Chapter 01: ALLYSON POV

44 2 0
                                    

FRANCHESCA ALLYSON POV

Nakangisi kong inabot ang registration ko sa counter ng MIS. Nandito ako sa MIS para mag pasa ng registration. Baka palarin at makapasa ako.

MIS DATA REGISTRATION

Name: Franchesca Allyson Young

Age: 18

Birthday: December 05, 2000

Nationality: Filipino

Born in: Cruz Hospital

Name of school in Elementary: Jose Elementary School

Name of School in High School: Park High School

Talent: Singing, Modeling, Dancing.

Name of Guardians: Radin Young

Pahirapan pa ako makakuha ng registration dahil sa sobrang daming kumuha na estudyante, muntik pa akong maubusan at buti nalang may nag back up na isang estudyante dahil nag bago na daw ang isip nya.

Sabi nila tatawagan nalang daw kami kung sakaling makapasa, at kung matawagan ako ay required daw na pumunta dito ulit para tignan ang talento mo. Tss.

I-interviewhin ka din ng kung ano-ano kaya't nakakakaba din. Lalo na kapag tinanong kong bakit sa Cruz Hospital ako ipinanganak ga'yong mahirap lang naman ako. Ang Cruz Hospital ay isa sa pinaka mahal na Hospital sa Pilipinas.

Tanging mga mayaman lang ang kayang mag punta doon.

Kung sakaling tanungin ako tungkol doon siguradong hindi ko din naman masasagot, namatay ang Nanay ko sa pag papa-anak sa akin, kaya't ng mapunta ako sa orphanage ay nakita ako ni Papa makalipas ang ilang linggo.

Sobrang liit ko pa 'non, kaya't doon na naisipan ni Papa na ampunin ako, hindi daw ako bagay sa orphanage nung panahong 'yon dahil sobrang liit ko daw. Pakiramdam nya hindi ako maaalagaan ng maayos.

Nag lakad na ako palabas ng school ngunit napatingin ako sa gilid kung saan nandon ang opening court ng school na ito. Sobrang lawak nito kaya't maganda mag laro dito ng volleyball, badminton.

Naikot ko na din pala yung University na ito. At wala akong ibang reaksyon kun'di mapanganga sa bawat lakad ko sa loob na ito. Napakaganda, wala akong masabi.

Napahinto ang tingin ko sa isang babae na nag lalakad mag isa. Umawang ang labi ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excite.

I know her.

Sino ba namang hindi makakakilala sa nag iisang anak ni Annie Rose Panizarez na dating principal ng school na ito. Kilalang kilala ko sya dahil madalas ko syang laging makita sa television.

She really looked like an angel.

Walang pumapansin sa kanya na mga estudyante dahil nga sa issue ng pamilya nila, na hanggang ngayon ay tingin pa din sa kanila ay isang mag nanakaw at mamamatay tao.

Pinagbintangan kase ang pamilya nila na ninakaw nila ang pondo ng paaralan na ito. Hindi ko lang alam kung totoo iyon o haka-haka lamang. Meron din kaseng mga tao na kahit walang sapat na ebidensya gumagawa sila ng mga bagay para lang makasira ng tao.

Gusto ko sana makipag usap sa anak ni Annie Panizarez at makipag kaibigan ngunit para saan? Ang isang mayaman na kagaya nya ay hindi kailanman makikipag kaibigan sa isang dukhang kagaya ko.

Alam ko naman ang reality na iyon. Never na makikipag kaibigan ang mga mayayaman sa hindi nila ka-level.

Kaya kung sakaling makakapasok 'man ako sa paaralan na ito hindi na ako aasa na maging kaibigan ko ang mga mayayaman dito, lalo na ang MIS kids. Umiling iling nalang ako saka nag patuloy sa pag-alis sa paaralan na ito.

Nakarating ako sa tondo ng alas tres ng hapon, kanya kanyang bati sa akin ng mga tambay ngunit hindi ko nalang sila pinansin. Walang emosyon lang ang mukha ko habang pinagpatuloy ang paglalakad.

Lumiko ako sa isang masikip na iskinita, ng makalabas ako ay sa ilog na ang naabutan ko. Sa gilid 'non ay ang mga lalaking nag susugal. Halos lahat sila napatingin sa akin ng maramdaman nila ang pagdating ko.

Wala naman kaseng mga ibang tao ang makakapasok sa teretoryo na ito, walang nag pangahas na pumasok sa iskineta na ito. Dahil ang makakapasok lang dito ay ang mga kasali sa gang.

Lumapit sa akin si Ian. "Kakalabanin mo ba si Caloy?" Tanong nya sa akin ngunit hindi ko sya sinagot.

Nag tuloy lang ako sa paglalakad at nilagpasan ang mga nag susugal. Tumawid ako sa isang tulay kung saan nandon ang maliit na kweba na aming pinag titirahan. Ramdam ko ang pagsunod ni Ian sa akin.

"Mainit ang ulo ni Caloy ngayon, huwag mo na sanang dagdagan pa." Rinig kong sambit nya mula sa likod.

Ang Caloy na tinutukoy nya ay ang leader ng Gang na ito. Halos buong tondo ay kilala sya bilang malupit at walang awang pumatay. 40 years old na ito at walang anak.

Si Ian ang naka-babata nyang Kapatid. 20 na si Ian ngunit kasing edad ko pa din kong mag isip.

Hindi nga ako nag kamali at naabutan ko si Caloy na ngayon ay galit na galit at pinag babato ang mga upuan sa loob.

"Umaga kayo umalis ngunit ito lang ang nakuha nyong pera?! Anong klaseng mga mag nanakaw ba kayo, ha?!!" Hindi na ako kumurap ng makita kong sinampal nya ang lalaking nasa harapan nya.

"Caloy, nandito si Fran." Agad nag tama ang mata namin ni Tay Caloy.

Kumunot ang noo ni Caloy ng makita ako at mabilis nya akong tinutukan ng baril. Hindi naman ako nag patinag at walang emosyon lang na pinagmamasdan sya.

He really looked stress right now.

Dalawang buwan na akong hindi nag papakita sa kanila kaya't alam kong galit na galit si Tay Caloy sa akin, lalo na ngayong wala syang pera na maaasahan na makuha sa pagnanakaw nila.

"Anlakas mong mag tungo dito, akala ko ba tumiwalag ka na?" Maangas na tanong nya at ibinaba ang baril na nakatutok sa akin ng makita nyang hindi naman ako natakot.

Yumuko ako at ngumisi, nag angat ulit ako ng tingin sa kanya. "Kailanman wala akong sinabing ganyan. Memory loss due to your age?" Biro ko ngunit mas lalo ata syang nagalit.

"40 palang ako!" Sigaw nya sa akin.

Tumango tango ako at pinipigilan ang pag-ngiti. "Dito muna ako pansamantala hangga't hindi pa ako nakakapasok sa school na papasukan ko." Paalam ko.

Natawa si Ian sa tabi ko. "Wala ka namang mapupuntahan na iba kung hindi dito lang, e. Sayang ang buhay mo na iniwan mo sa Korea." Umirap ako.

Tanga ba sya? Pinili ko ang buhay ko dito kesa sa marangyang buhay ko sa Korea dahil mas gusto ko dito.

Ayoko ng magulo. Ayokong maugnay sa mga mayayaman, gusto kong yumaman ng sariling pag-sisikap ko at hindi dahil sa kung sino o pamilya ko.

Gusto ko makilala ako sa ako, at mangyayare lang yun kung makakapasok ako sa MIS. I will have many opportunities if I will study there.

Lumapit ako sa lamesa at binuksan ang nakatakip doon. "Wala bang kanin at ulam? Nagugutom na ako." Nakangusong ani ko.

Pinagmasdan ako ni Tay Caloy bago umirap at may hinagis na 50 pesos kay Ian. "Bumili ka ng kanin at ulam doon. Dalian mo!" Utos nito.

Ngumuso si Ian at tinanggap yon. "Kapag kami nagugutom hindi mo kami binibilhan, favoritism ka, ah. Purket si Fran ang nag iisang babae rito sa frat natin..." Akmang babatuhin na ni Tay Caloy si Ian ngunit tumakbo na ito ng mabilis.

Tumingin si Tay Caloy sa tatlong ugok na pinagagalitan nya kanina. "Ano pang hinihintay nyo? Ali's na!" Sigaw nito at mabilis silang lumabas.

Nang kaming dalawang nalang ni Tay Caloy na nandito ay tumingin sya sa akin. This time may pag-aalala na.

Mahilig pumatay si Tay Caloy kapag alam nyang walang kwenta na ang buhay ng isang tao, laging galit sa mundo, may anger issue ngunit sya at ang Pàpa ko lang ngayon ang makakapag katiwalaan ko.

Malaking tulong sa akin na lumaki ako sa poder ni Tay Caloy kahit papaano, natuto akong lumaban at kailanman hindi nag pa-api. At pasasalamatan ko sya dahil 'don.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now