Nandito kami sa guidance office, sa harapan namin ay may table at nakaupo doon si Mrs. Divina Dela Torre. Sa harap ko naman ay nandon ang dalawang mag kapatid na Tan at sa likod nila ay si Mr. Vicente Tan, ang kanilang ama.
"Kung ayaw nyong mag salita maaari bang humingi nalang kayo ng tawad sa isa't isa? Huwag na nating palakihin ang kaonting gulo na ito." Mahinang natawa si Mrs. Divina kaya't hindi ko maiwasang mairita.
Seriously? Nagawa nya pang tumawa sa sitwasyon na ito?
"Sya dapat ang humingi ng tawad sa akin----" Pinutol ko ang sasabihin ni Kimberly.
"At bakit ko gagawin iyon? Ikaw ang unang sumampal sa akin."
Sinamaan nya ako ng tingin. "I did that because you're hurting student who's higher than you! Isa ka lang scholar at ang mga kagaya mo hindi dapat nilalamangan ang mga estudyante na mas mataas sa'yo." Sagot nya.
Sarkastiko akong natawa, umikot pa ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Lumingon ako sa pwesto ni Mrs. Divina.
"Kung ganon naman pala ang patakaran dito sana hindi na kayo nag pa-pasok ng mga scholar lalo na't kung hindi nyo din pala kayang itrato ng tama ang mga estudyante dito. Bakit ba kayo nag pa-pasok ng scholar? Para sabihin na kahit gaano kayaman ang MIS bukas pa din ang palad para sa lahat ng mga estudyante na nangangarap?" Kita ko ang panlalaki ng mata nila.
Tumingin naman ako kay Mr. Vicente Tan. "Official ka sa paaralan na ito hindi ba? At bakit hindi ka marunong maging fair sa mga estudyante dito?" Seryosong tanong ko.
"Ms. Young!" Suway sa akin ni Mrs. Dela Torre.
Tumawa ako. "Sinasabi ko lang ang nakikita ko. Bakit tila ayaw nyong marinig ang katotohanan?" Sambit oo.
"Look Dad! Malakas talaga ang bibig nya mag salita!" Pag-sumbong ni Kimberly.
Pumikit si Mr. Tan at kita ko ang pamumula ng kanyang mukha sa galit. Nag karoon ako ng tyansa na titigan sya ng matagal. Pag-dilat nya ay ngumisi sya sa akin, isang ngisi na para bang hindi makapaniwala.
"Wow! Manang-mana ka talaga sa Daddy mo, no? Kuhang kuha mo ang ugali nya, hindi sya marunong tumahimik kung alam nyang nasa tama sya." Ako naman ang hindi ngayon nakapagsalita.
Ibig sabihan kilala nya din si Papà. Well, Young ang apelido na ginagamit ko ngayon, kaya alam na siguro ng lahat na anak ako ni Radin Young. Ang minsan ng nag aral sa paaralan na ito. Hindi naman siguro sila ganun ka-bobo para hindi ma-realized iyon.
"Ang kaso, alam mo ba ang mga ganyang bibig? Napapahamak din sila sa sarili nilang sinasabi, sa sobrang daldal 'non muntik na sa kanyang ibaling ang mga nangyare sa MIS years ago." Kumunot ang noo ko.
Natawa sya ng malakas ng makita ang reaksyon ko. "Guess what, hindi sinabi sa'yo ng Daddy mo na after he graduated bumalik agad sya ng korea? Dahil natakot iyon, naduwag ang loko. Muntik na sa kanyang mapunta ang kaso na hinarap ni Darshna Panizarez, ang pag patay sa inosenteng tao." Nanatiling kalmado ang mukha ko kahit nagulat ako sa kanyang sinabi.
What? But Dad never tell this story. Pumikit ako ng mariin, kailangan ko na talaga syang makausap. Mababaliw na ako kakaisip kung naugnay din ba sya sa mga Panizarez. Pero base sa sinabi ni Mr. Tan hindi ko na kailangan na mag isip, naugnay talaga si Dad dito.
Sa kanilang lahat.
"Why are you telling that to her?" Lahat kami napatingin sa pinto ng pumasok si Mr. Dela Torre, blangko ang mukha nya habang pinagmamasdan si Mr. Tan.
Sa likod nya ay nan'don si Freziah at Kryshna ngunit hindi sila tuluyang pumasok sa pinto. Nanatili lang sila sa gilid ng pinto habang nanonood sa amin.
Nag lakad si Mr. Dela Torre at pumwesto sa gilid ko. Kaharap nya na ang pamilyang Tan.
"Sinasabi ko lang dahil mukhang wala syang alam sa past ng tatay nya---" Nag salita agad si Mr. Dela Torre sa sinabi nya.
"Radin didn't say anything because he didn't want Allyson to know, so why are you saying now? Paepal." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa huling sinabi nya.
Ako lang ang nakarinig 'non dahil humina ang boses nya, hindi na nakapagsalita pa si Mr. Tan kaya bumaling ulit ako kay Mrs. Divina.
"Well, kung hindi ito maayos dito itataas natin ito sa Principal office, doon ipapatawag na ang mga magulang ninyo. At maaaring maparusahan pa kayo ng ilang linggo." Nanlaki ang mata ni Kimberly.
"What?! No!" Sigaw nya.
"Then kailangan nyong humingi ng tawad sa isa't isa, para hindi na kayo umabot pa doon." Dagdag ni Mrs. Divina.
Bumuntong hininga ako at pinagmasdan si Kimberly. Lumaki ang ngisi sa labi ko ng makitang tumayo at lumapit sa akin si Kimberly, matalim ang mata nya. "I'm sorry." Hindi bukal sa loob na pag hingi ng tawad.
Pero okay na din iyon, dahil kahit papaano pakiramdam ko natalo ko sya. Nagawa ko na humingi ng tawad ang isang Queen Bee sa paaralan na ito.
Umirap sya bago inabot sa akin ang isang mogu-mogu, dala nya ito kanina pa. Hindi ko kinuha iyon kaya't inabot nya ulit. "Sa'yo nalang, senyales na pag hingi ko ng tawad." Napipilitan nyang sambit.
Malawak akong ngumiti para maasar pa sya, kinuha ko iyon. "Thank you, and apology accepted." Umawang ang labi nya ngunit umirap sa akin ng palihim bago humarap kay Mrs. Divina.
"Okay na? Pwede na ba akong umalis?" Tumango ito kaya nag lakad na agad paalis si Kimberly, sumunod naman ang kapatid nya na si Danloue.
Tumayo na din ako, sinulyapan ko pa si Mr. Tan. "Anyway, you're so handsome in personal Mr. Tan. Fan na fan mo ako. Totoo nga ang sabi nila na mabait ka." Alam ni Mr. Tan na hindi totoo ang sinabi ko dahil kita ko ang galit sa kanyang mga mata ngunit nagawa nya pa ding ngumiti sa akin ng peke.
Tumalikod na ako at nakangiting lumabas sa room na iyon, sinalubong ako ni Kryshna at Freziah. "Ano okay kalang?" Bungad na tanong ni Freziah.
Si Kryshna naman ay tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Wala naman syang sugat, tara ayusin natin sa restroom ang buhok mo." Tumango ako.
Pumasok kaming tatlo sa restroom, nilagay ko sa lababo ang bigay na mogu-mogu ni Kimberly, naramdaman ko si Kryshna sa likod ko at nag umpisang suklayan ako.
"Ayusin mo ang uniform mo." Utos ni Freziah sa akin kaya inirapan ko sya ngunit sinunod din naman.
Matapos akong suklayan ni Kryshna ay kinuha ko agad ang mogu-mogu at ininom yon. "Ihi lang ako." Paalam ko at pumasok sa isang sink, dinala ko ang mogu-mogu doon.
Nag tagal pa ako doon ng dalawang minuto bago lumabas, pinagmasdan ko ang dala kong mogu-mogu. "Kanino ba yan?" Curious na tanong ni Freziah.
"Kimberly gave it to me." Sagot ko.
"Mahilig sa mogu-mogu si Kimberly." Si Kryshna.
Sabay na kaming lumabas sa restroom na tatlo ngunit nasa corridor palang kami ay napahinto na ako, nakaramdam ako bigla ng pananakit ng tiyan.
Tila pinipilipit ito kaya mabilis akong napahiga sa sahig, sumigaw ako sa sakit habang hawak-hawak ang tiyan ko, ramdam ko ang paglapit sa akin ng dalawa kong kasama. May sinasabi sila ngunit wala na akong marinig, ang tanging nararamdaman ko lang ay ang sobrang sakit ng tiyan ko.
"Allyson, what's happening?!" Nag aalalang tanong ni Kryshna.
Napahawak na ang dalawa kong kamay sa tiyan dahil hindi ko na talaga kaya, pakiramdam ko hindi na ako makakalakad kung sakaling dalhin ako sa clinic. Tangina!
Ngunit sa harap ko, habang namimilipit akong nakahiga nakita ko si Iñigo, may hawak syang mga papers habang nag lalakad ngunit ng makitang may nag ku-kumpulan na estudyante dito ay mabilis syang nag punta, ng makita ang kalagayan ko ay hindi na syang nag dalawang isip na buhatin at tulungan ako.
Naramdaman ko nalang na tila nakalutang na ako, ipinikit ko ang mata ko at ramdam ko na tumatakbo na si Iñigo patungo sa clinic.
"What happened?" Tanong nya.
"Food poisoning, si Kimberly ang nag bigay." Sagot agad ni Freziah.
![](https://img.wattpad.com/cover/308824649-288-k931594.jpg)
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Misteri / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...