Kinagabihan nag tungo ako sa mansyon ng Panizarez, balak ko sanang ibigay kay Kryshna at Mrs. Imelda ang Juliet Rose ngunit nan'don si Freziah sa kanila.
"Oh." Bumaba ang tingin ni Freziah sa hawak ko. Maya maya ay ngumiti sya ng malawak. "Para sa akin ba yan? Thank you----" Akmang kukunin nya ng ilayo ko ang bulaklak sa kanya.
Nag tuloy tuloy ako sa paglalakad papasok. "Where's Kryshna?" I asked her.
"Nasa kwarto, may sakit kase si Lola, tara akyat tayo." Tumango ako.
Nag tungo kami sa kwarto ni Mrs. Nathalia, naabutan ko si Kryshna na pinupunasan ng panyo si Mrs. Panizarez sa braso at kamay. Nakahiga lang ito habang nakapikit ang mata.
"What happened?" Tanong ko.
Bumaling sya sa akin. "Masama ang pakiramdam. Pero mag pa-pahinga lang daw sya at okay na ito bukas." Umupo ako sa tabi ng kama.
Akala ko hindi magigising si Mrs. Panizarez ngunit saktong pag-upo ko ay nag dilat sya ng mata, ang kanyang mata na walang buhay biglang sumigla ng makita ako. Agad nyang sinubukang tumayo kaya inilalayan agad namin ito.
"Nandito ka." Masayang sambit nito.
"Lola, nandito din ako." Pabirong singit ni Freziah at mahina kaming natawa.
Ngumiti ako ng marahan. "Dinalhan kita ng bulaklak, Mrs. Panizarez. I think you will like this." Inabot ko sa kanya ang binili kong bulaklak.
Lumingon ako kay Kryshna at inabot din sa kanya ang isa. Bahagya pang nanlaki ang mata nito at tila hindi inaasahan na bibigyan ko din sya.
"Thank you."
"Wala ako?" Singit ulit ni Freziah.
Ngumisi ako. "Bibilhan nalang kita sa susunod." Sagot ko at napangiwi sya.
"Ang ganda ganda nito apo." Ramdam ko ang saya ni Mrs. Panizarez ng sabihin iyon. Lumingon ulit sya sa akin.
"Kumain ka na ba? Kumain muna kayong tatlo, halikayo sa baba---" Akmang aalis sya sa kama ng pigilan ko.
"Kami nalang po, mag pahinga nalang kayo dito. Kailangan nyo ng lakas para bukas." Sagot ko.
Tumingin ulit sya sa akin at kumapit sa kamay ko. "Pupunta ka ba bukas?"
Ngumiti ako at tumango. "Hindi naman po ako pwedeng mawala sa libing ng ini-idolo ko." Sambit ko.
Tumawa ito. "Gusto kong makita kang nasa tabi namin bukas ha? Kayong dalawa ni Freziah. Gusto ko nandon kayo sa tabi namin." Nanlaki ang mata ko.
Bakit? Hindi siguro pwede iyon.
Ang pag-kakaalam ko madaming mga kamag anak nila ang mag pu-punta, madami din ang da-dalo kaya sigurado akong hindi nila ako mapapansin bukas.
Sumulyap ako kay Kryshna at tumango nalang sya na para bang sinasabi na umu-o nalang sa sasabihin ni Mrs. Panizarez. Bumaling ulit ako sa matanda at marahan na tumango.
"Matulog na po kayo, maaga pa kayong gigising bukas." Sabi ko.
Mabuti nalang at sinunod nya ang sinabi ko, nag bantay pa kaming tatlo dito at ng masiguro na natulog na ito ng tuluyan bumaba na din kami.
Tahimik lang kaming kumakain ni Kryshna habang si Freziah ang madalas na mag salita sa aming tatlo.
"Uuwi na din ako pagtapos kong kumain, siguradong mag isa si Mama sa bahay. Baka naaalala na naman 'non ang pagkamatay ni Tita Annie." Napalingon ako doon.
Nag angat din ng tingin si Kryshna ngunit hindi nag salita. "Ganun si Mama, e. Sa tuwing mag isa naaalala nya ang kaibigan nyang namatay. Makikita mo syang matapang at tahimik lang ngunit kapag sya lang ang mag isa grabe mag luksa 'yon." Pag-kwento nito.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mystery / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...