"So we will be having a group, I'll group you into 5. Group A, Iñigo, Lourane, Danloue, Ben, Loi, Group B, Jovelyn, Allyson, Kimberly, Roseanne, and Nicholas. Group C is for Jackson and Freziah." Aniya ni Mrs. Lycka.
Kailangan naming pumunta sa isang makasaysayan na lugar sa Pilipinas at kumuha ng magandang litrato dito. Hindi ko nga alam kong bakit ang hirap ng pinapagawa nya.
Pagtapos daw naming kuhanan ng litrato ie-edit daw namin iyon at kailangan bawat isa mag karoon ng opinion bakit iyon ang napili naming puntahan. 10 sentences daw ang need.
"The deadline is August 10." Matapos nyang sabihin iyon umalis na sya.
"Fuck. 10 days lang ang deadline?!" Singhal ni Kimberly at tumungaga.
Rinig ko ang mga reklamo ng mga kaklase namin na bakit daw ang ikli ng deadline, ba't need pa pumunta sa mga makasaysayang lugar, magastos daw at ano-ano pa.
Nag lakad papunta si Jovelyn dito, akala ko mag tu-tungo sya kay Iñigo dahil katabi ko lang ito ngunit sa harap ko mismo sya nag punta.
"We'll be having a meeting about this. Where do you want to meet?" Tanong nya.
Pinagmasdan ko sya. "Kahit saan."
Umirap naman ito. "Kimberlys house then. 8pm okay?" Umalis din sya agad matapos sabihin iyon.
Nag katinginan kami ni Iñigo, nag kibit balikat nalang sya. "She's serious kapag schoolwork na ang pinag-uusapan. Because if she failed Mrs. Dela Torre will know it." Aniya.
Minsan tuloy naaawa na ako kay Jovelyn. Nakaka-pressure siguro yung buhay nya 'no?, sobrang makapangyarihan ng Papa nya dito sa MIS, ang Mommy nya kilala sa pinakamagaling na professor dito sa MIS. Nakaka-pressure siguro maging anak nila. Kaya nalang siguro ayaw ni Mrs. Dela Torre na mag fail si Jovelyn.
Baka mapahiya ang apelido na iniingatan nila.
Buti nalang ako hindi. Kilala ang mga Young sa business world. Mahigit 10 countries na ata ang mga business na meron si Papà. Alak, airline, and hotels ang mga business na hinahawakan nya. Kaya kahit saan ka mag punta kilala sya. Mayaman naman na kase ang mga Young simula palang, kaya din siguro nakapag aral si Papà sa MIS.
Lumaki ako sa kanya, kaya nung bata ako puro kasiyahan ang naaalala ko. Kung ano ang mga gusto ko binibili ni Papà at ni lolo at lola. Never akong prinessure ng mga Young na dapat maging perfect ako for their family. Tanggap nila kung ano ako.
Kaya nga minsan hindi ko maiwasan mag isip kung bakit hindi Young ang apelido ko. Eh halos sa kanya na nga ako lumaki.
Iniisip nya ba na baka kukunin ako ng tunay kong ama? Na baka soon enough mas gugustuhin kong sumama sa ama ko?
Bakit ko pa pipiliin ang tunay kong ama kung kontento na ako sa ama na kinalakihan ko? Bakit pa ako mag hahanap sa tunay kong ama kung ibinigay na sa akin lahat-lahat ng kinalakihan kong Ama?
Nang mag uwian ay sumabay ulit sa akin si Iñigo, naiinis na naman ako sa kanya. Balak ko sanang mag punta sa Tondo at bisitahin sila Caloy bago dumiretso sa bahay nila Kimberly ngunit hindi ko magawa dahil may nakasunod sa akin na asungot.
Nag tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang sya naman ay nasa gilid ko at panay ang pagsasalita, kumunot ang noo ko ng makita si Mr. Roncal, tuloy tuloy ang lakad nito papnta sa likod ng building. Hindi ko nalaman na nag lalakad na ako patungo sa kung saan sya nag punta.
"Hey, what are we doing here?" Iñigo asked. Inilagay ko ang daliri ko sa labi ko sinenyasan sya na huwag maingay.
Sumilip ako sa pinakadulo ngunit nakatago pa din ang mga katawan ko dito sa pader, ganun din ang ginawa ni Iñgo. Mas lalo akong nalito ng makita si Mrs. Perez at Mr. Roncal, anong ginagawa nila dito sa ganitong lugar?

YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mystery / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...