KIMBERLY TAN POINT OF VIEW
Kanina lang sa klase may dumating na namang mga pulis. Hinahanap si Nicholas eh hindi ko naman nakitang pumasok yung lalaking 'yon.
Ano naman kaya ang ginawang kasalanan 'non?
Humikab ako. Nandito ako sa sala kasama si Kuya, nanonood kami ng netflix ng makita kong tulog na sya.
I rolled my eyes. This is so fucking boring.
Tumayo na ako at pinatay ang tv, aakyat na sana ako sa kwarto ko nung may narinig akong nag doorbell. Lumapit ako doon at hindi na nag dalawang isip na buksan ang pinto.
Bahagya pa akong napa-atras sa nakita ko. It was Nicholas, naka jacket sya at black na sumbrero.
"Anong ginagawa mo? Pinag-hahanap ka ng mga pulis." Kabadong sabi ko.
Kita ko ang galit sa kanyang mukha ng tumingin sa akin. "Bwesit na Jackson na iyon, dahil sa kanya nasira ang plano ko." Singhal nya.
Umawang ang labi ko. "What plan?" I asked him.
Sinamaan nya ulit ako ng tingin. "Baka pwedeng dito muna ako mag stay? Saglit lang, hahanap agad ako ng lilipatan bukas." Agad akong umiling.
"Are you crazy?! Hindi ka pwede rito! I think you're a criminal now. Ayokong mabahidan ng masama ang pangalan namin, no!" Asik ko sa kanya.
Nagtagal ang tingin nya sa akin at mahinang natawa na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Masama na ang pangalan ninyo, Kimberly. Kuya at ang Daddy mo ang pumatay kay Kryshna Panizarez hindi ba? Bakit tila nag fe-feeling inosente ka dyaan?" Natatawang aniya.
Akmang papasok na sya sa loob ng malakas na tumulak sa kanya, pagtingin ko sa likod si Kuya iyon. Masama ang tingin nya kay Nicholas.
"You raped Freziah Perez. You need to pay for what you did, Nicholas." Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Ginahasa mo si Freziah?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Tss. Nagustuhan nya din naman 'yon."
Mabilis ko syang sinampal. "You're crazy, Nicholas! You shouldn't do that even if you're angry to her!" Galit na sigaw ko dito.
"Nandito sya!!" Sabay kaming napatingin sa gate ng marinig ang sigaw.
Si Jovelyn iyon habang may kasama syang mga pulis. "Shit!" Mahinang wika ni Nicholas ng makita ang mga pulis.
Napaatras kaming dalawa ni Kuya ng makita naming inilabas ni Nicholas ang baril na tinago nya, mabilis syang nag paputok sa mga pulis dahilan para sumigaw ako ng malakas, Kuya immediately covered my head.
Hindi na namin alam ang mga nangyayare dahil sunod-sunod ang putukan na nangyayare. Nandito lang kami sa gilid ng pinto at nag ta-tago. Madilim ang paligid kaya hindi ko alam kung asaan sila. Pinatay ko na kase ang lahat ng ilaw sa bahay dahil gabi na.
"Kuya andaming putok ng baril? Sigurado ka bang mga pulis lang ang nag papa-putok?" I asked.
Luminga linga sya sa paligid. Agad nyang tinuro ang dining table namin.
"Mag tago tayo doon." Mabilis nya akong hinila patungo dito.
Nang makarating kami hindi padin humihinto ang palitan ng mga bala, nag si-simula na akong kabahan. Asaan si Daddy at bakit nan'don pa din sya sa kanyang kwarto habang nag kakagulo na dito?
Fuck you, Nicholas! Dito mo pa talaga dinala ang gulo mo!
Ano nalang ang sasabihin ng iba sa oras na malaman ng lahat na ang mansyon namin ang pinangyarihan ng gulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/308824649-288-k931594.jpg)
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Misterio / SuspensoFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...