Chapter 57: ALLYSON POV

10 0 0
                                    

Paglabas ko ng room na iyon nanlambot ang tuhod ko kaya kinailangan ko pang humawak sa pader para hindi matumba. Pumikit ako ng mariin.

Habang naririnig ko kanina ang kwento ni Lourane sa nangyare kay Krsyhna hindi ko maiwasang umiyak ngunit pinigilan ko lamang. Namatay si Kryshna na binabanggit ang pangalan ko. Namatay sya na nag babakasakali na tutulungan ko sya.

At naiinis ako sa sarili ko dahil wala 'manlang ako sa tabi nya, ni hindi ko manlang sya natulungan 'non. I can imagine her fear.

Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko. "You're strong, Allyson. I know you can do it." Ramdam sa boses ni Ian na nalulungkot din sya para sa akin.

Hindi. Hindi ko na kaya.

"Ni-lock ko yung room kung nasaan sila kaya hindi sila makakalabas hangga't wala ang mga magulang nila." Tumango lang ako habang palihim pa din na umiiyak. Pinunasan ko ang luha ko at umayos ng tayo.

Hindi pwedeng maging mahina ako, hindi pwedeng laging umiiyak ako.

Lumunok ako at akmang mag lalakad na ng mag salita si Ian. "Kaya pala ako nag punta dito dahil may nais akong sabihin sa'yo..." Huminto sya saglit ngunit nag patuloy din. "Yung magulang ni Isac nag pla-plano na ihinto na ang buhay ni Isac." Doon ako tumingin.

"Dalawang taon na syang coma, nawawalan na din sila ng pag-asa na magigising pa ang anak nila. Sa last na check up ng Doctor sa kanya ngayong linggo na darating ihihinto na." Napapikit ako sa inis.

"They canno't do that!" Asik ko.

"Hindi ka din pwedeng pumunta sa hospital at kausapin sila tungkol doon. Hanggang ngayon ikaw pa din ang sinisisi nila kung bakit nangyare iyon kay Ian." Huminga ako ng malalim.

Isa si Isac sa mga membro ng fraternity na binuo ko. He's my co-leader. Mayaman sya, super yaman ngunit huli ko na ng malaman iyon.

Napakatanga ko dahil hindi ko manlang chineck ang backround ni Isac at basta-basta nalang syang isinali. Senator ang Mommy ni Isac kaya ng malaman nya na kasali ang anak nya sa ganitong grupo binalak nitong ipatumba ang samahan namin, pinahuli nya kami sa pulis.

16 pa lang ako 'non habang 18 na ang anak nya. Kung saan saan kami nag tago, nag tago kami sa isang bundok at nag tagal iyon ng dalawang linggo ngunit hindi namin inaasahan na masusundan kami doon.

Sobra ang kaba ko dahil habang tumatakbo kami ang nasa isip ko ay si Papa, ano ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nya na ang inampon nyang bata ay may ganito palang sinasalihan na grupo. I know he will be disappointed in me.

Kaya hindi ko namalayan na nabaril na pala si Isac sa likod ko, nag pagulong gulong sya hanggang sa tumama ang ulo nya sa malaking puno. Grabe ang takot na naramdaman ko, madilim 'non ngunit kitang kita ko kung papaano mangyare, wala na akong pake kung mahuli kami ng mga pulis at ang tanging gusto ko lang mangyare ay maligtas sya.

Ngunit makulit si Isac, pinilit nya pa kaming tumakas, magagalit daw sya sa akin sa oras na mahuli kami. Iwan nalang daw sya dito dahil hindi naman sya pababayaan ng Mama nya, at hindi pa din nito makakayang ipahuli sya.

Pero hindi pa din ako pumayag kaya napilitan na si Isac na utusan si Ian na kargahin ako at paalisin, sigaw ako nang sigaw 'non ngunit wala na akong magawa dahil tuluyan na kaming nakalayo. Ang huling nakita ko nalang pinapalibutan na sya ng mga pulis.

Napaupo na ako sa sahig. "P-pumayag ako na hindi na sya bisitahin dahil iyon ang utos nila sa akin, pinahamak ko daw ang anak nya at hindi na daw ito mabubuhay kung nasa tabi ako nito...."

"P-pero ito ako, lumalayo na. Ni hindi ko manlang nabisita si Isac kahit isang beses sa ospital at anong gagawin nila? Papatayin na nila? Ititigil na nila ang buhay dahil nawalan na sila ng pag-asa?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now