakasalubong sila ng Daddy ko sya ang unang napapahinto habang ang Daddy ko tuloy tuloy lang sa paglalakad na para bang hindi nya nakita ang dating inibig nya.
Sa katotohanan. Si Darshna ang nag mahal at si Daddy ang nag traydor.
Ngunit hindi ibig sabihin 'non maaawa na ako sa kanila, madami pa din silang kasalanan sa MIS na dapat nilang pag-bayaran.
Nang makaalis si Dad niyakap agad ako ni Kimberly. Nag sisimula na syang umiyak na ikinadurog ko. "Kuya, what will I do now? I'm suspended and tomorrow is the sing in music. Mataas ang grado na ibinibigay ni Ms. Darshna lalo na if you participate." Sambit nya.
"Shhh...Umpisa pa lang ng klase, you will get more chance. Don't worry. Gagawa din ako ng paraan." Pag-papatahan ko.
Alam ko kung gaano kahalaga ang isang grades kay Kimberly, she always been in Top, ni isa wala syang missing na schoolwork because she always do it before the deadline. She's brat but she prioritize her study.
Nag tiim ang bagang ko, kasalanan nung Chesca na yun ang lahat, I'm sure she frame-up Kimberly. My sister would never do that kind of scene.
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Sa bahay naman ng mga Roncal nakangiting nag gi-gitara si Iñigo, while his sister is singing Dust Till Dawn.
They want to be partner always, what they want they gets, ayon lagi ang pinapaalala ng kanilang ama sa kanila, kaya nasanay sila sa marangyang buhay. Nang matapos sila ay niyakap nila ang isa't isa.
Nagulat pa sila dahil may pumalakpak sa pinto kung saan kanina pa sila pinapanood ng kanilang ama at ina. Nakangiting pumasok si Arnel Roncal.
"Napakagaling talaga ng mga anak ko, manag mana sa kanilang ama." Natawa ng mahina si Tiffany Roncal sa narinig.
"Sa iyo lang ba nag mana?" Tanong nito kaya nag tawanan silang apat.
"I think nag mana ako kay Mommy." Singit ni Iñigo na may ngisi sa labi.
"Yeah, you looked like your mother for real." Sagot naman ng kanyang ama.
Hinakawan nito ang dalawang balikat nya at pinaharap sa salamin. "Pero gusto ko sana makuha mo ang ugali ko, you're a boy, kailangan magaling kang mag patakbo ng company natin." Ani nito.
Nawala ang ngiti ni Iñigo ng marinig ang sinabi ng kanyang ama, lahat ng kagaguhan ng tatay nya alam nya na ata. At ito sya, nag papanggap na walang alam at masayang pamilya pa din simula noon at ngayon.
At ano itong sinasabi nya? Na sana makuha ang ugali nito? Kailanman hindi ko gagawin iyon, isang hunghang lang ang hahayaan ang sarili nya na maging katulad ng isang demonyo.' sa isip ni Iñigo.
"I can manage our company without telling me to copy your attitude Dad." Sambit nya. Hindi na sya nagulat ng maramdaman ang pag-bigat ng kamay ni Arnel sa kanyang balikat.
Napatingin sya sa pwesto ng Mommy at kambal nya, hindi nya maiwasan pagmasdan ang mga ngiti na 'yon. They really think that this is all real, that we're a happy family. But the truth is it's not.
Kailanman hindi naging masaya ang pamilya na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/308824649-288-k931594.jpg)
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mystery / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...