Chapter 12: Who is M?

11 1 0
                                    

"Do you want a ride?" Tanong ni Freziah.

Nakahinto ang sasakyan nya habang bukas ang bintana. Nag lalakad na ako sa labas ng mansyon ng mga Panizarez ng huminto ang sasakyan ni Freziah sa akin.

Umiling lang ako. "I prefer to walk." Sagot ko.

Umirap naman sya. "God, ilang oras pa ang layo bago makabalik sa MIS, just get here!" Maarteng sambit nya.

Kahit ayaw ko ay wala na akong nagawa, sumakay na ako sa sasakyan nila. Nasa passenger seat sya habang ako naman ay nasa backseat. Pagpasok ko ay napatingin sa akin ang driver nya.

Tumingin nalang ako sa bintana at hindi na nag salita pa.

"Kita mo ang nangyare sa mga Panizarez, ang lola nila ay trauma sa nangyare. Mahirap na din ang kina-haharap ng Tita ni Kryshna. Kaya't kung may binabalak ka huwag mo na silang pahirapan pa." Rinig kong aniya, hindi sya nakatingin sa akin ngunit alam kong para sa akin ang sinabi nyang iyon.

Hindi ko nalang sya pinansin. Tama ba ang ginagawa ko? Tama ba ang gagawin ko?

Hindi na dapat ata ako pumasok sa paaralan na ito, hindi ko na dapat hinangad pa ang pangarap ko. Sa paghangad ko ng pangarap ko may pangarap din na masi-sira. At iyon ang pangarap ni Kryshna.

Hindi ko alam kung bakit ako nagu-guilty. Bakit ako nagu-guilty eh ang tanging gusto ko lang naman ay matupad ang pangarap ko. Bawal ba iyon? Bawal ba akong maging masaya?

Sa ngayon si Kryshna ang pinaka sikat sa MIS, top student every quarter,and with Highest Honor, and she's the most have a highest IQ in MIS. Kaya ganun nalang siguro kagalit ang MIS kids sa kanya. Dahil kahit anong gawin nila hindi nila malamangan si Kryshna.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ako, lalakarin ko nalang ito. Pagkababa ko ay nag salita si Freziah.

"Malayo pa ang MIS, anong gagawin mo dito?" Tanong nya.

Pinagmasdan ko ang paligid, madaming dumadaan na sasakyan. "Malapit dito ang bahay ko." Sagot ko nalang.

Tumango nalang sya. "Okay, see you tomorrow." Tumango din ako at hinintay syang mawala sa paningin ko.

Nag umpisa na din akong mag lakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Nakakatawa dahil ganito din ang pakiramdam ko dati.

May ganito pala talagang pakiramdam, ano? Yung gulong gulo ka na, minsan nag lalakad ka ng hindi mo naman alam kung saan ang iyong patutunguhan. Katulad din sa totoong buhay...

Nag papa-tuloy ka sa agos ng buhay, nag aaral, ngunit sa huli hindi mo naman alam kung anong future ang meron ka kapag tapos mong mag-aral. Maayos na trabaho? Makakapag asawa ng mayaman? Hindi natin alam. Walang nakaka-alam.

May tatay nga ako ngunit hindi ko naman masabing tunay ko ngang tatay, ni hindi ko nga sya kilalang tunay. Hindi ko alam na nag aral din pala sya sa MIS.

Na may alam pala sya sa lahat lahat. Hindi ko kilala ang buo nyang pagkatao.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at pinagmasdan iyon habang nag lalakad ng marahan. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba si Papà. Anlaki din ng utang ko sa kanya. Dahil wala ako dito ngayon kung hindi nya ako inampon.

Ngunit sa huli tinawagan ko pa din sya.

"Why you didn't tell me about this?"

["Huh? What are you talking about?"]

"That you studied in MIS."

Kahit hindi ko sya nakikita ngayon alam kong natigilan sya. Tumahimik sa kabilang linya ngunit alam kong kausap ko pa sya.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now