Chapter 37: Kryshna is Dead

10 0 0
                                    

FREZIAH PEREZ POV

"Goodmorning. Hindi umuwi si Mama?" Tanong ko pagkababa ko.

Agad akong umupo sa dining table at nag simulang kumain agad, napagod ako kahapon. 4pm na din ng makauwi ako dito sa bahay, naiwan si Kryshna sa MIS kasama ang Tita Darshna nya.

Pagka-uwi ko madami pang mga official na nan'don sa paaralan na iyon, nag kwe-kwentuhan at ang iba naman nag papayabangan ng mga pera. Andami kaseng mga stock holders na dumating.

"Hindi po Ma'am." Kumunot ang noo ko.

Ang sabi ni Mama uuwi sya dito ng mag paalam ako na sa mansyon ako ng Panizarez tutuloy ngunit hindi ko din naituloy dahil nag stay nga si Kryshna sa MIS. Hanggang sa magising nalang ako wala pa din dito si Mama?

Saan sya natulog kung ga'nun?

"Pahanda na ng uniform ko, maaga akong papasok." Tumayo na ako at nag tungo ulit sa taas para maligo na.

5:00am ng matapos ako sa lahat ng gagawin ko, masyado pang maaga kaya sigurado akong tulog pa ang driver ko kaya' napag pasyahan ko na ako nalang ang mag da-drive ngayon.

Ngayon lang naman, mag pa-pasundo nalang ako mamaya pag-uwian.

Marahan lang akong nag drive ngunit mabilis din akong nakarating sa school dahil wala pa namang traffic, pinagbuksan ako ng gate ng guard ngunit kita ko sa labas ng MIS ang mga nag aabang na estudyante na papasukin.

5:50 sila pinapapasok lahat, exempted lang talaga kaming mga MIS kids.

Pagka park ko sa parking lot dumiretso na agad ako sa room namin, bukas na iyon at nandon na din si Ms. Darshna. Ngumiti ako sa kanya at nag mano.

"Nakita mo ba si Kryshna?" Nag taka ako.

"Po? I thought nasa mansyon sya?" Balik kong tanong.

Umiling naman sya. "Hindi ko sya nakasabay umuwi kagabi, akala ko kase nauna na syang umuwi ngunit pagdating ko sa bahay wala naman doon. Sa isip ko baka sinama mo sa bahay ninyo, wala ba?" Seryosong tanong nya sa akin.

Sandali akong natigilan at kinabahan.

Mabilis akong umiling. "W-wala po. 4pm ng umuwi ako sa bahay." Sagot ko.

Kita ko kung papaano kabahan si Tita Darshna, pumikit sya at hinilot ang sintido nya.

"Mag tatanong-tanong nalang muna ako sa mga estudyante dito, or natawagan mo na ba si Allyson? Baka mag kasama lang sila." Si Tita.

Mag sasalita sana ulit ako ng makarinig kami ng sigawan. Andaming mga estudyante na pumalibot sa room namin.

"S-si Kryshna! Patay! Madaming dugo." Hinihingal na sigaw ng isa sa kanila.

Tila na manhid ata ang katawan ko sa narinig, hindi agad ako nakagalaw. Ang alam ko nalang tumatakbo na kami ni Tita Darshna papunta sa tinuro ng mga estudyante kung saan nila ito nakita.

Kita ko ang madaming umpukan ng mga estudyante, nasa tapat ito ng bakanteng building. Doon sa madalas na tambayan namin na rooftop.

"Tabi tabi!!" Hinawi ko sila para makadaan kami ni Tita.

Nanlaki ang mata ko at napatakip ako sa labi ko dahil sa nakita. Si Kryshna, madaming dugo sa ulo habang yakap yakap sya ni Allyson!!!

"Kryshna!!!" Malakas na sigaw ni Tita at mabilis na kinuha ang katawan ni Kryshna. Nag simulang humagulgol si Tita habang pinagmamasdan ang katawan ni Kryshna.

Nanginginig pa ang mga kamay nito habang hinahaplos ang mukha ng Pamangkin. "S-sinong may gawa nito sa'yo? B-bakit? Bakit?!!" Sigaw nito.

Hindi na kinayanan ng tuhod ko ang nangyare, tuluyan na akong napaluhod dahil sa pang-hihina habang pinagmamasdan si Kryshna. Ito na yung kinakatakutan ko.

Paglingon ko sa gawi ni Allyson nakatulala lang sya habang nakasiksik sa isang sulok, nanginginig din ang mga katawan nya at tila wala sa sarili. Nanlisik ang mga mata ko.

"Pinatay mo sya!!" Sigaw ko sa kanya.

Nag tama ang mata namin ngunit hindi manlang sya nag salita, ni hindi manlang nya dineny ang paratang ko sa kanya. Ginawa nya talaga ito?

I-i can't believe this!!

Sa nakikita ko pa lang sya na ang suspect dito. Punong puno ng dugo ang mga kamay nya, pati ang uniform nya ay nababalutan ng dugo. Paano nya nagawa yun? Itinuring syang kaibigan at Kapatid ni Kryshna.

Agad akong lumapit sa pwesto nila Kryshna. "Kryshna, please wake up. Tumawag kayo ng ambulansya parang awa nyo na!!" Umiiyak na sambit ko.

Paulit ulit lang ang sinasabi ni Tita Darshna, tinatanong nito kung sino ang may gawa sa kanya at bakit ito ginawa sa walang kamuang muang na si Kryshna. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Blangko ang utak ko, wala akong maisip na gagawin. Masyadong mabilis ang pangyayare sa akin na para bang hindi totoo at panaginip lang ang lahat.

Bakit ganito ang nangyayare? Kahapon lang naman okay pa, ah? Kasama ko pa si Kryshna. Yakap yakap ko pa sya kahapon.

"What's happening here---" Nanlaki ang mata ni Mrs. Dela Torre sa nakita.

"Jovelyn, call your Daddy and tell their's someone dead." Bumaling ito sa Anak nya na nasa kanyang tabi.

Gulat ang ekspresyon ni Jovelyn habang pinagmamasdan si Kryshna, umawang ang labi nya ngunit agad ding sumunod sa utos ng kanyang Ina. Andaming nakapalibot na mga estudyante na nandito. Rinig na rinig ko ang bulungan nila.

"Hindi! Hindi pa patay si Kryshna! Buhay sya! Bawiin mo ang sinabi mo" Sigaw ni Tita sa sinabi ni Mrs. Dela Torre. Humagulgol ulit si Tita.

"Please! Tulungan nyo kami!" Pag-mamakaawa ni Tita.

"Tabi." May humawi sa akin kaya napatabi ako. Nang tignan ko kung sino iyon it was Doc. Clark Lim.

Tumingin si Tita sa kanya, agad nyang ipinagsaklob ang dalawang kamay nya at nag makaawa kay Doc.

"Clark, please help her. She's not dead. Help her, please." Pag-mamakaawa nito.

Tumingin sa kanya si Doc ng kalmado ang itsura. "Yes, I will help her. Stop crying." Mahinang sagot ng Doctor.

Hinawakan ni Doc. ang leeg ni Kryshna. "Wala na syang pulso." Mas lalong humagulgol si Tita sa narinig.

Mabilis akong dumalo sa kanya at tinapik tapik ang likod nya upang patahanin sya. Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa tumutulo. Kailangan kong mag pakatatag, I know Kryshna is not dead. Matibay ang kaibigan ko.

Mabilis na pinunit ni Doc ang damit nya at tinakpan ang sugat ni Kryshna sa ulo. Patuloy ang pag-dudugo nito kaya kailangan takpan.

"Madami ng dugong nawala tangina wala pa bang ambulansya?!" Galit na tanong nito.

"Student please stay away! Hindi makadaan ang ambulansya!" Sigaw ni Mrs. Joyce Lim at pinatabi ang mga estudyante na nakatingin lang.

Ganun na din ang ginawa ni Mama. Lumapit si Ms. Tiffany sa mga estudyante.

"I will expelled you all if you didn't take our command." Maotoridad na sambit nito kaya wala ng nagawa ang iba kundi tumabi.

Mabilis na binuhat ni Doc si Kryshna at dinala na ito mismo sa ambulansya na kararating lang, sumunod si Tita at ganun din ang ginawa ko. Halos tumakbo na ako dahil mabilis ang lakad ni Doc na para bang doon nakasalalay ang buhay ni Kryshna.

Kryshna please be safe. Hindi ko kakayanin na mawala ka.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now