Chapter 44: Hustisya

17 1 0
                                    

FRANCHESCA ALLYSON POV

"You can't just stay here, Allyson. Kailangan mong pumunta sa tunay mong tahanan." Sambit ni Ms. Annie habang pinagmamasdan ako.

Dalawang araw na ang makalipas matapos mangyare ang lahat. Ni hindi ako lumabas. Nanatili lang ako dito sa condo na tinutuluyan ni Papà kaya ng malaman 'yon ni Ms. Annie agad syang nag tungo dito.

Mahina akong natawa. "Saan ba ang tunay kong tahanan?" Hindi ko sya nilingon ng sabihin ko iyon.

Kailanman hindi ko naranasan na makauwi sa tahanan na sinasabi nya, dahil lumaki akong walang bahay na permamente na inu-uwian. Pagala gala lang ako, kung hindi sa lugar ni Caloy mag bo-book ako ng hotel. Ganun lang lagi ang naging buhay ko dito. Nung sa Korea naman ako tumira hindi ko din maramdaman ang tahanan na sinasabi nya. Kaya saan ang tahanan ko?

"Kryshna need you." Doon ako natigilan.

"She's in the mansion. Ka-kaonti pa lang ang bumibisita sa kanya, tatlong araw nalang at ililibing na sya. Hindi mo 'man lang ba sya gustong makita?"

Hindi. Hindi ko kayang makita si Kryshna na nakahiga sa kabaong. Ang sakit sakit...

"My mom wants to talk to you too." Naalala ko si Mrs. Nathalia, sya ang madalas kasama ni Kryshna sa mansyon dahil lagi namang busy si Ms. Darshna.

Nai-magine ko bigla kung gaano kalungkot at hinagpis ang mukha nya ng malamang patay na ang apo nya.

Tumango ako bilang pag-suko. "Pupunta ako mamayang gabi. Just let me rest." Sambit ko at humiga ulit sa kama, niyakap ko ang unan.

Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nya bago umalis at kausapin si Papà sa labas ng condo. Ramdam ko ang pag-ulap ng mata ko kaya mabilis kong pinunasan ang nag ba-badyang pagpatak ng mga luha ko.

"Fuck it. Kanina pa kita hinihintay, Kryshna. I want you to visit in my dream." Mahinang bulong ko bago tuluyang makatulog.

Nakakatuwang isipin na dahil sa sinabi ko totoo ngang napanaginipan ko si Kryshna. Nakatayo sya sa malaking puno habang nakatingin sa akin. Medyo malayo ako sa kanya kaya sinubukan kong lumapit ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Napatingin ako doon, sinubukan ko ulit ngunit hindi talaga kaya. Nag angat ako ng tingin kay Kryshna ngunit ngumiti lang sya sa akin, kita ang mga sugat nya na nanggaling sa sinapit nya ngunit nagagawa nya pa din na ngumiti sa aking harap.

"Hindi ka maaaring lumapit sa akin. Hindi pa tapos ang misyon mo, madami ka pang magagawa dito." Malambing na sambit nya sa akin.

"W-who did this to you?" Tanong ko.

Nang sabihin ko iyon kita ko kung papaano mawala ang ngiti sa kanyang labi ngunit pinilit nya pa din na ngumiti sa aking harap para hindi ako mag alala.

"Pakisabi kay Mama na mahal na mahal ko sya, hindi ko alam na ganito ang sitwasyon namin. Kung maibabalik ko lang ang panahon, sana lagi nalang ako na nasa tabi nya. Pati kay Tita, pakisabi na maraming salamat sa kanya. At kay Lola...Sabihin mo sa kanya na pasensya na't hindi ko natupad ang pangako ko na ba-bantay ko sya sa kanyang huling hininga, ako ang nauna. Mahal na mahal ko kayo...Ang swerte ko dahil napunta ako sa pamilya na gaya ninyo."

May tumulong luha galing sa kanyang mga mata. "Kaya pala ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa'yo nung una, pinsan pala kita. Lukso ng dugo ata ang tinatawag doon." Sandali syang natigilan. "Masaya ako dahil kahit papaano nakasama kita, Allyson."

"Masaya ka bang nakilala ako?"

"Of course!"

"Kung ga'nun mag pakatatag ka. Mag si-simula pa lang. At nandito lang ako para gabayan ka."

Matapos nyang sabihin iyon ay kita ko kung papaano sya onti onting mag laho, kinabahan ako kaya pinilit kong gustong mag lakad upang mayakap sya ngunit hindi ko magawa. Hanggang sa marinig ko ang huling boses nya bago ako tuluyang mawalan ng malay.

'Mahal Kita, Allyson.'

Napabalikwas ako sa bangon. Humihingal ako ng inilibot ko ang aking paningin. Nandito pa din ako sa condo ni Papa. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kong anong oras na.

It's damn 6pm.

Sandali akong natulala, pilit kong inaalala ang panaginip ko ngunit masyado ng malabo sa akin. Pwede ba iyon? Na kakagising mo lang ngunit hindi mo na agad matandaan ang nangyare sa panaginip mo.

Bumukas ang pinto sa kwarto at bumungad sa akin si Papà "You're awake. Kanina pa kita inaantay, do you want to come to me?" Tumango ako.

"Maliligo lang ako." Sagot ko.

Naligo muna ako at nag bihis, white t-shirt lang ang sinuot ko at jeans. Paglabas ko sa kwarto nan'don sa sala si Papà, naka business attire tumayo na sya ng makita ako.

"Let's go?" Nauna akong nag lakad.

Kahit nasa kotse na kami tulala lang ako, hindi na din naman ako kinausap ni Papà, marahil ramdam nya din ang nararamdaman ko. Nang makarating kami sa mansyon ng Panizarez mga mamahaling sasakyan agad ang sumalubong sa amin.

Marahil mga bisita nila ito, naunang bumaba si Papa sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Mukhang maraming bisita ngayon." Wika nya.

Pag pasok namin sa pinto ay mayordoma agad ang sumalubong sa amin, yumuko ito at nag bigay galang. Bumuntong hininga ako ng makita kung gaano kadami ang tao sa sala.

Hindi naman as in sobrang dami, mga kakilala lang siguro ng mga Panizarez at mga official sa MIS. Sa isang table nakita ko sina Iñigo, kasama nya ang kambal nya, mommy nya at sina Kimberly and Danloue. Umirap ako.

Agad akong sinalubong ni Ms. Annie at mabilis nya akong niyakap. "Allyson you're here." Ramdam ang saya sa kanyang boses. Hindi ko maiwasan makaramdam ng hiya.

Hindi ko pa sya kilala ng lubusan, ngayon ko nga lang sya nakita. Kaya nakakapanibago sa akin.

Bumaling sya kay Papà at hinalikan ito sa pisngi, hindi ko tuloy maiwasan pagmasdan sila. They act like a real couple. Are they a real couple? O baka naman nag papanggap lang din sila?

Hindi ko alam.

"Are you okay here?" Tanong ni Papà.

Tumango si Ms. Annie. "It's awkward because they think I'm dead but that's fine. Kaya ko namang mag explain." Sagot nito at sumulyap sa akin.

Ngumiti sya ngunit hindi ko ginantihan iyon, iginala ko ang paningin ko.

"Darshna is in here bedroom. Ngayon lang sya nakatulog." Sabi nya ng makita kung sinong hinahanap ko.

"Gusto mo bang puntahan ang Mama mo?" Seryosong tanong nya sa akin.

Umiling ako. "Guguluhin ko lang ang pag-tulog nya." Sagot ko.

Nag lakad ako patungo sa pwesto ng kabaong ni Kryshna. Habang papalapit ako mas lalong bumibigat ang katawan ko, at ng nasa harap na ako tuluyan ko ng nakita ang buong katawan ni Kryshna.

Mahimbing syang natutulog, ang kulay ng balat nya ay hindi na katulad ng kulay ng taong buhay. Hinaplos ko ito kahit may salamin na nakaharang.

"Allyson is here." Malambing na sambit ko.

"I'm here, Kryshna. Patawad kong matagal ako bago mag punta dito, hindi ko pa din matanggap ang nangyare sa'yo. Sorry." Dagdag ko.

Pangako, pag babayarin ko ang taong gumawa nito sa'yo. Hindi ako titigil hangga't hindi sya nahuhuli ng batas. Hindi ako papayag na hindi mo matanggap ang hustisya na deserve mo.

Humakbang ako ng isang beses at doon na tumulo ang luha ko. I hate this feeling. Hindi naman ako ganito dati.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now