Chapter 28: Kryshna and Allyson

12 1 0
                                    

Nag tuloy tuloy ang perform ng mga kaklase ko, hindi din ako na bored dahil magaganda ang mga performance nila. Lalo na din kay Jovelyn, habang kumakanta sya hindi ko maiwasan pagmasdan ang expression ng mukha nya.

She looked competitive. Hindi tuloy naka-kaganda sa performance nya dahil nakabusangot ang mukha nya.

Si Danloue naman nag perform sya gamit ang electric guitar nya, maganda din ang boses nya. So manly, but then he's showing a sad face. Siguro naaalala nya ang Kapatid nya.

Si Freziah ay hindi ko maiwasan mapangisi tuwing naaalala ang performance nya, nag dala talaga sya ng malaking piano. Kinuha nya pa iyon sa isang building, may permit naman sya ngunit nahirapan syang ipunta dito dahil malaki ang piano.

Kaya ng makarating sya dito ay hindi pa sya nag sisimulang mag perform basa na sya ng pawis.

Nang tawagin na ang pangalan ni Kryshna ay napa-palakpak ako, nakangiti itong nag punta sa harap ngunit ka-kaonti lang ang pumalakpak sa kanya, ang mga MIS kids blangko lang ang mukha nila habang pinagmamasdan si Krsyhna.

Ang iba naman ay napipilitan na tumahimik sa hindi malaman na dahilan kaya nilakasan ko nalang ang palakpak ko para malaman ni Kryshna na nandito lang ako sa kanya. Nang marinig ni Freziah ang malakas na palakpak ko ginaya nya din ang akin.

Napatingin tuloy sa gawi namin si Krsyhna at nakita ko ang pagkalawak ng kanyang mga ngiti.

Nang mag simula syang kumanta ay halos hindi agad ako nakagalaw. She sing Before It Sinks In by Moira. Her voice is so cold as ice. Mahinahon ang boses nya na tila pwede kang mag pahinga sa oras na marinig mo iyon.

"Suspended in the air, I hear myself breathing hanging by a thread my heart is barely beating." Pagkanta nya.

Pumikit pa sya na tila dinadama ang kanta, napatingin ako sa gilid at nakita kong hindi inaalis ni Ms. Darshna ang tingin sa kanyang Pamangkin. Tila ba sobra ang paghanga nya dito.

Nakangiti ang labi nya at bakas din ang saya sa mga mata. Marahil naaalala nya ang kanyang Kapatid. Ansakit siguro nito para sa kanila 'no?

"I haven't fallen yet but I feel it comin' tell me would it be too much to ask if you break it to me gently and I'm walking the next day without you beside me, and you hold on to that day tomorrow will just be a memory..."

Ramdam ko din ang mga reaksyon ng mga tao na nandito, they are so all speechless. Ang iba naman hindi na nagulat dahil alam na siguro nila na matagal ng maganda ang boses ni Kryshna. She's so talented.

Matalino na madami pang talento. Kaya karamihan ng estudyante galit sa kanya. Bakit? Kasalanan ba ni Kryshna na binigyan sya ng talento? Hindi naman.

"That I would look back at all of this, and wonder why I stayed in here just to watch you disappear. So I breath and let you go, how do I breathe and let you go?"

Habang pinapakinggan ko ang kanta nya hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako, mabilis kong pinunasan ang luha ko. Why did I cry?

Masyado siguro akong na-dala sa boses ni Krsyhna, nagiging emotional din siguro ako dahil sa lyrics. Tungkol ito sa isang taong mahal mo na ma-mamaalam na ngunit hindi mo kayang makita kaya't ikaw na ang susubok na unang ma-maalam.

Matapos kumanta ni Kryshna ay nagulat ako dahil madaming nag palakpakan, napatingin din ako sa gawi ni Iñigo at nakita ko na nakangising pumalakpak din sya. Bahagya tuloy nag tagal ang tingin ko sa kanya.

Pagkabalik ni Kryshna sa upuan ay ako naman ang sumunod dahil last ako sa name list at Young ang apelido ko.

Bumuntong hininga ako bago nag punta sa harap, ramdam ko ang pamamawis ng palad ko, ngayon ko lang ulit ipapakita ang pag violin ko. At hindi ko alam kung magiging maayos ang kalalabasan nito.

I only practice twice and I know that isn't enough. Kaya sana kahit papaano maging maganda ang kalabasan nito. Dagdag pa na kinakabahan ako.

(/Mas bet ko na violin lang ang gagawin ni Allyson sa chapter na ito and she will not sing dahil may ibang event sya na pag-gagamitan ng boses nya hahaha.)

Pag-harap ko sa mga kaklase ko nakatutok lahat ng paningin nila sa akin, ngunit may isang nakatingin sa akin na nag pawala ng kaba ko. Ang tingin nya ay tila nag palakas sa akin, na para bang sinasabi na I can do it.

Huminga ako ng malalim at dahan dahan inilagay ang violin sa kaliwang balikat ko, pumikit pa ako at sa pagdilat ko sinumulan kong tugtugin ang arcade.

Hindi lang naman tungkol sa pagkabata ang activity na ito, para ito ipakita ang iyong talento. At ito ang gagawin ko.

JOVELYN DELA TORRE POV

I looked at Iñigo reaction. Hindi nya maalis ang tingin sa babaeng nag papakitang gilas ngayon. She's playing violin but she didn't sing. Boring.

Marahil panget ang boses nya kaya hindi na sya nag abalang kumanta pa. Mabuti yun, ng malaman nya na wala syang panama sa akin.

"Hey, bakit hindi mo maalis ang tingin sa kanya?" Pagpa-papansin ko kay Iñigo. Sumulyap sya sa akin ngunit agad din nyang ibinalik ang tingin sa harap.

I can't help but to get annoyed.

"Why? She's good in violin that's why I'm listening." Simpleng sagot ni Iñigo na hindi ko nagustuhan.

Pakiramdam ko bigla akong nainis sa Allyson na iyon, paunti unti nyang kukunin ang lahat. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko nga nakuha nya na ang atensyon ng Daddy ko, e. Kahit hindi naman sya ka-close ni Daddy kinampihan pa din sya nito. Nakakainis!

Pumikit ako upang pigilan ang inis na namumutawi sa akin ngayon. I won't let that happen, sino ba sya para agawan ako? She's just a scholar here in my school. Kapag may nagawa syang mali sa akin isang sumbong ko lang kay Dad tanggal na sya.

Hinawakan ko ang baba ni Iñigo at pinaharap sa kanya. "Sa akin lang dapat ang atensyon mo." Nakangiting sambit ko sa kanya.

Ngunit hindi ko alam kung nakita ko ang pagkairita sa mukha nya at mabilis na inalis ang kamay ko sa kanyang baba dahilan kung bakit natulala ako.

Bumalik ulit si Iñigo sa panonood at hindi na ako pinansin. What the fuck is that? Iñigo would never do that to me! Bakit biglang nawalan sya ng pake sa akin? Hindi ko nakitang naging ganun ang reaksyon nya sa akin. He's always been nice to me.

Don't tell me he like that girl? Nah! I don't think so. Hindi naman siguro baliw si Iñigo para pumatol sa isang mahirap na kagaya ni Allyson.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now