Chapter 39: ALLYSON POV

13 1 0
                                    

Sa kalagitnaan ng pagtulog ko nagising ako, pawisan ako sa hindi malamang dahilan. Tinignan ko ang orasan sa phone ko. Fuck, binangungot ba ako?

It's 4am already. Napahilamos ako sa mukha ko. Ewan ko ba, kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Pagod ako ngunit hindi naman ako binabangungot ng ganito. Mas mahimbing pa nga ang tulog ko kapag pagod ako, e. Ngayon lang talaga naistorbo ang pagtulog ko. Kainis.

Napag desisyonan ko na maligo nalang, total hindi na din naman ako makatulog ulit maaga nalang akong papasok ng MIS. Mahirap naman kung pipilitin ko pang matulog tapos 4 am na. Dalawang oras nalang may pasok na ulit.

Pagtapos kong maligo sakto naman ang paggising ni Ian. Gulo-gulo pa ang buhok nya habang walang damit. Humihikab pa sya ng makita ako, pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Aga mo ah." Komento nya.

Tinaasan ko sya ng kilay, kinuha ko ang toothbrush ko at nag lagay ng toothpaste doon bago nag sipilyo.

"Ikaw, ba't ang aga mo magising?" Balik kong tanong.

Mahina syang natawa. "Hindi naman ako natulog, umidlip lang, may raket ako kaninang 12am kasama ko yung apat nating kasamahan. Anlaki nga ng bigayan, e." Pag-kwento nya sa akin.

"Ano bang ginawa nyo?" Mahinang tanong ko, pinunasan ko na ang bibig ko at nag patuyo ng buhok.

"Nag nakaw." Sagot nito. Nakaupo lang sya sa sofa habang pinagmamasdan ako.

"Gusto mong hatid kita? Masyado pang madilim, e." Aniya.

"Hindi na. Pagdating ko naman sa MIS mag li-liwanag na din, tambay nalang muna ako doon sa rooftop. Masarap hangin, pwedeng matulog." Ngumisi ako.

Tumawa naman sya. "Papasok ka para lang matulog? Ibang klase."

Nag suklay na ako at nag paalam sa kanya, naabutan ko pa sa labas sa gilid ng sapa ang mga kasama namin. Busy sa pag-susugal, may isang ilaw lang ang nakalagay sa lamesa nila, nag mumukha tuloy silang nag dro-droga sa pwesto nila.

"Morning, Fran."

"Papasok ka na Fran? Ingat ka."

"Gusto mong hatid kita? Limang pandesal lang kapalit."

Inirapan ko lang sila at nag tuloy tuloy sa paglalakad, sa taxi nalang ako sasakay dahil mahirap sumakay sa bus ng ganitong oras. Baka matagalan pa ako dahil mag aantay pa yun ng mga pasahero. Hindi naman 'yon ba-byahe ng isa lang ang pasahero.

5am na ng makarating ako sa MIS, ngumiti ako sa guard at inilista ang pangalan ko sa log book na binigay nya.

"Ang aga mo ha?" Aniya.

Ngumisi ako. "Takot ma late, e."

Sumisipol ako habang nag lalakad. Ramdam ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Nadaanan ko pa ang lumang building habang nag lalakad, ngunit akmang lalagpasan ko na iyon ng mapahinto ako. Sa hindi malamang dahilan tila kinabahan ako.

Ipinilig ko ang ulo ko, pupunta nalang siguro ako sa rooftop ngayon. Lumiko ako at akmang aakyat na sa hagdan ng lumang building ng makita ko ang isang tao na nakahiga sa sahig.

Nakadapa ito kaya' hindi ko makilala kung sino, nanlaki ang mata ko ng makitang ang daming dugo na naka palibot sa kanya. As in sobrang dami na para bang isa na itong tubig!

Nataranta ako at hindi ko na alam ang gagawin, nag lakad ako papunta sa ulo ng tao na ito. Titignan ko kung sino saka ako tatawag ng tulong. Napatingala din ako sa rooftop. Tila nanlamig ako sa nakita at narealized ang lahat.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now