Chapter 25: The cctv

18 1 0
                                    

FRANCHESCA ALLYSON POV

Nagising ako dahil sa gutom, pag libot ko sa paligid nandito pa din ako sa isang kwarto ngunit hindi na ito kwarto ni Mr. Ferdinand, tumayo ako mula sa kama at nag ikot ikot.

Kwarto na pambabae ito dahil puro pink ang mga gamit, white ang study table while the bed is pink. Ang dingding din ay pink kaya bahagyang nakakasilaw. Hindi ko din naman masabi na room ito ni Kryshna dahil wala naman litrato na nakasabit sa dingding.

Malinis talaga ang kwarto na ito, halatang wala pang gumagamit. Kanino kayang kwarto ito?

Kay Ms. Annie? Pero wala sa mukha ni Ms. Annie na mahilig sa pink.

Napatingin ako sa relo ko sa kamay. It was 2 damn am! Bakit ngayon lang ako nagising? Sinong nag dala sa akin sa kwarto na ito? Imposible naman na si Mrs. Panis dahil hindi naman na ako mabubuhat 'non.

Ang naaalala ko matapos ang mahaba naming kwentuhan bumaba si Mrs. Nathalia para sabihin na she will make some milk for me, tapos habang nasa loob ako nakatulog ako, ang comfortable kase ng mga kama nila dito. Bigla akong nakaramdam ng pagod.

Naisipan ko na bumaba nalang muna, siguradong tulog na din ang mga tao na nandito, pag-labas ko unang sumalubong sa akin ang dilim, pinapatay ata nila ang ilaw sa hagdanan kapag matutulog na sila, ngunit pansin ko na bukas ang ilaw sa sala.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ang flashlight, dahan dahan akong bumaba sa hagdanan, nang makababa ako natigilan din ako sa nakita. It was Darshna Panizarez.

Busy sya nakatutok sa laptop nya habang sa small table ay andaming naka-kalat na mga papers, nakaupo lang sya sa sahig kaya bahagya akong naawa. Napansin nya ata na may nakatingin sa kanya kaya tumingin din sya sa gawi ko.

"You're already awake." Usal nya.

"Ginising ka kanina ni Kryshna but she said mahimbing ang tulog mo kaya hindi na sya nag abala na gisingin ka pa ulit. Nagu-gutom ka ba?" Bahagya kong pinag-laruan ang daliri ko.

"Yeah." Pag-amin ko.

Tumayo na sya at nag punta sa kusina kaya sumunod ako, kita ko na ininit nya ang mga ulam, pinagmamasdan ko lang sya sa kanyang ginagawa. Dati talaga hindi ko na-iimagine na maging Nanay si Ms. Darshna.

I mean wala sa itsura nya na mag karoon ng anak, she's hot, bata pa din ang itsura nya. Mukha din syang istrikto dahil hindi sya ngumi-ngiti.

Pero ng malaman ko na may isa syang anak hindi ko tuloy maiwasan maawa. Kahit kailan ba hindi nya naisip na hanapin ang anak nya? Kahit isang pagka-kataon manlang wala?

Nangako ako kay Mrs. Nathalia na hahanapin ko ang apo nya, ngunit paano ko malalaman? Tss. Huwag ko nalang kayang sundin? Siguradong sa oras na sabihin ko kung sino ang anak ni Ms. Darshna baka mapahamak iyon, lalo na't hindi pa din nahuhuli kung sino ang pumatay kay Ms. Annie Rose.

"Kumain ka na, gusto mo bang samahan kita dito sa dining?" Seryosong tanong nya. Tumingin ako sa sala at umiling.

"Dito nalang po ako, nakikita ko naman po kayo kahit nasa sala kayo." Sagot ko dahil baka maabala ko pa sya.

"Okay, just call me if you need something." Marahan akong ngumiti at tumango. Nang umalis sya nag umpisa na din akong kumain.

Ngunit kahit sa pagkain ko hindi ko pa din maiwasan maisip ang MIS, kung sakaling buhay pa ang anak ni Ms. Darshna sino kaya ang naka-kaalam?

Sa sitwasyon ngayon imposible na wala pa din nakakaalam na may anak si Ms. Darshna, masyado nilang hina-hangad na mawala lahat ng Panizarez kaya lahat gagawin nila para walang matira.

Pagtapos kong kumain nag paalam na din ako na u-uwi na, hindi ko na ginising si Krsyhna dahil alam kong puyat sya at maaga pa ang alis nya papunta sa school. Mabuti nalang at pinahatid ako ni Ms. Darshna sa driver nila kaya hindi na ako nag ka-problema sa pagsakay ng ganitong oras.

Bumaba lang ako sa pinakamalapit at hindi na sa harap mismo ng hotel na tinutuluyan ko, pagdating ko sa room ay nag bihis agad ako at nahiga sa kama. It's tiring.

Nang magising ako hindi na ako nag taka ng ala una na ng hapon, umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Sa tuwing puyat ako ganito talaga ako nagigising, kahit mag alarm pa ako wala akong maririnig, tulog mantika ata ako.

Napagpasyahan ko na huwag nalang pumasok ngayon, 3 subject nalang naman ang maabutan ko kung sakaling pumasok ako kaya huwag nalang. Naligo nalang muna ako at o-morder ng pagkain. At habang kumakain ako binuksan ko ang phone ko.

May 3 unread messages ako doon. Ang isa kay Ian at kay Krsyhna ang dalawa. Nag palitan pala kami ni Kryshna ng number, nakalimutan ko agad amp.

From: Ian
Lakas mo, ah. Sabi mo dalawang araw lang mukhang aabotin ka ng ilang linggo.

Hindi ko nalang nireplyan ang sinabi nya, sanay na din naman ito sa akin. At saka wala naman ako madalas gawin sa frat, maliban nalang kung sakaling may ka-kantaiin kami o kailangan na ipatumba na malaking tao, ako dapat ang kailangan mag plano 'non. Ako lang ang aasahan nila dahil madalas tamad si Tay Caloy.

From: Kryshna
Why did you not attend our class? Nagka problema ba? Hindi ka din nag paalam sa akin nung umuwi ka.

From: Kryshna
What's your address? I want to visit in your house, okay lang ba sa'yo?

Nataranta ako sa nabasa kaya nag reply agad ako sa kanya.

To: Kryshna
I'm fine. Hindi lang ako nagising ng maaga dahil napuyat, and it's better that I did not attend class para ganado ako bukas.

Bibili na din pala ako ng instrument. Kailangan iyon sa music namin dahil biyernes na ngayon. Nakakainis, mapapagastos na naman tuloy ako.

Pagtapos kong kumain kinuha ko ang ipad ko na nasa bag, nag punta ako sa isang apps na nandon lahat ng video recorder. Kung saan nasagasaan si Ms. Annie Rose Panizarez. Kuha ito sa isang angle ng cctv, hindi nila alam na ang matandang binayaran nila para mapatahimik ay matagal na palang nag si-sisi.

Nakuha ko ito sa nag babantay ng cctv, nakakuha pala sya ng copy na agad nyang ibinigay sa akin ng makita nya ako.

Hindi ko maiwasan pagmasdan ang nasa video, isang malaking truck ito na papasalubong kay Ms. Annie, ang sasakyan ni Ms. Annie ay tila may hinahabol, at ito ang sasakyan na nasa harap nya.

At saktong pagdaan ng truck tumagilid agad ang kotse na sinusundan ni Ms. Annie na para bang alam nito ang plano kaya ang kotse ni Ms. Annie ang natamaan nito.

Kumuyom ang kamao ko ng makitang lumabas ang dalawang tao sa isang truck at sa isang kotse na hinahabol ni Ms. Annie, nagawa pa talaga nilang i-check kung patay na ba talaga ito!

Walang emosyon kong pinatay ang video na iyon matapos panoorin. Ang nakakuyom na kamao ko ay inilagay ko sa baba ko.

Remember this, kailanman hindi nyo ako maiisahan, nauna 'man kayo na ipinanganak sa mundong ito kailanman hindi kayo makakatakas sa akin.

Gagawin ko ang lahat malaman lang ang lahat. Lahat-lahat na ginawa nyo sa mga Panizarez.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now