"Dito nalang, huwag ka ng pumasok sa loob." Inis na sambit ko at bumaba na.
Nasa tapat na kami ng gate kaya nag pumilit na akong bumaba, alam ko din kase na nandito sa loob ang Mama nya kaya ayoko ng mag kita pa sila dito.
Hindi ko alam kung anong plano ng dalawang Panizarez bakit nakikipag komunikasyon sila sa Roncal pero hindi ko na dapat sila pakialaman. May plano ako at may plano din sila, I should just worry my plans.
"Okay." Inabot ko sa kanya ang helmet nya at kinuha naman nya iyon habang may ngisi sa kanyang labi.
Tumunog ang phone ko sa bulsa kaya sabay kaming napatingin doon, kinuha ko iyon at tinignan. Si Ian tss. Tumango lang ako kay Iñigo bilang paalam, ayoko namang maging bastos sa kanya kaya tumalikod na ako at nag lakad papasok.
"Oh, problema mo?"
["We need to talk. Let's meet."]
"Ano namang pag-uusapan natin?"
["Tss. Baka hindi mo alam na may frat ka pa na hawak hawak? Hindi purke't nahanap mo na ang pamilya mo kakalimutan mo na agad kami."]
"So drama. Sige kakain lang ako at mag bibibis, text mo nalang saan tayo mag kikita."
Binaba ko na 'yon at nag patuloy sa paglalakad, pagpasok ko pa lang sa pinto naabutan ko na agad si Mrs. Roncal kasama si Mom sa sala. Seryoso silang nag uusap kaya nakinig ako sa kanila habang nag tatago.
"Ang pinag-usapan natin..."
Hindi nag patinag si Mom. "You'll betray me so no, I don't trust you now." Sagot nito. Kitang kita ko sa mga mata ni Mrs. Tiffany Roncal ang sakit.
Hmmm...I wonder kung gaano kaya sila kaclose para ganito ang maging reaksyon ni Tiffany? At nung nakaraan, base din sa pinag-usapan ng mag kapatid na Panizarez kita ko din na naapektuhan si Mom sa pag-uusap nila ni Tita. It's like masakit din sa kanya na ma-betray ni Ms. Tiffany.
"Hindi ko na gagawin iyon, Darshna." Ramdam ang pag-mamakaawa nito sa kanyang boses. "If I loss my position wala na akong mapupuntahan."
Walang reaksyon na pinagmasdan ni Mom ang kanyang dating kaibigan. "I beg you before, Tiffany..." Natigilan si Ms. Tiffany sa narinig.
"Mawawala sa'yo lahat kapag pinakasalan mo si Arnel but then you choose your damn heart. Hindi mo ako pinakinggan, hindi mo pinakinggan ang taong nag mamalasakit sa'yo." Dagdag ni Mom.
"Kaibigan kita kaya ayokong makitang masira ka dahil sa lalaking iyon pero hindi ka nakinig kaya ngayon ayoko na. Sapat na ang pag-mamakaawa ko sa'yo 'noon at hindi na ako uulit pa. Hindi na kita kaibigan kaya hindi na kita tutulungan." Tumayo na si Mom at nag lakad.
Napaluhod nalang si Ms. Tiffany at tahimik na umiiyak, ngunit hindi nya alam huminto sa paglalakad si Mom ngunit nanatili itong nakatalikod na para bang alam nya na umiiyak si Ms. Tiffany kaya ayaw nyang makita.
"By the way..." Usal ni Mommy. "Wala ng pake ang Ate ko sa principal position kaya mananatili kang principal. Iyan nalang ang alas mo dahil tinalikuran ka na din ng pamilya mo." Tuluyan na itong umalis.
Lumakad na ako palabas, nanatiling nakaluhod si Ms. Tiffany kahit umalis na si Mom, ng maramdaman nyang may nag lalakad nag angat sya ng tingin, marahan syang ngumiti sa akin ngunit nanatiling blangko ang mukha ko.
"Protektahan mo ang pamilya mo dahil iyan ang pinaglaban mo sa lahat." Wika ko bago sya iniwan doon.
Nag tungo ako sa kwarto ko at agad nag bihis, itinali ko ang buhok ko bago lumabas ulit. Naabutan ko si Manang sa kusina habang gumagawa ng gatas.
"Asaan si Tita?" Tanong ko dahil hindi ko sya nakita dito.
"Ah, umalis po sila ng Daddy nyo. Hindi lang po sinabi kung saan nag punta." Napaisip ako. Napapadalas ang pag-alis nila nitong mga nakaraang araw lang.
It's either iniiwasan ni Tita si Mr. Dela Torre or si Mrs. Lycka Perez. Silang dalawa lang naman ang madalas mag punta rito dahil gustong kausapin si Tita, ang huling punta lang ni Mr. Dela Torre ay tatlong araw na at hindi na sya umulit pa ng sabihin ni Tita na huwag na syang mag pakita pa.
Masunurin pala.
Pag tapos kong kumain ay umalis na agad ako, hindi na ako nakapag-paalam kay Mom kase mukhang busy sya kahit hindi ko naman talaga alam kong anong ginagawa nya ngayon. Sana nga lang ay nag pahinga nalang sya sa kwarto nya, lagi pa naman iyong busy sa school.
Sa isang coffee shop nakipag kita sa akin si Ian, pagdating ko doon naabutan ko na sya na nag ka-kape habang busy sa phone nya, umupo ako sa harap nya kaya mabilis nyang ibinaba ang hawak bago tumingin sa akin.
"Ano yan?" Seryosong tanong ko.
Inosente syang tumingin sa phone nya bago inabot sa akin. Kinuha ko naman iyon at tinignan, isa itong video na may binubugbog silang dalawang lalaki. Halos lima silang lahat habang pinagtutulungan ang dalawa.
"Bayad yan." Sabi nya.
Ibinalik ko ang phone. "Tss. Kahit naman gaano kalaki ang bayad makikihati pa din si Caloy, mag kano naman ang binayad?" Tanong ko.
Ngumisi sya. "Isang milyon, malaking pamilya kase yang dalawang yan. Mukhang nainis nila yung taong nag bayad sa amin kaya pinabugbog." Pagkwento nya.
Nag salubong ang kilay.
Dinuro ko sya. "Hoy, ilang beses na ba kitang pinaalalahanan na huwag kang basta basta tatanggap sa mga ganyan kapag malaking tao ang kakanain. Mamaya ikapahamak pa ng grupo yan." Galit na sambit ko sa kanya.
Ngumuso naman sya. "Pera lang naman ang pinapairal natin Allyson, e. Purke't mayaman ka nag bago na pananaw mo."
"Walang alam ang pamilya ko rito kaya huwag mo silang idamay sa ganitong usapan. Ang akin lang karamihan sa myembro sa grupo natin may mga pamilya na inuuwian, paano kung mag hulihan edi todas sila?"
"Tss. Ano bang kinababahala mo? Protektado tayo ng gobyerno baka nakakalimutan mo?"
Totoo ang sinabi nya. May kapit kami sa pamahalaan kaya' hanggang ngayon hindi pa din nahuhuli ang grupo na ito. Pero kahit malakas ang kapit namin hindi dapat kami maging chill lang, alam ko naman na mali 'tong frat namin, malaking kasalanan ang ginagawa namin. Malaking tiyansa na mahuli kami ng mga otoridad.
Pero ano bang magagawa nila? Sa buhay ngayon pera na ang pinapairal, kahit hindi marangal, kahit panganib papasukan basta mag ka-pera lang.
Karamihan naman sa amin hindi din gusto ang mga ginagawa namin, hindi namin gusto ang bumugbog o pumatay lalo na kapag nalalaman namin ang dahilan ba't gusto ng nag bayad sa amin itong ipabugbog o ipapatay. May mga nag babayad sa amin na sila ang mali pero sila pa ang galit kaya gustong patayin ang nakaaway nila.
Alam naming sya ang mali pero we choose to end the life of the one who's right. Dahil nga bayad kami. Nakaka-guilty pero wala, e. Ito ang buhay at trabaho na pinasok namin.
Hindi na ako nag salita. "Mag low-key muna kayo, hindi ako papayag na masira ito. Kailangan ko pa kayo." Iyon lang sinabi ko at nag order ng pagkain.
"Grabe, kumain ka na sa bahay nyo pero kakain ka pa din rito." Komento ni Ian habang pinagmamasdan lahat ng mga na order ko.
Sandali kaming natahimik na dalawa, kumain lang kami ng tahimik ng may maalala sya. "Binisita ko sya kanina..." Mahinang aniya.
"Hmmm...Buti pinayagan ka?"
Mahina syang natawa. "Ikaw lang naman ang bawal." Hindi ako nakasagot.
"Ganun pa din kalagayan nya, hindi mo ba talaga bibisitahin? Kahit isang beses lang? Dalawang taon na Allyson..."
"Wala na kaming kumonikasyon, at ganun ka din dapat kaya hindi ko na sya bibisitahin."
"Ikaw ang ano ni Isac----" I cutted him off.
"Tumigil ka." Banta ko.
Nag tuloy lang ako sa pagkain at hindi na inisip ang mga sinabi nya, naputol na ang kumonikasyon namin noon pa kaya hindi ko na sya pwedeng makita pa. At alam kong ayaw nya na din pa.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Misterio / SuspensoFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...