FRANCHESCA ALLYSON POV
Kinuha ko ang phone ko ng tumunog ito, pinagmasdan ko ang pangalan ni Krsyhna sandali bago sagutin.
"Hmm?"
["Papasok ka?"]
"Yes. Actually papunta na ako ng school, kita nalang tayo."]
Pagtapos kong sabihin iyon ay binaba ko na agad ang tawag, huminga ako ng malalim bago kinuha ang violin ko. Dati ng nasa akin ito, guitar sana ang gagamitin ko ngunit naisipan ko bigla ang violin ko.
I remember my childhood here, this is my favorite always. Binigay sa akin ito ni Papà nung 5 years old ako, regalo daw ng mahalagang tao sa buhay ko, natawa pa nga ako 'non dahil hindi nya pa sinabi ang pangalan nya na sya ang nag bigay sa akin. Nahihiya pa.
Ngunit ng lumaki ako ewan ko ba, sa tuwing hahawakan ko 'tong violin iba ang pakiramdam ko. It feels like I'm hurting that I didn't even know. Sa tuwing gagamitin ko ansakit sa pakiramdam.
Kaya ilang taon din ng hindi ko na ito ginamit, ngunit ngayon may nag udyok sa akin bigla na gamitin ito.
Pagdating ko palang sa gate ng MIS ang mga nadadaanan ko na estudyante ang sasama na ng tingin sa akin, nag salubong na naman ang kilay ko. Tangina ano bang ginawa ko? Wala naman akong ginawang masama sa kanila.
Ngunit ng marinig ko ang bulungan nila ay napangiwi nalang ako. Tss.
"Sya ang kumalaban sa Queen Bee dito?
"Grabe, she have the nerve to walk in this school after having a fight in our Queen."
"Let see kung anong gagawin ni Danloue sa kanya, lagot sya."
"Oo nga, balita ko angry na angry si Danloue dahil sa nangyare sa kapatid nya."
Nagkibit balikat nalang ako at nag tuloy tuloy sa paglalakad, pagpasok ko sa room nandon na lahat ng mga MIS kids, syempre maliban lang kay Kimberly.
Nang makita ako ni Danloue agad syang nag lakad palapit sa akin at mabilis akong kwinelyuhan. "Jackson tell me about your plan! You're trash! Nagawa mong lasunin ang sarili mo at isisi sa Kapatid ko." Galit na sigaw nya sa akin.
Tumingin ako sa likod nya kung nasaan presenteng nakaupo si Jackson sa lamesa. Walang emosyon ang mukha nya habang pinapanood ako, tila ba na pinapanood nya kung anong gagawin ko. Anong gagawin ko ngayong nalaman na ni Danloue ang ginawa ko.
Nag simula namang mag lakad si Lourane, Jovelyn, Nicholas dito sa akin. Napansin ko na ang iilang kaklase namin ay umiwas ng tingin at ang iba napilitan lumabas. Tila ba takot na madamay pa.
Bumalik ang tingin ko kay Danloue at padabog na inalis ang kamay nya sa kwelyo ko, ngunit pagtapos kong magawa iyon mabilis nya akong tinulak sa whiteboard at ang kamay nya ay inilagay nya sa leeg ko.
Ngunit hindi nya pa nadidiin ang kamay nya sa leeg ko may humawak na ng kanyang kamay para alisin ito, pagtingin ko ay bahagya pa akong nagulat na si Iñigo ito. Kararating nya lang din sa room.
"It's enough." Malamig na wika nito.
"Bitawan mo nga ako, papatulan ko 'tong babaeng 'to!" Pilit ni Danloue.
Nanlilisik ko syang tinignan. "Ako ang bitawan mo!" Malakas ko syang tinulak paatras.
"Anlakas mong maitulak ako, paano kung masira ang violin ko?! Mas mahalaga pa ito kesa buhay mo!" Inis na singhal ko.
May humawak sa kamay ko at mabilis akong pinaharap sa kanya, naramdaman ko nalang na may sumampal sa akin. Umigting ang panga ko.
"How dare you to shouted at Danloue!" Sigaw ni Lourane sa akin.
Ngumisi ako at lumingon sa kanya. "Nung may sumampal sa akin nakarating kami sa principal's office, Lourane." Nawalan ng reaksyon ang mukha nya.
Namutla sya at hindi agad nakapagsalita. Marahil naalala nya ang nangyare sa amin ni Kimberly.
"Kagaya ng sinabi ko sa kapatid ng mukong na ito." Tinuro ko pa si Danloue. "Ang mga ginagawa nyo sa akin ibinabalik ko lang sa inyo, walang labis, walang kulang. Ngunit baka may sobra." Dagdag ko.
"Ibahin nyo ako sa mga estudyante na binully nyo, hindi ako basta basta nag pa-pabully." Tumingin ako kay Jackson. Nakatayo na sya ngunit seryoso pa din ang mukha nya na pinagmamasdan ako.
"How dare you to accused me that I poison myself and blamed it to Kimberly." I smirked on him. "Remember, you need evidence so you can prove what you say."
Tila naintindihan nya na ang pinapahiwatig ko.
In this place, you always need evidence so you can prove yourself. Kaya ebidensya ang hahanapin ko sa mga magulang nila, su-sunod sunodin ko. Wala akong ititira ni isa.
Inilahad ko ang kamay ko. "You don't have right? Can I please see the recorder that I said na ako ang nag lason ng sarili ko?" Ngunit wala syang naibigay sa akin.
It means hindi nya na record ang pinag-usapan namin sa room nung isang araw. So stupid.
"It's enough, go back to your chair." Umiwas ako ng tingin sa kanila ng marinig ko na sabihin iyon ni Iñigo, nag lakad na din ako papunta sa upuan ko.
Chineck ko din kung nag ka-damage ba yung violin na dala ko, anlakas pa naman ng pag-tulak sa akin ni Danloue. Parang timang na ano.
Dumaan pa ang ilang minuto ng makita ko na si Kryshna. May dala dala syang guitara sa likod nya, ngumiti ako sa kanya at kumaway. Lumapit naman sya sa akin. "Anong dala mo?" Tanong nya.
"Violin." Sagot ko.
Kita ko sa mga mata nya ang excitement. Sigurado pinaghandaan nya ang ganitong mga performance.
Hindi din katagalan dumating na si Ma'am Darshna Panizarez, may dala itong log book, nag punta ito sa harap at tumingin sa amin. "Are you ready to perform your talent?" Tanong nito at nag sigawan ang lahat.
"So, the one who will perform first is the twin here. Mr. And Ms. Roncal, kindly stand up here." Nakangising tumayo si Lourane habang ang kambal nya naman bitbit ang gitara na mag ponta sa harap.
Kumunot ang noo ko. Akala ko ba individual? Bakit naging dalawa ngayon? Tss. Huwag nilang sabihin na sila lang ang pwedeng dalawa?
"Wala na namang magagawa Tita mo, siguro inutos ng Daddy nila Lourane na mag partner sila." Rinig kong sambit ni Freziah sa tabi ko.
Yes. Mag katabi na kaming tatlo dito sa dulo, may 3 chair na nasa dulo kaya't dito na kami umupo. Una si Kryshna lang ang umu-upo sa tabi ko ngunit kalaunan tumabi na din si Freziah.
Umayos lang kaming tatlo ng mag simula ng tumugtog si Iñigo, seryoso lang itong nakatingin sa guitara nya habang kumakanta naman ang kambal nya na si Lourane. Bahagya pa akong hindi makapaniwala sa boses ni Lourane. It's so damn good.
Malamig, clear ang boses, it's almost so perfect. Hindi ko tuloy maalis ang tingin ko sa kanya, ang pagkakaalam ko. Jovelyn, Lourane, and Kimberly is the one who's good in sing.
Si Lourane pa lang, maganda na ang boses, sobra-sobra. Kaya't hindi ko ma-imagine si Jovelyn na kumanta, baka tuluyan na akong humanga at makalimutan ang totoong pakay ko dito sa MIS.
Ngunit hindi ako naniniwala. Napatingin ako sa katabi kong si Kryshna, nakangiti din syang pinagmamasdan kumanta si Lourane. Walang inggit na nang gagaling sa mga mata nya, it's so pure adoration.
Matapos ang kanta nila nag palakpakan ang mga kaklase namin, ngunit sa hindi kadahilan biglang nag tama ang mata namin ni Iñigo, hindi nya inalis ang tingin nya sa akin kahit tumayo na sya sa pag-kakaupo matapos mag perform.
Hindi ko gusto ang mga tingin nya.
________
Hi, hehehe. Ang ganda ng boses ng babae sa itaas kaya't ito naisipan ko na ilagay dito, bagay din kase yung kanta na Dust Till Dawn sa future ni Iñigo.
Maganda din boses ni Lourane sa imagination ko kaya't sakto sa kanya 'to. Saka in the future kong maririnig ulit ni Iñigo yung kanta na'to baka umiyak sya HAHHAHAHA.😂
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mystery / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...