Ngayon na ang huling lamay ni Kryshna kaya madaming tao ngayon sa mansyon ng mga Panizarez. Nag kanda-aligaga kami sa mga bisita.
"Mag pahinga na muna ho kayo." Lumapit ako kay Ms. Darshna.
Mula paggising nya kaninang madaling araw, hanggang ngayong gabi ay wala syang ginawa kung hindi tumulong sa mga gawain dito. Ni hindi ko pa nga sya nakitang kumain kaya nag aalala ako.
Nag angat sya ng tingin sa akin bago umupo sa silya. "Gusto nyo ba ng maka-kain?" Tanong ko.
"Hindi ako gutom." Sagot nito.
"Hindi naman purke't hindi kayo gutom hindi na din kayo kakain, masama ang ginagawa nyo sa inyong katawan."
Hindi sya sumagot kaya nag tuloy-tuloy ako sa pagsasalita. Ngayon lang kami nag usap mula ng malaman nya ang lahat, wala pa din naman nag bago. Hindi ko maramdaman na may nag bago, ngunit masaya pa din ako dahil finally kilala nya na ako.
Na ako ang anak nyang nawawala.
Hindi naman as in nawawala. Dahil mula sanggol ako prinotektahan na ako ni Ms. Annie at malaking pasa-salamat ko iyon sa kanya. Sa sobrang pag-protekta nya sa akin hindi nya naprotektahan ang sarili nyang anak.
"Asan na si Mommy?" Pag-iiba ng tanong nito.
"Pinaakyat na ho namin ni Ms. Annie, kailangan nyang mag pahinga agad at hindi sya pwedeng mag puyat." Sagot ko.
Tumango sya at tumingin sa akin. "Ikaw kumain ka na ba?" Nagulat pa ako sa itinanong nya sa akin.
Umawang ang labi ko at bahagyang nakaramdam ng saya. Ganito ba ang pakiramdam ng may ina?
"Gusto mo bang sabay na tayong kumain?" Tanong nya ulit.
Ngumiti ako at tumango. Nag tungo kami sa kusina at doon kami kumain, piangsilbihan kami ng mayordoma na busy pa din sa kusina dahil madami silang pagkain na niluluto.
"Kumain ka ng madami at mag pahinga pagtapos, maaari mo bang tabihan sa pagtulog si Lola mo? Nagigising kase iyon ng madalas dahil sa bangungot." Pagkwento nito sa akin.
"Hindi ho kayo mag pa-pahinga?"
Huminga sya ng malalim. "Gustuhin ko 'man ngunit hindi pwede dahil last na lamay na ito." Sagot nito.
"Nandito naman si Ms. Annie, maaari syang mag bantay sa Anak nya." Ani ko.
Umiling sya. "Huwag mo na akong ala-lahanin, kaya ko ang sarili ko." Nilagyan nya pa ako ng ulam sa plato ko kaya napatingin ako doon.
Nag angat ako ng tingin sa kanya ngunit nabaling din iyon sa harap dahil nan'don si Ms. Annie at pinagmamasdan kami. Nang makita nya kami ay ngumiti sya at nag lakad papunta dito.
"Masaya akong makitang hindi kayo awkward sa isa't isa." Aniya.
Napayuko naman ako at hindi alam ang sasabihin. "Pasensya na at hindi pa kita masyadong naka-kausap, Annie. Kamusta ka na pala?" Ramdam ko na pilit pinapalakas ni Ms. Darshna ang kanyang sarili.
Ibig sabihin sa loob ng ilang araw na wala ako hindi pa din nila napag-uusapan ang lahat ng nangyare?
"Maayos naman. Hindi ko pa nakakausap si Lycka but I'm expecting her to come here."
"Pati si Nelmar?"
Nag katinginan ang mag Kapatid matapos sabihin ni Ms. Darshna ang katagang iyon.
"Bakit kailangan ko syang kausapin?"
"Dahil you had a past?"
"Tss. Darshna, he's married and have a family. Natapos na ang past naming dalawa ng maikasal sya sa iba." Mapait na sambit ni Ms. Annie.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mistério / SuspenseFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...