Chapter 56: The Truth

19 1 0
                                    

LOURANE RONCAL POINT OF VIEW

Tumingin ako kay Allyson at nag simulang ikwento sa kanya ang lahat.

"Ano bang gagawin natin dito sa lumang building? It's scary here now." I asked them. Gabing gabi na ngunit gusto pa ata nilang mag ghost hunting.

Madaling araw na nga ata, e. I don't know what exactly time and I don't want to know. Inaantok na nga ako, e. But Dad still don't want to go home. Even Mom, they are still here in MIS kaya hindi na din ako umuwi. Boring sa bahay, si Kuya I'm sure he's sleeping now.

"Shut up. Someone said mahilig mag punta sa rooftop si Kryshna, baka nandito sya ngayon." Patingin tingin sa paligid si Kimberly habang marahan kaming nag lalakad.

"Make sure na nandito talaga ang babaeng 'yon, ha. Nakakapagod bumaba ulit dahil 5 floor ito." Bored na sambit ni Nicholas.

Huminto ako sa paglalakad. "Uuwi na ako." Disesyon ko.

Iba na ang pakiramdam ko dito, takot din ako dahil sobrang dilim sa lumang building na ito. Hindi ko nga din alam kung anong pakay nila kay Kryshna. Basta lang akong niyaya ni Nicholas.

Lumapit naman sa akin si Danloue at hinarap ako. Hinawakan nya ang dalawa kong balikat. "Are you scared? Dito ka nalang sa tabi ko." Hinawakan nya ang kamay ko kaya umiwas ako ng tingin.

I admired Danloue Tan for a long time. Kaya lagi akong sumasama kay Kimberly dahil kapatid nya ito, mahalaga si Kimberly sa Kuya nya kaya't naisip ko na kung pakikisamahan ko ng mabuti ang Kapatid nya baka magustuhan ako ni Danloue.

Tumango nalang ako at hindi na nag salita pa haggang sa makarating kami sa rooftop. Naabutan nga namin si Kryshna na nag mamasid sa ibaba. Nakatalikod sya kaya hindi nya pa kami nakikita.

Ngumisi si Kimberly at agad na lumapit kay Kryshna. "Hey, bitch!" Gulat na humarap dito sa amin ang babae.

"A-anong ginagawa nyo dito?" Mahinang tanong nya sa amin at ramdam ko ang takot sa boses nya.

Minsan I pity her. Lagi syang nabu-bully kahit wala naman syang ginagawa. Hindi din naman nya kasalanan ang maging kamag-anak ng mga mamamatay tao. But wala, e. Gusto syang i-bully ni Kimberly kaya no choice ako.

"Well, bukas pwede na akong pumasok. Gusto ko lang ipaalala sa iyo." Hinaplos haplos ni Kimberly ang buhok ni Kryshna, kita ko ang panginginig nito at napahawak ako sa labi ko ng mabilis na sabunutan ni Kimberly ito.

Tumawa ng malakas si Nicholas at kinuhanan ng video ito. "Go Kimberly! Bigyan mo ng leksyon yan!" Natatawang sambit nito.

Tumingin ako kay Jovelyn na nakatulala lang. "Hey, we should help her." Sabi ko. Nawala ang atensyon nya sa dalawa na kanina pa nag sasabunutan.

Tumango si Jovelyn ngunit akmang lalapit na kami ng mabilis na pumagitna si Danloue at malakas na sinampal si Kryshna, hindi pa sya na kontento sinapak nya pa si Kryshna dahilan para mapasalampak ito sa sahig.

"Tss. Kuya huwag ka ngang makialam! Laban naman ito." Inis na sambit ni Kimberly at inayos ang buhok nya. Nilapitan nya ulit si Kryshna at dinakot ang kwelyo upang ipatayo.

Nang makatayo sila hindi nya binitawan ang kwelyo ni Kryshna, malakas nya ulit itong sinampal ngunit nakaganti si Kryshna dahil malakas nyang tinulak si Kimberly na napaupo sa sahig.

"Fuck you!" Nang makita ni Danloue ang nangyare sa kapatid nya tinulak nya din si Kryshna bago dinaluhan ang kapatid.

Sabay kaming napasigaw ni Jovelyn ng makita namin kung papaano mahulog si Kryshna sa rooftop, hindi na nag dalawang isip si Jovelyn at agad na tumakbo at nahawakan nya pa ang isang kamay ni Krsyhna.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now