Nang makabalik ako sa room ay nagulat ako dahil si Danloue palang ang nandon. Napaawang ang labi ko at sumulyap sa labas kong nasaan nandon ang dalawang lalaki na tila nag babantay.
Kaya pala ng makita nila ako na papasok ay ngumiti sila sa akin. Ano bang binabalak ng lalaking ito?
Ngumiti si Danloue sa akin, nag lakad ako papalapit sa kanya habang seryoso lang ang tingin. Huminto ako sa harap nya, nakaupo sya habang ako ay nakatayo kaya't tumingala sya para makita ang mukha ko.
"Dito ka pala nag aaral bakit hindi mo manlang sinabi?" Tanong nya.
Tumaas ang isang kilay ko. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Sino ka ba?" Tanong ko na nakapag patawa sa kanya.
Mayabang syang ngumisi sa akin at tumayo na din para mag pantay ang mukha namin. Iilang dipa nalang ang layo ng mga mukha namin kaya't bahagya akong nandiri ngunit nanatili ang seryoso kong mukha.
"Ngayong dito ka na nag aaral marahil ngayon kilala mo'na ako, I mean lahat ng estudyante dito kilala ako, kahit nga sa labas ng MIS, e. Lagi kase kaming nasa balita." Mayabang na aniya.
"Hmm, talaga? Hindi kase ako nanonood ng balita, e." Sagot ko.
Nawala ang ngiti nya sa labi at seryosong pinagmasdan ako. Ngunit maya maya din ay natawa sya at nagulat ako ng pisilin nya ang pisngi ko.
"Ang taray taray mo, but i like it. Mga pasupladong effect." Kumunot ang noo ko.
Kadiri.
Nawala ang ngiti ni Danloue at sumulyap sa likod ko napatingin din tuloy ako doon. Naabutan ko si Jackson Lim na walang emosyon na pinagmamasdan kami.
Ngumisi si Danloue at lumapit sa kanyang kaibigan. Inakbayan nya ito.
"Aga nyong natapos sa lunch, ah?" Tanong nito.
Iritadong inalis ni Jackson ang pagkakaakbay sa kanya. Ngumisi ako at umupo na sa upuan ko.
Hindi din katagalan bumalik na ang mga tao na nandito, nakita ko si Kryshna na may dalang mga prutas at nasa likod nya si Lourane at Kimberly. Kumunot ang noo ko at hinanap ang kaibigan ni Kryshna na si Freziah ngunit wala naman dito.
Biglang tumayo si Danloue at tumawa ng malakas. "Wow, orange my favorite." Pahablot nyang kinuha sa kamay ni Kryshna iyon saka binalatan.
Ngunit ang mas nakakainis ay bawat balat nya itinatapon nya sa mukha ni Kryshna, tuwang tuwa naman ang mga tao dito na para bang nakakatuwa ito.
"Ipinabili ko talaga sa kanya yan, Kuya." Tumingin si Kimberly sa mga kasama nya. "Nicholas, Jackson, Iñigo come here. Pili lang kayo ng prutas rito."
Kumuha ng ponkan si Iñigo at bumalik sa kanyang upuan, pinagmasdan nya muna ang tatlong hawak nyang maliit na ponkan at tumingin ng walang emosyon kay Kryshna. Ngumisi sya dito.
Kumuyom ang kamao ko ng sunod sunod nyang binato ang maliit na ponkan sa mukha mismo ni Kryshna. Ipinikit ko ang mata ko ng marinig ko ang mga tawanan ng tao.
Hindi ko inaakala na ganito ang mga estudyanteng nandito! They are all evil!
"What are you doing?" Agad silang umayos ng may teacher na nasa pintuan. It was Divina Dela Torre.
Salubong ang kilay nya ngunit ng makita si Kryshna ay bumuntong hininga sya at nag lakad sa harap.
"Go back to your seat and we're going to start our class now." Ito lang ang sinabi nito at hindi manlang pinansin ang nangyayare sa loob ng klase.
Pinagmasdan ko si Jovelyn Dela Torre na kanina ay tawa ng tawa habang pinagmamasdan si Kryshna ngunit ngayon ay tila ay isa syang anghel kung manahimik. May hawak din syang ballpen at ang paningin nya lang ay nasa notebook habang sumusulyap sya sa kanyang Ina.
Hmmm...
Nag simula ang klase ngunit ang atensyon ko ay na kay Kryshna pa din, nag pupunas na sya ng kanyang buhok na nabasa ng katas ng ponkan. Tinutulungan din sya ng kaibigan nya na si Freziah.
Hindi ko inaakala na ganito pala nakakaawa ang Panizarez.
Hindi ba Tita nya ang isa sa mga teacher dito? Bakit hindi manlang sya tinutulungan about sa issue na ito? Hindi ba alam ng Tita nya ang tunay na nangyayare sa kanya?
Napapikit ako sa katangahan ko. Stupid, Allyson. Kung alam ng Tita nya ang nangyayare edi sana may gagawin na iyon, hindi nya hahayaan na tratuhin ang pamangkin nya ng ganito.
Hanggang sa last class nalang namin at iyon ang subject ni Ms. Darshna. Elegante itong pumasok sa classroom at lahat ay natahimik. She looked like a strict teacher.
Kalmado ang mukha nya na tila ba walang problemang dinadala, but obviously andami. Simula ng mawala ang panganay na kapatid nya sya na ang sumalo ng lahat. Pati pag-alaga nya sa kanyang ina na ngayon ay nang hihina na din.
Matagal ko syang pinagmasdan ngunit wala naman akong maramdaman. Idol ko ito, e. Dahil anlakas ng dating nya para sa akin, magaling din syang kumanta at sumayaw kaya nga iyon ang itinuturo nya sa amin.
Hindi na sya nag paligoy ligoy pa, diretso na sya turo. Ni hindi manlang nya tinitignan si Kryshna. Kung may tanong sya about sa tinuturo nya ay nag tataas si Kryshna na para bang alam nya na lahat ito.
Kahit sa buong klase iyon ang napansin ko sa kanya. She's so smart. Kaya din siguro andaming naiinggit sa kanya.
Samantalang ako, ito bobo lang.
Nang matapos ang klase ay doon na lumapit si Kryshna sa kanyang tita. Kinuha ni Kryshna ang mga gamit ni Ms. Darshna habang nag lalabasan ang mga estudyante dito.
Habang ako ito, nakatayo at pinagmamasdan ang dalawang Panizarez na idolo ko.
"Mauuna ka bang umuwi? Pakisabi nalang kay Mama na I will go home late." Rinig kong wika ni Ms. Darshna.
Kumaway si Freziah. "Una na ako Tita, baka pauwi na din si Mommy." Tumango lang ito at pinagmasdan palabas si Freziah.
Habang pinagmamasdan nya ito ay bigla syang napabaling sa akin. Sandali syang natulala at kumunot ang noo na tila ba kinikilala ako. Habang ako ito, bumibilis ang tibok ng puso.
"Are you a scholar?" Tanong nya sa akin makalipas ng ilang segundo naming titigan.
Tumango ako.
Ngumiti naman si Kryshna at sumulyap sa kanyang tita. "Tinulungan nya ako kanina, Tita." Malawak na nakangiting sambit nito.
Sandaling natahimik si Ms. Darshna ngunit ngumiti din ng bahagya sa akin.
"Thank you for taking care of my niece." Tumango nalang ako.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng room na iyon. Nakakagaan ang presensya ng mga Panizarez, hindi ko alam kung bakit.
Nakalabas na ako ng building at kasalukuyang nag lalakad sa malawak na garden ng matanaw ko sa gilid ng gate si Jackson Lim.
Nakasandal ito sa pader habang pinagmamasdan akong mag lakad. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay umayos sya ng tayo. Hindi ko nalang sya pinansin at akmang mag lalakad na paalis ng mag salita sya.
"Hey." Nanatili akong nakatalikod ng huminto ako sa pag-lalakad.
"You're just a scholar so stay away from MIS kids." Ngumisi ako ng marinig ko iyon at dahan dahang humarap sa kanya.
Seryoso ang mukha nya. "What if I don't?" Hamon ko.
"Then you will regret it." Mabilis na sagot nya. Nag lakad sya ng dalawang hakbang at huminto ulit.
"Stay away from Danloue, alam kong may koneksyon kayo but I'm warning you right now. If you have a feelings for him stop it. Do you want your family to be in danger. Do you want to die? Gusto mo bang ikaw ang susunod na inosenteng mamamatay?" Sunod sunod na tanong nya.
Kumunot ang noo ko sa banta nya. Ano bang pinag sasabi nya?
"Are you threatening me?" I asked.
He smirked. "No. I'm just warning you, kabago bago mo mamamatay ka agad." Pagtapos nyang sabihin iyon ay nag lakad na sya paalis at iniwan akong nandito.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Misteri / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...