IÑIGO RONCAL POINT OF VIEW
"Mom, Lourane is missing!" Paulit-ulit na sambit ko sa kanya.
Isang linggo na ang nakalipas ngunit wala pa din ginagawang aksyon si Mommy, hindi ko na alam! Kalmado lang sya at mas inaabala pa ang darating na festival sa susunod na linggo.
Humarap sa akin si Mommy, nang makita nya ang pag-tulo ng luha ko hinawakan nya ang dalawang balikat ko upang pakalmahin. Halo-halo na ang nararamdaman ko, gustong gusto ko na makita ang Kambal ko. Asaan na sya at kung anong ginagawa nya ngayon?
Is she doing well?
"Don't worry, Iñigo. Darshna and Doc. Clark are trying to find Lourane. Hindi ako pwedeng sumama dahil inutos nila sa akin na kailangan ng mga official sa MIS para sa darating na festival. I trust them. You should too."
"I trust the Panizarez, Mom. But how can I trust Mr. Lim?" I asked.
Marahan syang ngumiti. "Clark Lim is so inlove in Darshna Panizarez since the very beginning. He always admire Darshna from afar. Mailap si Darshna sa mga tao 'non kaya wala na din syang chance na mapalapit pa rito..."
"Kaya alam kong hindi nya sasayangin ang chance na ibinigay ni Darshna sa kanya ngayon, he will never betray Darshna Panizarez. Sa dami ng iba't ibang klase ng pagmamahal sa buong MIS na nakita ko. Clark Lim loves for Darshna is so pure."
Tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Gayahin mo sya." Umiling ako."I will not marry someone I don't love dahil lang hindi kami nag katuluyan ng mahal ko, Mom." Sagot ko sa kanya.
Ayoko ng ganun. Kung hindi si Allyson ang makakatuluyan ko then I will die being a single. Hindi ako mag pa-pakasal sa ibang babae dahil lang hindi ko nakuha ang babaeng mahal ko.
It's Allyson or no one.
Ngumiti si Mommy sa akin. "Ah, my son is a man now, huh?" Ngumiti din ako.
Tinapik nya ako. "You should go to sleep now, maaga pa ang pasok bukas." Tumango ako at hinalikan sya sa pisngi bago mag tungo sa kwarto ko.
Binuksan ko ang laptop ko at naupo sa study table, balak ko pa sanang gawin ang presentation na project namin ngunit naisipan ko na sa susunod nalang, 2 months pa naman ang due date 'non.
Ite-text ko sana si Freziah ngayon dahil baka napagalitan sya ni Daddy ngunit napako ang tingin ko sa email na kararating lang. Binuksan ko iyon.
노실라@gmail.com
Miss me?
노실라@gmail.com
I miss you.
Biglang may naramdaman akong ka-kaiba, pumikit ako ng mariin bago isarado ang laptop ko.
Dalawang buwan na din simula ng maka-recieve ako ng ganitong mga email, wala naman akong nireplyan na kahit isang message dahil wala na din naman akong gana. Busy ako sa mas maraming bagay ngayon.
Nilinaw nya na ang mga nasa isip nya at ganun din ang sa akin.
Kinabukasan, 5:30am pa lang nandito na ako sa MIS, wala pang gaanong estudyante ang nandito at madilim pa ang mga dinada-anan ko. Napatingin tuloy ako sa paligid.
Pakiramdam ko may nakatingin sa akin...
Ipinilig ko ang ulo ko kahit kinakabahan na ako, what if ito yung mga lalaking kumidnap sa akin? Umiling ulit ako. Hindi naman siguro, kilala ko kung sino ang gumawa 'non sa akin. It was Danloue and Nicholas.
Kung sa tingin nila natakot ako sa ginawa nila then think again.
Napagdesisyonan ko na pumunta nalang mu'na sa music room, nasa akin ang susi kaya mabilis kong nabuksan iyon. Sa akin iniiwan ng mga teacher ang lahat ng susi sa bawat room dito. Ako din ang nag bu-bukas tuwing umaga kaya kailangan maaga akong pumasok.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mystery / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...