Omg, I think 10 chapter nalang and Epilogue na!!! Papunta na tayo sa exciting part.🤭
______
"This coming festival doon natin kukunin si Lourane. I'll be performing in Singing Competition, babantayan ko si Mr. Roncal because he will be there." Ani ko.
Tumingin sa akin si Freziah. "Papasok ka ulit sa MIS?" She asked.
I nodded. "Yes." Sagot ko.
"Anong gagawin namin?" Tanong naman ni Iñigo.
Tumingin ako sa kanya at sunod kay Jackson. "Merong isang mag sa-sakripisyo." Pinagmasdan ko silang lahat. "What do you mean sacrifice?"
"May mawawalang buhay?" Gulat na tanong ni Freziah.
Umirap ako. Stupid!
"No. I mean may mag sa-sakripisyo sa Festival na ito, kailangang hindi lahat tayo maka-kasali rito. Ako ang mag ba-bantay kay Mr. Roncal habang ang iba naman ay kukuhanin si Lourane."
"Ako na ang mag sa-sakripisyo." Volunteer ni Iñigo, tumingin si Jackson sa kanya bago ibalik ang tingin sa akin.
"Sasamahan ko sya."
Ngumiti ako. "Sisiguraduhin ko na hindi makakaalis sa event na'to si Mr. Roncal. Alam ko kung nasaan si Lourane."
Nang makabalik ako sa Pilipinas agad kong nalaman ang issue ni Mr. Roncal and Mrs. Perez. Ikakasal na pala sila at doon ko na din nalaman na kinuha ni Mr. Roncal si Lourane kaya sinundan ko sya ng hindi nya nalalaman.
Dinala nya si Lourane sa isang orphanage na mga parewalang mga bata. Nan'don yung mga batang lumaki sa lansangan, may mga batang naging adik at doon daw nag bago.
Gusto kong tulungan si Iñigo kahit may kasalanan pa sa akin si Lourane, Lourane is not safe there. Baka kung tumagal na nandoon si Lourane mas mapahamak pa sya.
2 days before ng festival bumalik ako sa bahay ng mga Panizarez. Sinalubong ako ng yakap ni Mom. Ramdam ko ang pag-aalala nya sa akin kaya hindi ko maiwasan maiyak. I missed her.
"Allyson where did you go? Bakit bumalik ka pa dito? MIS is not safe anymore. Please go back to Korea." Nag aalalang aniya.
Napailing iling si Tita Annie.
"Nabalitaan ko na pinilit nya si Nelmar na bumalik sa MIS, sumali din sya sa festival kaya mahihirapan na syang umalis ulit sa paaralan na'to." Ramdam sa boses nya ang galit.
Nag tama ang mata namin ni Papa "Is it true?" Tanong nya.
I nodded. "Bakit kayo magagalit sa desisyon ko?" I asked.
Umupo ako sa sofa at pinagmasdan sila na nakatayo sa aking harapan. "Akala nyo ba hindi ko malalaman na hindi nyo ibinigay sa mga pulis ang ebidensya na ibinigay ko sa inyo?" Kita ko kung papaano manlaki ang mga mata nila.
"Ang ebidensya na nakuha ko dinala nyo sa Korea kasama ko, doon pa mismo sa bagahe ko." Mahina akong natawa.
"Kaya pala ng pagdating ko kinuha agad ni Lola ang bag na dala ko at dinala sa isang kwarto. Isinama nyo pa talaga sila sa mga plano ninyo." Ani ko.
"Ginawa namin yun dahil hindi na namin kayang pagkatiwalaan pa ang pulisya, Allyson." Tumabi ng upo sa akin si Mommy.
Hinawakan nya ang dalawang kamay ko na para bang pinapaintindi nya sa akin ang sitwasyon namin ngayon.
"Trust me this one. Pagkatiwalaan mo kami, Mr. Tan and Mr. Roncal killed Kryshna. Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila kay Kryshna, lalong lalo na si Vicente. Pagbabayaran nya habang buhay iyon." Sambit nya sa akin.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Misteri / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...