FRANCHESCA ALLYSON POV
Isang linggo na akong pumapasok sa MIS at sa kagandahang palad tahimik lang ang pag-aaral ko. Ngunit sa tuwing nakikita ko kung papaano mang bully ang mga mayayaman na estudyanteng nandito pakiramdam ko hindi ko kaya.
Pakiramdam ko ako na din ang binu-bully nila.
Ngunit wala naman akong magawa, sa tuwing binu-bully nila ang isang Panizarez pinagmamasdan ko lang sila, halos lahat ng estudyante ganun. Gustuhin 'man nilang tumulong ngunit wala silang magagawa dahil sila naman ang babalingan nito.
"Aalis ka na?" Tumingin ako sa likod ko ng mag salita si Tay Caloy.
Bumalik ako sa pag-aayos ng bag ko habang sya naman ay pinagmamasdan ako. "Oo." Simpleng sagot ko.
"Ala singko palang ng umaga, anong gagawin mo sa paaralan nyo?" Ramdam ko ang pag-hihinala sa boses nya.
Isinukbit ko na ang bag ko sa aking likod at doon na sya mismo nilingon, seryoso ko lang syang pinagmasdan.
"Mag-aaral." Sagot ko at kita ko na kung papaano sya mairita.
"Cut that crap, Chesca. I won't buy that. Sa tingin mo ba maniniwala ako na kaya ka pumasok sa MIS para lang mag aral?"
Tumawa sya ng mahina. "Kilala kita, mas gugustuhin mo ang magulong buhay kesa sa umangat ka. Nawala ka ng ilang buwan at babalik ka sa amin at sasabihin na gusto mong mag aral at abutin ang pangarap mo?" Ngumisi ako at kita ko kung papaano sya matigilan.
"Hindi ba pwede na abutin ko ang dalawang iyon, Caloy?" Umupo ako sa gilid ng upuan at pinagmasdan sya.
Humalukipkip ako. "This day I realized mystery excite me. I want a thriller. But not in my life, gusto ko ng thriller ng buhay ng ibang tao. Sa tingin mo, sino kaya ang totoong may mali, 'no? Panizarez or the others?" Tanong ko sa kanya.
Kita ko kung papaano magalit ang mga mata nya, pinanatili ko ang walang reaksyon. Ano na naman kaya ang ikinagagalit nito?
"Allyson nababaliw ka na ba?!! Ang mga taong gusto mong paglaruan ay delikado!! You're life would be in danger! Paano na ang ipinangako mo sa fraternity na ito?!" Malakas na sigaw nya.
Totoo naman ang sinabi nya. Ngunit napag isipan ko na din iyon, wala na din namang halaga pa ang buhay ko dahil kailanman hindi ko nakita ang mga magulang ko.
At sa fraternity na kinabibilangan ko, andaming initiation akong pinirmahan at pinayagan, kasama na iyon na walang mag ba-bago ng plano.
"Hindi ko naman binago ang plano ko, Caloy. I'm still part of the fraternity." Sagot ko.
"No, you're not! You're the leader of this fraternity, Cheska. Don't you ever forget that. Ikaw ang bumuhay nito ulit, sumama lang ako ngunit tila iiwan mo na kami dahil nakahanap ka ng pangarap mo, ha? Pangarap mong umangat at iwan itong nasimulan mo?" Hindi ako nakasagot.
Naaala ko ang panahon na walang wala ako. Nakilala ko si Caloy bilang isang matanda na pagala gala sa lansangan.
Araw-araw akong sumasama sa kanya kahit palakad lakad lang sa lansangan, hanggang sa nakuha ko ang loob nya, nag simula na syang mag kwento tungkol sa buhay nya. Sinabi nyang dati syang leader ng sindikato. Kung ano anong frat ang sinalihan nya mag karoon lang ng sapat na pera.
Hanggang sa may nakabangga daw syang malaking tao, lahat daw ng yaman at pera nya kinuha nito. Pinatay pa ang magulang nya kaya't dito na sya nag simulang mag hirap.
Dahil din naman walang wala ako ng panahon na iyon, nasa Korea ang Papà ko at busy sa kanyang trabaho ay niyaya kong buuin ulit ang nasimulan ni Tay Caloy, hindi 'man madali dahil wala naman akong alam rito ngunit tinutulungan naman ako ni Tay Caloy.
Hanggang sa lumaki ang fraternity na binuo namin, there are 5 rules and 2 initiation in our frat.
1. Kailangan mong mag nakaw ng mahigit 1 milyon sa isang mayamang pamilya.
2. You need to end your communication in your family, friends.
3. If you betrayed the fraternity you will die.
4. If you communicate in our rival your family will die.
5. The only family you will treat is this fraternity, not others.
And the initiation
1. You have to kill the person assigned to you.
2. You need to pay 500k if you want to be one of our official.
Sa totoo lang mayaman ang fraternity na ito but we choose to stay low-key. Dito sa tondo walang makagagalaw sa amin, hindi pa nakakapasok ang mga pulis sa iskinita na ito nakatakas na kami.
Madami kaming mata na nandito kaya't walang nag tangka na pumatol sa amin.
"I will never leave this group, Caloy. Ito ang unang bumuhay sa akin at tatanawin ko yun na utang na loob." Matapang na sambit ko at tumayo na.
Saktong pag-tayo ko naman ay ang pag-labas ni Ian sa pinto. Napatingin kaming dalawa sa kanya, nag ku-kusot sya ng kanyang mata.
"Kuya naman ang ingay ingay mo, andami pang tulog." Inis na sambit nya sa kanyang kapatid. Nag angat sya ng tingin sa akin.
Pinagmasdan nya ang buong katawan ko at maya maya ngumiti sya. "Ihahatid na kita, gusto kong makita ang paaralan na pinapasukan mo." Pumasok ulit sya sa kwarto at pag-labas nya nakabihis na at may hawak na black cap.
"Tara." Tumalikod na ako at naunang lumabas.
Tahimik lang kaming nag la-lakad, malamig pa ang simoy ng hangin at ang liwanag ay nag si-simula pa sumilay.
"Kung ano 'man ang mga sinabi ni Kuya huwag mo ng pansinin iyon, ganun naman lagi iyon kapag galit, hindi sya nakakapag isip ng mga salitang bibitawan nya." Panimula ni Ian.
Wala naman talaga akong pakialam sa mga sinasabi ni Caloy, balewala lang sa akin iyon. Kahit mag threats pa sya sa akin kampante pa din ako dahil alam kong hindi naman nya gagawin iyon sa akin. Madami na syang napatay ngunit hindi naman ata ako magiging isa sa mga iyon.
"Pero paano nga kung sumikat ka? Mabot mo ang pangarap mo? Paano na kami? Iiwan mo ba kami?" Meron sa boses nya na nag u-utos na sana huwag.
"Katulad nga ng sinabi ko hindi ko iiwan ang mga taong unang nasandalan ko. Unless it's need." Sagot ko.
"Aasahan ko yan." Aniya.
Sumakay pa kami ng bus hanggang sa makarating sa MIS, una agad naming nakita ang napakataas na building.
Para kaming tangang dalawa rito dahil nasa harap kami ng gate habang pinagmamasdan ang mataas na school.
"Sa gilid na yan, ang 12 na bintana. Dyaan nag tra-trabaho ang mga official sa MIS. Gaya nalang ng mga teacher, director, chairman or ceo and some of office. Hindi pa ako nakakapunta dyaan." Sabi ko.
Tumingin naman sya sa akin. "Bakit naman gusto mong pumunta dyaan?" He asked me.
"It's powerful place kaya. Makakapunta ka lang dyaan kung isa kang anak ng official or napaaway ka, suspended or kailangan kausapin ng official." Sagot ko.
Sumulyap ako sa kanya. "Gusto mong pumasok sa loob?" Tanong ko.
"Pwede ba? Hindi naman ako naka school uniform, e."
Kinuha ko ang isang card na nasa bulsa ko. It's a free visit card. Bigay ito sa bawat mga estudyante, pwede silang mag papasok ng mga kakilala nila as long as meron silang ganito.
Lumapit ako sa guard at inabot ang card na hawak ko, kinuha nya iyon at nag swipe sa isang machine, binalik nya sa akin at inabot ang isang log book.
"Palista nalang ng name ng kasama mo." Kinuha ko ang ballpen at si Ian na ang pinalista ko.
Matapos 'non ay sabay kaming nag lakad papasok ni Ian, ngunit bago pa kami makarating doon ay may dumaan na isang mamahaling kotse sa gilid namin, patungo ito sa loob ng parking lot.
Pinagmasdan lang namin ni Ian iyon hanggang sa tuluyan ng makapasok sa parking lot.
"Sino yun? Official dito?" Tanong nya.
Nag tuloy lang ako sa pag lalakad. "It's Mr. Dela Torre." Bored na sagot ko.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Bí ẩn / Giật gânFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...