12:00 am na ng makauwi ako sa mansyon, inunat ko ang leeg ko habang pumapasok sa loob. Bahagya pa akong nagulat ng maabutan sa sala si Papà at Tita. Masama ang tingin sa akin ni Tita kaya alam ko na naman ang problema nya sa akin.
Bumuntong hininga ako.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, no?!" Galit na aniya. Umirap ako at mabilis na nag tungo kay Papà, nag mano ako dito.
"Enough, Annie. Maayos naman na nakauwi si Allyson kaya hindi mo na dapat pagalitan.." Suway ni Papà.
Suminghap si Tita at masamang tumingin sa akin, nag salubong na din tuloy ang kilay ko dahil sa kanya.
"Ano bang ikinagagalit mo? Kung pag-uwi ko ng gabi sa bahay ang ikinagagalit mo pwes hindi mo na kailangang magalit. Kaya ko ang sarili ko at kakayanin ko." Inis na sagot ko.
Napasabunot sya sa kanyang buhok. "Hindi lang iyon ang inaalala ko Allyson! You don't understand it!" Pumikit ako ng mariin.
"Kung ano 'man yang inaalala mo itigil mo na yan, hindi mo ako kargo. At kung dapat may mag alala sa akin ang Nanay ko 'yon, ala-lahanin mo nalang ang kaso ni Kryshna, hanggang ngayon wala pa ding balita. Baka maunahan pa kita." Umakyat na ako sa taas at hindi na pinakinggan ang sasabihin nya pa.
Pag pasok ko sa kwarto ko nagulat pa ako ng makitang nan'don si Mom na mahimbing na natutulog sa kama ko. Nakatagilid ito habang ang dalawang kamay nya ay nakaipit sa ulo.
Marahan kong sinarado ang pinto at umupo sa tabi nya, hindi ko din maiwasan na pagmasdan sya. Napangiti ako at hinaplos ang buhok nya.
"Mom. I'm sorry." Panimula ko.
"Nang makilala kita 'non hindi agad ako nakapag pakilala sa'yo, inantay ko pa ang ilang taon bago kumilos at tuluyan kang makasama." Huminto ako. "Ngunit ngayon nag tataka ako, wala akong ibang hiniling na makasama at hanapin ka ngunit ako ba naisip mong hanapin?"
"N-ni hindi mo manlang ba akong naisip na hanapin? O baka akala mo patay na ako kaya't hindi mo'na ako hinanap pa? Guess what Mom. Itinago lang naman ako ni Tita kay Papà, sabi nya para daw iyon sa akin. Para maprotektahan ako. She's selfish isn't? Iyon ang dahilan kaya galit ako sa kanya. Siguradong alam mo na yun ngayon pero nagawa mo pa ding patawarin si Tita. Totoo nga ang sinabi ni Papà, na kahit anong pagta-traydor nila sa isang Panizarez pata-tawarin at pata-tawarin sila nito."
Nag bihis muna ako bago tumabi kay Mom, nag kumot din ako. Hindi ko alam kung bakit dito sya natulog sa kwarto ko ngunit alam kong na mi-miss nya si Kryshna. Sila lang naman dati ang mag kasama dito sa mansyon.
THIRD PERSON POINT OF VIEW
"Nahanap na namin ang kutsilyo na ginamit sa pagsaksak sa biktima, dalawang finger print ang nakita namin dito na mag kaibang tao." Napatayo si Ms. Annie sa kanyang narinig.
9 na ng gabi ng dumating ang mga pulis dahil umuusad na ang lead nila sa kaso ni Kryshna. Patuloy din sila sa pag-iimbestiga sa MIS.
"Maaari nyo bang malaman kung kaninong finger print iyon sa loob lang ng isang linggo?" Mr. Young asked.
Nanginginig ang kamay ni Ms. Darshna na sumagot. "Yes, you need to make it fast! Hindi ko maatim na patay at nailibing na si Krsyhna ngunit ang taong gumawa 'non sa kanya pagala-gala pa din sa paaralan!" Sigaw nito at humagulgol.
Mabilis namang niyakap ni Annie ang kayang Kapatid at inalo. Tumango ang pulis. "Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya, bukas mag tu-tungo kami sa MIS para makita ang lahat ng mga estudyante at titignan kong mag kaparehas ba ang finger print nila sa ating nakuha." Sagot nito.
"Thank you. Maaari na kayong umuwi." Tumango ang mga pulis at nag madaling umalis sa mansyon ng mga Panizarez, naiwan naman ang dalawang mag Kapatid at si Radin.
Tahimik lang si Radin habang pinagmamasdan ang dalawang mag Kapatid, may bumabagabag sa kanya ngunit hindi nya matukoy kung ano.
"Masyado ng mabagal ang mga pulis. Hindi na tayo pwedeng umasa sa kanila." Nag angat ng tingin si Annie ng sabihin iyon ni Radin. "What do you mean? You don't trust the police?"
Tumango si Radin. "I think someone paying them, gusto nilang patagalin ang kaso na ito hanggang sa tayo nalang ang mapagod at sumuko. Pinapaasa lang nila tayo sa wala Annie. Ako na ang kikilos simula ngayon."
"Patitigilin natin ang mga pulis?" Tanong ni Darshna na nakikinig din pala.
Umiling si Radin. "Mag tataka sila at iisip ng bagong plano kung malaman nila na may nalalaman tayo. Hayaan natin silang mag imbistiga ngunit mag i-imbistiga tayo ng sariling atin."
Tuluya ng sumang-ayon ang dalawang mag Kapatid. "I'll kill Lycka if she killed Kryshna." Gigil na sambit ni Annie.
Naaalala nito na pinagtangkaan ni Lycka ang buhay nya, ang sariling buhay ng kaibigan nya. Hanggang ngayon hindi nya pa din makuha ang punto kung bakit nya iyon nagawa.
SA KABILANG dako naman huminto ang sasakyan ng pulis hindi kalayuan sa bahay ng mga Panizarez. Nag lakad sila sa isang van na nag aantay sa kanila.
"Kumagat sila Boss. Bukas naka ready na kung sino ang palalabasin natin na may sala." Kwento ng isang Pulis.
Napangiti naman ang isang lalaki at tumingin sa kanyang kasama.
"Masyadong matalino si Radin ngunit kumagat din sya sa plano natin." Humalakhak ang isang matandang lalaki. Ganun din ang ginawa ng isa.
"Ang bayad namin...Mr. Roncal?" Natigil sa pagtawa ang dalawa.
"Oh, I forget. Ang bayad nila Vincent Tan?" Bumaling ito sa kasama nya.
Inabot naman ni Tan ang isang brown na sobre na nag lalaman ng kalahating milyon. "Siguraduhin nyong tatahimik kayo. Bukas na ang pangalawang bayad." Paalala nito.
"Makaka-asa kayo mga Bossing! Kilala na din namin ang idadawit namin. Ang estudyante na si Roseanne Lopez at Lycka Perez hindi ba?" Tumango ang dalawa. "Mabuti pang huwag muna bukas gawin, may project pang ginagawa si Lycka, huling project nya na iyon kaya pagbigyan natin." Natatawang sabi ni Mr. Roncal.
Hindi tuloy maiwasan pagmasdan ni Vincent Tan ang kaibigan. Ang pagkakaalam nya gustong gusto ni Roncal si Lycka, at ngayon trinaydor nya ito. Napailing-iling sya.
Basta talaga sa pera nawawala ang mga tao sa sarili.
"Mauuna na kami." Nakangiting kumaway si Mr. Roncal sa mga pulis bago sinarado ang pinto ng van at pinaandar iyon.
Napabuntong hininga si Mr. Tan dahil sa kaba.
"It will come to an end, Tan. You don't need to worry anymore." Aniya.
Ikinuyom ni Vicente Tan ang kamay nyang nanginginig. Tama, he don't need to be nervous now.
"I'll go home now. Allyson is in my house right now." Paalam ni Vincent Tan kay Arnel.
Sumulyap naman ito sa kanya. "Oh? Your daughter in Kryshna?" Tumango ito. Mahinang natawa si Arnel.
Iniisip nya na ibang klase ang kaibigan, nag karoon ng tatlong anak sa dalawang babae. Grabe ang kamandag.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mystère / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...