Chapter 64: Save Lourane

9 0 0
                                    

FREZIAH PEREZ POINT OF VIEW

Mahina akong umiiyak dito sa loob ng restroom, pinupunasan ko ang mga spaghetti na nasa buhok ko.

"Tss. Huwag ka ngang umiyak! Hindi ka naman ganyan ng iniwan kita." Suway sa akin ni Allyson habang inaabutan ako ng mga tissue.

Ngumuso ako. "Hindi naman iyon ang iniiyakan ko, e!" Sagot ko.

"Hindi ko lang mapigilan na umiyak dahil nandito ka na ulit." Tinigil ko ang ginagawa ko bago humarap kay Allyson.

Blangko ang mukha nya ngunit tumaas ang isang kilay nito ng makita ang buo kong itsura. "I'm sorry, Allyson...For what I said to you at kung anong mga ginawa ko, please forgive me. Hindi ko na din kayang mawalan pa ng isang kaibigan."

Doon na ako umiyak ng tuluyan, mabilis ko syang niyakap kahit andaming dumi sa katawan ko, hindi naman sya nag reklamo o ano. Naramdaman ko din ang kamay nya sa aking likod na dahan dahan na niyakap ako pabalik.

May binulong sya sa akin na lalong nag palakas ng iyak ko.

"Naging parte ka ng buhay ng Pinsan ko kaya parte ka na din ng buhay ko."

Ilang minuto din ata kaming nag yakapan hanggang ako na ang kumalas, inutusan nya ako na maligo nalang dahil sobrang lagkit ko daw. Meron din na inabot na towel si Jackson at Iñigo sa akin, pinabuksan ko na din kay Jackson ang locker ko dahil nan'don ang extra uniform ko.

Matapos kong maligo naabutan ko si Allyson na nakaupo sa lababo habang naninigarilyo. Kaya pala umuusok dito bwesit.

Agad ko syang sinuway. "Hey, itigil mo nga yan." Hindi naman nya pinansin ang sinabi ko.

Bumaba sya at umayos ng tayo. "Shit." Usal nya.

Nilingon ko sya habang sinu-suklayan ang sarili ko. "Bakit?" I asked her.

"Iñigo is outside. How can I face him?" Usal nya.

Nanlaki ang mata ko ngunit maya-maya natawa nalang. "Kinakabahan ka?" Tanong ko.

Hindi naman sya sumagot kaya alam kong kinakabahan sya. "Hindi ako nakapag handa shit. Anong unang sasabihin ko? Hinawakan ko pa kanina ang kamay nya at hinila, dapat sayo ko lang gagawin yon, e." Napailing iling sya sa katangahan.

Natawa ako. "Umpisa na ang klase baka bumalik na 'yon sa room." Sagot ko.

I think Allyson have a crush on Iñigo right now. Kinakabahan kapag nasa harap nya si Iñigo, e.

Bu-buksan ko na sana ang pinto ngunit napalingon ako sa likod ko kung saan nandon si Allyson, nakayuko lang sya habang hindi mapakali. I smirked.

Pagbukas ko ng pinto hindi na ako nagulat na nandon pa din si Iñigo. Nakasandal sya sa pader habang nakatingala at tila malalim ang iniisip.

Nang maramdaman nya na lumabas kami agad syang umayos ng tayo. Lumunok pa ito bago kami hinarap, tumingin sya sa likod ko.

"Nandito ka nga talaga." Wika nya.

Napailing iling naman si Allyson bago lumapit kay Iñigo, tila hindi na ito kinakabahan ngayon. "Ano ba akala mo sa akin kanina? Imagination mo?"

Hindi naman mapigilan ni Iñigo na ngumiti. "Oo, madalas kase ako mag imagine na kasama ka." Ako naman ang malakas na tumawa.

"Pickup line ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Inis naman na tumingin sa akin si Iñigo na para bang basag trip ako. Pagtingin ko kay Allyson nakangisi din sya. Tumingin sya sa akin.

"Doon mo'na ako sa garden area, pumasok na kayo iintayin ko kayo doon." Hindi naman inalis ni Iñigo ang tingin nya sa kaibigan ko.

"Anak ng, whipped huh? Tara na hindi na yan aalis pa kaya sundin nalang natin sya." Hinila ko ang kamay ni Iñigo at nag lakad na.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now