Chapter 14: Roseanne

12 0 0
                                    

FRANCHESCA ALLYSON POV

Naglalakad ako ngayon sa corridor papunta sa locker ko, ngayon ko lang natanggap ang susi ko sa locker kaya't ngayon ko lang mailalagay ang mga gamit ko. Ang SSG president ang nag bigay sa akin.

At nakakatawang isang Roncal din pala ang SSG. Percy Iñigo Roncal. Pati anak may gampanin na din sa MIS, astig.

108
Young, Franchesca

Binuksan ko ang locker ko at doon inilagay ang mga libro na kailangan namin sa susunod na linggo, the book is expensive. Mabuti nalang at scholar ako kaya't wala akong binayaran kahit piso.

"Allyson." Hindi ko na napagpatuloy ang ginagawa ko ng may tumawag sa akin. It was Kryshna.

Nakangiti sya sa akin habang palapit sa pwesto ko, may dala din syang libro.

"Nandito ka din pala." Tumingin sya sa loob ng locker ko. "Nakuha mo na din ang mga libro mo?" I nodded.

"Saan ang locker mo?" Tanong ko dahil mukhang nasa malayo ito.

Tinuro nya ang pinakadulo. "Doon pa, pinakahuli sa MIS kids." Sagot nya.

"Samahan na kita?" Aya ko. Tumango sya kaya binilisan ko ang ginagawa ko, nakasunod lang ako sa kanya habang nag lalakad sya sa unahan ko.

Ngunit nagulat ako ng nan'don si Percy Iñigo pagdating namin. Sumulyap din sya sa amin ng maramdaman ang pagdating ngunit pinagpatuloy nya lang ang pag-aayos ng kanyang locker. Hindi ko maiwasan mailang. Baka bigla nya na namang i-bully si Kryshna.

Pinanood ko lang na buksan ni Kryshna ang locker nya habang tahimik kaming tatlo na nandito sa pinakadulo, awkward ang nangyayare lalo na't may naririnig na akong kuliglig.

"Bakit may mga extra white t-shirt kang nakalagay dyaan?" Hindi ko na mapigilan na magtanong dahil dalawang white t-shirt ang nakita ko na nakalagay sa locker nya.

Pinagmasdan ko naman ang reaksyon ni Kryshna, mukhang hindi sya comfortable sa tinanong ko, bahagya din syang sumulyap sa katabi nya kung saan nan'don si Roncal.

"Dahil lagi syang tinatapunan ng tubig at ng kung ano pa." Napatingin ako kay Roncal ng sya ang sumagot.

Patuloy lang naman sya sa ginagawa nya ngunit alam kong nakikinig sya sa usapan namin. What do you mean lagi syang tinatapunan? Baka sinasabi mo lagi ko syang tinatapunan ng tubig at ng kung ano-ano pa. 

"Tss." Humarap ako kay Kryshna.

"Bakit mo naman hinayaan na ganunin ka? Dati pa ba yun?" Tanong ko kahit obvious naman na.

Sinarado ni Kryshna ang locker nya at humarap sa akin, matamis syang ngumiti.

"Done. Tara na?" Aya nya. Huminga ako ng malalim at tumango nalang.

Ngunit bago ako sumunod kay Kryshna nilingon ko ulit ang pwesto ni Iñigo Roncal sa likod ko, nakatingin na din sya sa akin ngayon habang walang reaksyon ang kanyang mukha.

Pinakyuhan ko sya bago tumakbo at humabol kay Kryshna.

Nandito na kami sa room at nag aantay nalang ng teacher, hindi ko maiwasan mapalingon sa pwesto ng mga matapobre dito dahil ang ingay nila. Akala ata nila sila lang ang nandito sa room na ito kung makapag ingay.

Nakaupo sa lamesa si Kimberly habang kaharap nya si Nicholas, malakas ang tawa nito na tila nag jo-joke si Nicholas. Si Jovelyn naman ay busy sa notebook nya at nag babasa. Si Lourane naman ay kausap si Danloue malayo sa mga kasama nila. Nang napatingin ako sa pwesto ni Jackson ay nag tama ang mga mata namin.

Ilang segundo din kaming nag sukatan ng tingin hanggang sa lumapit sa kanya si Iñigo at inakbayan sya, sumulyap din ito sa akin na para bang nakita ang titigan namin ni Jackson.

Nawala ang paningin ko sa kanila ng pumasok si Mrs. Tiffany Roncal, sa likod nya ay may isang babaeng student. Maliit ito at mukhang tahimik, nakayuko lang hanggang sa mapunta sa harapan namin.

Ito ata yung transferee na naririnig ko, usap-usapan kase sya.

"Goodmorning, class. I'm your principal, Mrs. Roncal. Gusto ko lang malaman nyo na you will have another classmate in this batch." Anunsyo nito.

Rinig ko ang pag-singhap ng mga mayayaman at pag-alma nila.

"May basura na naman?"

"Pinagmamasdan ko palang sya alam ko na na isa syang scholar. Poor."

"Easy to bully mga pre."

"Grabe, iilan pa nga lang ang scholarship na nandito nandidiri na ako tapos may dumagdag na naman."

"Sana paalisin nila Jovelyn yan."

Hindi ko sila maintindihan. Umaarte sila na para bang isang sakit ang maging scholar. Kung ayaw nila ng mga mahihirap ay sana nag suggest sila kay Mr. Dela Torre na huwag ng mag papasok ng mga katulad namin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa harap kung saan nandon ang babae. Morena ito at hindi gaanong katangkaran, medyo kulot ang buhok. Base din sa itsura nya mahahalata mo agad na tahimik sya.

"Akala ko ba tapos na ang enrollment para sa scholarship? Bakit nakapasok pa yan." Pag-alma ni Lourane, nakahalukipkip ito na pinagmamasdan ang ina.

"Because she's qualified." Simpleng sagot ni Mrs. Principal.

Hindi ko maiwasan pagmasdan silang mag ina, grabe. Halatang halata na hindi sila mag kasundo, I wonder bakit kaya?

Ngayon ko lang nakita si Ms. Principal, masyado syang maganda sa paningin ko ngunit tulad ni Lourane, sigurado akong ganun din ang ugali nya tulad ng kanyang anak. Mana mana lang ba.

"Do you think she's pretty?" Napatingin ako sa tabi ko ng mag salita si Danloue.

Tumaas ang kilay ko. "Why? You find her pretty?" Balik na tanong ko.

Ngumiti naman sya at mahinang humalakhak. "Ikaw lang naman ang maganda sa paningin ko." Sagot nya.

Ngumisi din ako pabalik. Ewan ko nalang kung masasabi mo pa yan sa akin kapag tumagal na ako dito.

"Please introduce your name." Tumango ang babaeng nasa harapan. "Hi, I'm Roseanne Lopez, 18 years old. From Tondo, Maynila. I only have one talent and that's dancing." Pagpapakilala nito.

Umawang ang labi ko. She's from Tondo, Maynila? Doon ang tirahan ni Tay Caloy at doon na din ako tumira. Lopez? Madaming Lopez sa Tondo at sana, hindi ito isa sa kalaban na fraternity ni Caloy.

Because if she is. I will kill her here.

Hindi purke't pinili ko ang pangarap ko kakalimutan ko na ang layunin ko sa fraternity, layunin ko ang patayin lahat ng hahadlang sa grupo namin.

"Hey, I have something to tell you." Humarap ako sa katabi ko.

"Hmm?"

"Pwede bang huwag mo ng awayin ang kapatid ko?"

Sandali akong natigilan. Narealized ko din na protective si Danloue pagdating sa kapatid nya. Mabait naman ang lalaking 'to, ngunit hindi sa mga taong naka-kalaban ng kapatid nya.

Kaya lumaking spoiler brat si Kimberly dahil sa kanya at ng tatay nya.

"Sige, pero huwag nya na ding awayin si Kryshna. That's easy."

Tumaas ang kilay nya at mahinang natawa, umiling din ito. "Why would we do that? Kryshna deserve to be bully, her family is so damn liar and thief." Natatawang sagot nito.

"Sumama ka nalang sa amin, you will be famous. Nobody would bully you like Kryshna. I can make you my queen too and they will respect you." Dagdag nya at ngumiti sa akin.

Doon naman ako natawa, napalakas ata ang tawa ko kaya't napatingin lahat sa akin. Maski ang Principal ay tumingin sa gawi namin. Tumigil ako at inilapit bahagya ang mukha ko kay Danloue.

"I can be a queen without no king, Danloue. I can shine alone."

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now