Chapter 61: You'll Pay for This

10 1 0
                                    

FREZIAH PEREZ POINT OF VIEW

"Kryshna I don't know what do anymore." Isinandal ko ang ulo ko sa dalawang tuhod ko.

Nandito ako ngayon sa sementeryo, sa tuwing may problema ako dito ako nag pupunta. Wala naman na kase talaga akong mapupuntahan na iba, wala akong ibang kaibigan bukod kay Kryshna.

Ang kaibigan na naituring ko wala na din naman dito.

Mahina akong umiyak. Pagod na pagod na ako, pati ang Nanay ko problemado ko na. I can't believe her. Sinabi nyang mahal nya si Mr. Arnel.

Minahal nya din ba si Papa? O minahal nya ito dahil lang ma-pera si Papa?

Ang pagkakaalam ko dating scholar si Mama sa MIS, she became friends to Ms. Annie dahilan para makilala din sya ng ibang mga tao dito, hanggang sa makilala din sya ni Papa. Niligawan sya ni Papa at kalaunan sinagot nya.

Ikinasal sila at nag karoon ng ako. Pero ang paulit ulit na nasa isipan ko minahal nya ba si Papa? Bakit nung sinabi nya sa news dati nya pang minahal si Mr. Roncal?

Ano yun nag mahal sya ng dalawa?

Mas lalo akong nanghina. Iniisip ko pa lang iyon naa-awa na ako sa Papa ko. He doesn't deserve this.

"Kryshna..." Nag angat ulit ako ng tingin.

"Paano kung sumunod nalang kaya ako sa iyo?" Tanong ko sa aking sarili.

Pinakiramdaman ko din ang hawak kong mga gamot. "Nahi-hirapan na din ako dito, masyado ng magulo. Kapag sumunod ako sa'yo baka makita ko pa si Papa dyaan." Natawa ako.

Tama. Total ang mga taong mahal ko nasa kabilang buhay naman na. Sumunod nalang din dapat ako.

"Do you think you'll be in heaven if you kill yourself?" Doon na ako napatingin sa likod ko. Umawang ang labi ko ng makita si Jackson.

Nag lakad sya papalapit sa akin. "Allyson still need you."

Mas lalong namasa ang mata ko. "Hindi na sya babalik dito, narinig ko iyon kay Ms. Darshna. Nako-konsensya ako, napag sabihan ko sya ng masama at hindi manlang humingi ng tawad sa kanya." Ani ko.

"Babalik 'yon. Do you think she will let Kryshna's case be nothing? Hanggang ngayon hinahabol ni Mr. Roncal at Mr. Tan ang ebidensya na hawak hawak ni Ms. Annie Panizarez. At alam kong mauuwi sa pag danak ng dugo ito. Sino sa tingin mo ang mamamatay?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Walang mamamatay!" Giit ko.

"Maaaring wala pero maaaring meron. Alam naman natin kung gaano ka-ganid si Mr. Roncal sa kapangyarihan hindi ba? Gagawin nya ang lahat para mapabango ang pangalan nya at pangalan ni Lourane. Kaya hindi nya hinayaan na makuha si Lourane ng Mommy nila dahil alam nyang hindi kaya ni Ms. Tiffany na protektahan ang anak nila."

Doon ako napaisip. Maaaring totoo ang sinasabi nya. Ano nga ba ang dahilan ni Mr. Roncal kung bakit ayaw nyang makuha ni Ms. Tiffany si Lourane?

"Bakit mo ba sinasabi 'to? Isa din naman ang Kapatid mo sa suspect. Wala bang gagawin ang mga magulang mo para protektahan ang anak nila?" Tanong ko sa kanya.

Tumango sya. "My mom doesn't care. Si Dad naman katarungan ang gusto nya. At ang gusto nya ay pag-bayaran ni Nicholas ang ginawa nito but my brother is a stubborn man. Kailangan ko pa syang kalabanin para lang matapos ang kahibangan nya."

"What do you mean kalabanin?"

"Today I want to side with a good group. And I'm siding with Iñigo." Tumingin ako sa kanya para tignan kung nag sasabi ba sya ng totoo.

He's fucking serious base on his face.

"I realized my mistake. Alam ko na kung sino ang mabuti ngunit kumakampi pa din ako sa mga taong masasama. And that's not me. My Dad would never be proud if he knows what I do." Dagdag nya. Bumaba ang tingin nya, nakatayo kase sya habang ako naman ay nakaupo.

"Kaya kung pwede lang tumayo ka na at bumalik sa MIS, kailangan tayo ni Iñigo this time." Doon na ako onti-onting napangiti.



LOURANE RONCAL POINT OF VIEW

Pabaling baling ang tingin ko sa paligid habang hawak ang phone ko. Ilang araw ko ng paulit-ulit tine-text si Danloue at sinabing tulungan ako pero hindi 'manlang nya ako nire-replayan.

To: Danloue
Please, Danloue. I need you. Ikaw lang ang maka-katulong sa akin ngayon.

Ayaw ko ng humingi ng tulong pa sa Kapatid ko o kay Mommy. Ayokong mapahamak sila, narinig ko kagabi si Daddy na sinabihan ang mga nag ba-bantay sa labas na kung sakaling bumalik ulit si Mommy dito maaari nilang barilin ito.

And I'm so fucking scared right now.

Napangiti ako ng makitang nag text si Danloue pabalik ngunit agad ding nabura iyon ng mabasa ang text nya.

From: Danloue
Why would I help you? Hindi naman kita kargo. Hindi din naman kita Kapatid, Kapatid ka ngayon ng kinaiinisan ko na si Iñigo so why would I help you, huh?

Ano bang sinasabi nya? Mag kaaaway ba sila ni Kuya ngayon? Hindi na dapat sila nag away pa at tinulungan nalang ako! Ano ng nangyare kay Kimberly at bakit hindi 'manlang nya ako kina-kamusta ngayon?

"Kanino ka nakakuha ng cellphone?" Napaiktad ako ng marinig ang boses ni Daddy. Mabilis kong tinago ang phone na hawak ko ngunit agad nyang kinuha ito sa akin.

Hinagis nya ang phone na iyon dahilan para mawarak. Umawang ang labi ko at akmang titingin palang sa kanya ng sampalin nya ako ng malakas.

Sinabunutan nya ako at kinaladkad papunta sa isang kwarto. Sinubukan kong tanggalin ang kamay nya sa buhok ko habang umiiyak ngunit hindi nya iyon binitawan.

"Sinabi ko ng hindi ka na pwedeng makipag communicate sa Kuya at Mommy mo dahil wala na kami! Hindi ka talaga marunong makinig!" Tinulak nya ako sa loob ng isang kwarto.

Lumakas ang iyak ko ng makitang kinuha nya ang isang latigo na nakalagay sa dingding. Nakaupo ako sa sahig habang ang dalawang kamay ko nag ma-makaawa na sa kanya.

"Dad please! Don't do this to me! I am your daughter!!" Pag-mamakaawa ko.

Wala na akong nagawa kung hindi sumigaw at umiyak habang hinahampas nya ng latigo ang katawan ko. Hindi na din ako makapalag dahil sa sakit ng nata-tamo ko.

Kumuyom ang mga kamao ko. Sa oras na matapos ito you'll pay for this Dad. Pa-patayin kita at hindi na kailangan ng mga Panizarez na gawin iyon sa sarili nilang kamay dahil ako na mismo ang gagawa.

Sa pang sampung hampas nya doon ko na hindi nakayanan. Tuluyan ng bumigay ang katawan ko at ramdam ko nalang ang pag-pikit ng mga mata ko.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now