Chapter 38: Who killed Kryshna?

9 0 0
                                    

JACKSON LIM POV

"Ano ba? Kumakain pa kami." Rinig kong sagot ni Nicholas sa kanina pang tawag nang tawag sa kanya.

"What?!" Napatayo si Nicholas sa narinig.

"Ano ba? Kumakain ako." Reklamo ko dahil naalog ang table.

"Kryshna's Dead?" Doon na ako napabaling ng tingin.

"Sige, Sige. Pupunta na kami dyaan." Agad nitong pinatay ang tawag.

"Nakita daw ang katawan ni Kryshna sa lumang building, madaming dugo habang hawak hawak ni Allyson ang katawan ni Kryshna." Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Are you fucking serious?"

"Oo nga! Tara na. Late tayo sa balita ang bagal mo kaseng kumain, e."

Pagdating na pagdating namin sa labas ng MIS mga reporter agad ang naabutan namin. Hindi sila pinapasok sa loob kaya dito sila nag tipon tipon sa labas. Hindi na ako nag dalawang isip na bumusina ng malakas.

"Umalis nga kayo dyaan!! Harang sa daan." Sigaw ko sa kanila.

Agad naman silang sumunod kaya naipasok ko ang kotse ko ng tahimik, nag park lang ako saka nag tungo agad sa sinabi ni Jovelyn sa amin. Lakad takbo na ang ginawa ko, hindi ako nag aalala kay Kryshna, nag aalala ako ngayon kay Allyson. Where is she?

Wala ng mga estudyante doon, may mga pulis na nag i-ikot at mukhang nag i-imbistiga, inikot ko ang buong paningin ko. Sa lumang building ito.

Lumapit ako sa pulis. "Ano hong balita?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa makausap yung saksi nanginginig pa kase, e. Dinala muna sya ng isang lalaki sa gymnasium." Sagot nito sa akin.

"Saksi? Sino ba ang saksi?" Tanong ni Nicholas na nakikinig pala.

"Allyson Young ang pangalan nya."

Nanlaki ang mata ko. Nakita ko nalang ang sarili ko na tumatakbo patungo sa gymnasium na sinabi ng pulis. Pagbukas ko ng pinto ay napahinto din ako. Nawala ang pag-aalala ko sa kanya ng makita kong kasama nya si Iñigo.

Thank, God. She's safe.

Nakaupo sa stage si Allyson habang sa harap nya naman ay si Iñigo na tila kinakausap sya, marahan akong nag lakad patungo sa kanila.

"Anong nakita mo?" Diretsong tanong ko. Nag angat si Allyson ng tingin sa akin ngunit alam kong alam nya kung anong binanggit ko.

Iritang bumaling sa akin si Iñigo. "Stop it, huwag mong biglain. Hindi pa sya makapag isip ng maayos." Sambit nito.

Umirap ako. "Dalawa lang naman yan, it's either sya ang pumatay o nakita nya. Kaya sabihin mo na lang ang nalalaman mo, Allyson ng hindi ka na mahirapan pa." Sabi ko.

Natatakot ako. Nangyare na ang kinababahala ko, katulad ni Ms. Darshna napag bintangan din sya noon kagaya ng ganito. Napawalang sala naman iyon ngunit sa mata ng mga tao sya na talaga ang pumatay.

Hindi malabong mangyare na din ito kay Allyson ngayon.

Kailanman hindi sya nakinig sa akin. Hangga't maaari pinipigilan ko ang pagdanak ulit ng dugo dito sa MIS. Hindi nagawa ni Dad na pigilan iyon, kaya hangga't maaari I try my best. Ngunit kahit anong gawin ko hindi na ata mapipigilan. Lalo na't si Kryshna pa ang nawala.

"Sinabi kong tumigil ka na!!" Mabilis akong kwinelyuhan ni Iñigo. Nanlilisik ang mata nya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasan pagmasdan sya, maya maya ay natawa ako. Umigting ang panga ko.

"Don't tell me you have a feelings for that girl Iñigo?" Tanong ko.

Ngunit hindi sya sumagot kaya' nawala ang ngisi sa aking labi. Bumaling ulit sya kay Allyson na nakatulala pa din.

"S-si Kryshna? Is she dead?" Mahinang tanong ni Allyson. Nag katinginan kami ni Iñigo. Umiling naman ako.

"Nasa hospital pa sila, don't worry I think she will be safe." Pag-papagaan ko.

Tumahimik ulit ako. "You better cooperate to the police, Allyson. Hindi ka pwedeng maging ganyan lang." Hindi ko na maiwasan na mag salita.

Kung patatagalin pa ni Allyson ang pananahimik baka mahirapan na syang linisin ang pangalan nya, ang taong gumawa nito baka nag iisip na yun ng panibagong hakbang.

Umiling sya. "H-hindi ko pa kaya."

"Baka naman tinatakasan mo lang talaga yung mga pulis?"

Sinamaan ako ng tingin ni Iñigo. "Shut the fuck up, Jackson!" Suway nya.

"Bakit ba pinagtatanggol mo yan? Ni hindi pa nga natin kilala yan ng matagal, malay ba natin na may hidden agenda yang babaeng 'yan. Baka pinatay nya si Kryshna dahil gusto nyang ma solo ang mangyayare sa festival---"

Natahimik ako ng mabilis akong sinuntok ni Iñigo, hindi pa sya nakontento at kwinelyuhan nya pa ako ng bumagsak ako sa sahig.

"Kapag hindi ka pa tumigil ako na ang maka-kalaban mo." Banta nito.

Pinunasan ko ang labi ko na may dugo na dahil sa suntok nya, umirap ako at tumayo bago umalis sa gymnasium. Inilabas ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Daddy pero hindi naman sumasagot.

Nakailang tawag ako bago nya masagot ng tuluyan.

"What's the news Dad?"

Rinig ko ang malakas na pag-iyak ni Ms. Darshna, paulit ulit nyang tinatawag ang pangalan ng Pamangkin at sinasabing 'Sya nalang ang meron sya'

["Dead on arrival."]

Nanlaki ang mata ko. Napahawak pa ako sa pader dahil sa pang-hihina. Ramdam ko din ang bigat ng sabihin iyon ni Dad.

"W-what? How?"

["Bago namin sya dalhin sa ospital nasuri ko ang sugat ni Kryshna. Nangingitim na ito senyales na ilang oras na bago nangyare. Halos wala na ding dugo ang ulo nya dahil umagos na pala ito matagal na. Can you do me a favor, Jackson?"]

"What is it Dad?"

["Check the log book in MIS. Tignan mo kung anong oras pumasok ng school kanina si Allyson. Itext mo nalang sa akin, busy ako dito."]

"Okay. Pupunta agad ako."

Pinatay ko ang tawag at agad na nag punta sa gate ng MIS. Naabutan ko si Manong Guard na busy sa pag-tataboy ng mga reporter sa labas.

Hindi na ako nag paalam sa Guard at nag tuloy nalang sa pagpasok sa maliit na kubo. Agad kong hinanap ang log book ng mga estudyante, doon inililista kung anong oras pumasok ang estudyante at anong oras lumabas.

Franchesca Young 5:00am

Agad kong tinext iyon kay Dad. Nag reply naman sya.

From: Dad
It's not Allyson who killed Kryshna. 5:30 nakita ang bangkay ni Kryshna, ang hula ko 5 hours na ang sugat ni Kryshna dahil nangingitim na ito. So it's basically 12:00 midnight, ipapa autopsy pa ang bangkay para masiguro.

Kung hindi si Allyson sino? 12 midnight? Madami pang mga tao 'non dito sa MIS, ang mga stockholders na hindi pa umuwi dahil may meeting. Halos nandito din lahat ang official.

Kaya' imposible na walang nakakita sa katawan ni Kryshna kaagad.

Who Killed Kryshna?

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now