JACKSON LIM POINT OF VIEW
7pm ng makarating ako sa mental hospital. May 3 hours pa ako para makarating sa club na sinasabi ni Allyson. Birthday nya ngayon kaya't kailangan ko talagang pomonta.
Dala-dala ko ang isang paper bag na nag lalaman ng pagkain, ayaw ni Nicholas ng mga pagkain dito. Mas lalong lumalabas ang alter ego nya kapag hindi nagugustuhan ni Nicholas ang mga bagay-bagay.
Kaya't nag hi-hirap ako ngayon para lang sa kanya, kahit na nakaka gago ang mga pinag gagawa nya hindi ko pwedeng isisi sa kanya iyon. Hindi sya ang gumawa 'non. I believe that my brother is good.
Pagpasok ko sa room ni Nicholas naabutan ko sya sa kama nya, naka posas ang mga kamay nya dahil sa mga pulis. He's convicted kaya't naninigurado sila at baka makatakas. Hindi ko din sila masi-sisi dahil may matalinong alter ego si Nicholas.
"Kuya Jack." Ngumiti ako ng tawagin nya ang pangalan ko.
Kinuha ko ang upuan at inilagay iyon sa tabi ng kama. Inilabas ko ang pagkain na iniluto ni Papa bago sya mag ponta sa mansion ng Panizarez.
"How are you?" I asked him.
Mahina syang natawa. "Parang kaninang umaga lang nag kita tayo, e." Ngumiti din ako.
"Hindi ka ba nahihirapan kapag wala ako?"
Huminto sya. "Kapag tanghali doon madalas lumalabas ang alter ko kaya't laging may nakabantay na nurse at doctor sa labas ng room ko. Nahihirapan ako because sometimes I can't control myself. I felt weak."
Gamit ang isang kamay nya na walang posas nag simula na syang kumain. Pinagmasdan ko lang sya habang pinipilit na huwag maiyak. Pakiramdam ko wala akong kwentang Kuya.
"Kamusta si...Freziah?" He asked.
Ramdam ko ang takot sa boses nya, nung mga bata kami he really like Freziah that time. Lagi nyang kwine-kwento sa akin kapag nakikita nya si Freziah at kung gaano daw ito kaganda sa paningin nya.
Nung malaman ko na he's a stalker of Freziah hindi ko tuloy alam kung sya ba yun or ang ibang pagkatao sa katawan nya.
"She's fine. Madalas na din syang ngumiti, kinamusta ka din nya sa akin nung isang araw. I think she doesn't mad at you anymore."
Totoo iyon. Kinamusta ni Freziah sa akin si Nicholas, nang sabihin ko na hindi pa okay hindi na din naman nag salita si Freziah.
"I really loved her." Nag katinginan kami ni Nicholas, may namumuong luha sa kanyang mga mata. "Sinira ng mga taong iyon ang chance na ipakita ko kay Freziah ang totoong pagmamahal ko. They raped her. I tried to fight them but I can't. I'm so weak."
Hindi ko na napigilan na umiyak, hinawakan ko ang kamay nya. "I'm so sorry, Nicholas. Hindi mo kasalanan iyon." Sambit ko.
Hindi naman na sya nag salita pa.
"Kuya diba tinanong mo na ako kung bakit nag ka-ganito ako nung unang ponta mo dito?" Marahan na tanong nya sa akin habang kumakain. Naka focus lang ang atensyon nya sa pagkain.
Tumango ako.
"It's all because of mom." Nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi agad ako nakapagsalita.
"It's started when I was 12 years old...Naaalala mo ng umalis kayo ni Dad at nag tungo ng Singapore?" I nodded. "Kapag gabi nakikita ko si Mama na pumapatay ng mga tao sa bahay natin, I was scared that time. Kapag nakikita ko sya parang hindi sya ang ina natin. Meron pa 'nong pinutulan nya ng paa yung batang babae. Hindi ko alam kung saan nakatira 'yon. I feel like she kidnapped it.",
"Anong pinagsasabi mo? Why would mom kidnap some kids?" Hindi ko mapigilang tanong.
"You won't believe me right?" Mahina syang natawa at yumuko. "I know it. Kaya hindi ko sinabi sa mga tao ang trauma na naramdaman ko dahil walang maniniwala sa akin. Even Dad I know he will never believe in me."
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mistério / SuspenseFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...