Inikot ko sa buong school si Ian, una ko syang pinunta ay sa malaking gymnasium, dalawa kase ang gymnasium na nandito ngunit ang isa ay hindi na ginagamit dahil masyado ng maliit kaya't minsan doon tumatambay ang ibang mga estudyante.
Ngunit mali atang ipinunta ko rito si Ian dahil nandon ang MIS kids sa dulo ng gymnasium na ito. Nag tatawanan sila at mukhang hindi pa kami napapansin.
"They looked expensive." Wika ni Ian. Pagtingin ko sa kanya ay nandon na din ang atensyon nya sa MIS kids.
Nandon ang Roncal twins, Kimberly, Danloue, Nicholas, Jackson, and Jovelyn Dela Torre.
Pinagmasdan ko ang Dela Torre na babae. Kalmado lang ang reaksyon nya habang nakikinig sa kwento ni Nicholas at Lourane. Mukha syang and spoiled. Kailanman hindi ko sya nakitang mang-bully ng mga estudyante, maliban nalang nung pinatid nya si Kryshna.
Kasama nya lagi si Lourane and Kimberly pero hindi ko syang nakitang sumama na mang-bully, lagi lang syang nasa likod nito at pinagmamasdan ang mga pang-bubully ng kaibigan nya. Kaya hindi ko maintindihan kung gusto nya ba ang mga ginagawa ng kaibigan nya o hindi, e. Kase wala naman syang ginagawa.
Siguro ganun talaga ang mga Dela Torre, mysterious. Hindi mo alam kung kalaban o ka-kampi ba sila. Because in the end kung ikaw ang matatalo iiwan ka nila para ikaw lang ang mapunta sa ibaba.
"May natitipuhan ka sa kanila?" Seryosong tanong ko.
Umiling sya. "Wala." Tumingin sya sa akin habang nanatili ang tingin ko sa pwesto ng MIS kids.
"Ikaw ba meron?" Tanong nya.
Hindi ko alam pero biglang nag tama ang mata namin ni Jackson Lim, nawala ang ngiti sa labi nya ng makita ako. Kita ko ang pag baling nya ng tingin sa kasama ko.
"Wala. " Umiwas na ako ng tingin.
"Ayoko sa mga mayaman, they are dangerous." Wika ko at naunang mag lakad.
Ngunit kahit nag lalakad na ako paalis ramdam ko pa din ang tingin ni Jackson mula sa likod ko. Malakas ang pakiramdam ko kaya't alam kong sya ang nakatingin sa akin.
Sunod naming inikot ni Ian ang mga corridor ng bawat floor. Kita ko sa mga mata ni Ian ang pagka-mangha. Nakakaawa lang dahil sa edad na 20 years old hindi manlang sya nakapag tapos ng pag-aaral.
"Ni minsan ba hindi mo naisip na mag aral ulit?" Curious na tanong ko.
Kilala ko si Ian bilang masiyahin na lalaki, I met him when I'm 16 years old. Hanggang ngayon wala pa din syang pinagbago, masiyahin pa din kahit andaming kulang sa buhay nya.
"Hindi na. Dati gusto ko, kase gusto kong yumaman pero hindi din naman pala lagi solusyon ang pagyaman sa paaralan. Nasa sa'yo na yun at diskarte mo." Tumango tango pa sya na para bang proud sa sinabi mo.
Ngumisi sya sa akin. "Tignan mo ako ngayon, lumaking mag na-nakaw at sobrang yaman na." Pinandilatan ko ang mata nya dahil pinag tinginan sya ng mga tao sa sinabi nya.
Agad ko syang hinila sa kamay dahil tumawa sya ng malakas, nakakainis 'to. Hindi marunong mahiya, anlakas tumawa kahit nasa public place.
Habang hila hila ko sya ay bigla kaming napahinto ng nasa harap namin si Mr. Dela Torre, may kasama syang mga tauhan nya ata at ilang mga teacher.
Nanlaki ang mata ko at biglang kinabahan, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Shit! Kaharap ko ngayon ang makapangyarihan sa MIS. Bakit ngayon pa na kasama ko si Ian?
Bali-balita kase na masungit ang mga Dela Torre na ito. They so strict to the point na madaanan mo lang at hindi ka bumati suspended ka na agad.
"What are you doing scholar? 10 minutes we're going to start the class bakit nandito ka pa sa labas?" Mataray na sambit ng isang teacher na si Ms. Joyce Lim.
Bumuka ang bibig ko para sana mag paliwanag ngunit hindi ko na itinuloy. Why would I open my mouth?
"Hahatid ko lang 'to." Bastos na sagot ko. Lahat ay napasinghap sa narinig.
Marahil ay hindi inaasahan ang bastos na pag-sagot ko sa isang teacher.
"What kind of student is this? Scholar pero ganyan ang ugali. You shouldn't hire that kind of kids, Mr. Dela Torre." Rinig kong sambit na kasama ni Mr. Dela Torre.
Nang tumingin ako kay Mr. Dela Torre bahagya pa akong natigilan dahil kanina pa pala sya nakatingin sa akin, blangko lang ang mukha nya habang pinagmamasdan ako.
Ang weird nya dahil kahit alam nyang nakatingin na ako sa kanya hindi pa din nya inaalis ang tingin sa akin, bigla tuloy akong kinabahan. Tangina.
"Mr. Dela Torre?" Doon na nawala ang atensyon nya sa akin. Bumaling sya sa tumawag sa kanya ngunit agad ding bumalik ang tingin sa akin.
"What's your name?" Tanong nya.
Nag katinginan kami ni Ian. Marahil nag tataka bakit nya pag-aaksayahan ang isang scholar na tulad ko?
"Allyson." Simpleng sagot ko.
"Full name please." Dagdag nya.
Pasimple akong umirap. "Franchesca Allyson Young." Sagot ko.
Ngumisi sya. "That's not your full name." Doon na nag salubong ang kilay ko.
Marunong pa sya sa akin!
Ngumisi din ako. "Kung alam mo naman pala ang buong pangalan ko sana hindi mo na tinanong." Huli na ng marealized ko ang sinabi ko.
Shit! Goodbye scholarship na ata ako.
Nanlaki ang mga mata ng kasama nya ngunit nanatili naman ang reaksyon ni Mr. Dela Torre na para bang hindi na nagulat sa sinabi ko.
"Feisty huh, just like your father." Doon na ako natigilan.
Ngumisi sya. "Your father is Radin Young, am I right?" Nanlaki ang mata ko. Pati si Mrs. Lim ay ganun din ang reaksyon na tila ba kilala nila ang Papa ko.
Paano nila nakilala ang Papà ko? Biglang may pumasok sa utak ko, no. Hindi. Ayokong isipin na ganun nga.
"W-what? Tatay nya ang lalaking 'yon?" Usal ni Mrs. Lim.
Nag tagal ang tinginan namin ni Mr. Dela Torre. Nang makita nya ang pagtatanong sa aking mukha nag salita ulit sya.
"It's just a simple, Allyson. Because your father is part of this school before. He studied here at bumalik sa Korea matapos maka graduate." Dagdag nya.
Ang dalawang kamay nya na nasa bulsa ay inilabas nya, humakbang sya ng dalawang beses palapit sa akin. Pinagmasdan nya ang mukha ko ng malapitan, ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang mata nya.
May emosyon akong nakita, hindi ko nga lang alam kung para saan.
"Do you know that your Father has sinned greatly at me?" Seryosong tanong nya. Kumuyom ang kamao ko ngunit hindi nag salita.
Lumapit pa ang mukha nya hanggang sa nasa gilid na sya ng tenga ko. "By the time I see him here, standing inside this MIS I will not hesitate to kill him. Hindi ko gusto ang ginawa nya sa akin." Iyon lang ang huling sinabi nya bago mag lakad at iwan ako dito.
Sumunod ang mga kasama nya at hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni Mrs. Lim. Pinagmasdan ko lang silang mag lakad palayo sa amin.
Mr. Nelmar Dela Torre. Dela Torre. They're really an asshole.
Do you think I would let that happen, huh? Ako muna ang papatayin mo before you can kill my father.
Ililista kita sa mga ibabagsak ko. Wait and let see what will happen next.
"Anong sinabi nya sa'yo?" Nakalimutan ko na kasama ko pa pala si Ian.
Umiling lang ako. "Umuwi ka na, pakisabi kay Caloy na hindi ako makakauwi sa inyo ngayon." Sambit ko lang at doon na nag salubong ang kilay nya.
"Baka naman ilang buwan na naman yan hanggang sa makabalik ka." Paratang nya sa akin.
"Hindi na kita maihahatid hanggang labas, start na ng klase namin." Tumango nalang sya at nag simulang mag lakad paalis.

YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mystère / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...