Maaga akong nagising kinabukasan, pagbaba ko palang nakaabang na agad sa akin si Tita na ipinagtaka ko. Inilapag ko ang bag ko sa sala bago nag tungo sa dining para kumain.
Mabilis akong humalik sa pisngi ni Mom. "Goodmorning ho." Ganun din ang ginawa ko kay Lola.
"Saan ka galing kagabi?" Doon ako natigilan at humarap kay Tita. Seryoso ang mukha nya at makikitaan ng galit ngunit hindi naman ako kinabahan.
"Huh?" Patay malisya na sambit ko.
"Kagabi, saan ka nag punta? 9 pm ng lumabas ka, Allyson! Huwag mong sabihin mag sisinungaling ka?" Nagkatinginan kami ni Mom dahil sa inasal ni Tita Annie.
"Nag punta sa kaibigan ko." Sagot ko bago umupo sa tabi ni Mommy.
"Hindi ka maaaring lumabas kapag gabi na Allyson! Gusto mo bang matulad sa Pinsan mo, ha?! Ingatan mo naman ang sarili mo dahil todo ang pag-iingat namin sa'yo!" Sigaw nya.
Nag salubong ang kilay ko. "Nag iingat ako, okay?! Kaya kong protektahan ang sarili ko kaya huwag ka ng maingay dyaan!" Inis na singhal ko.
Ito ang pinaka ayaw ko, umagang-umaga ang ingay ingay, kaya iniwasan ko din na mag karoon ng kasama sa bahay, masyadong maingay. Kahit doon sa lugar ni Caloy, mabuti nalang at takot sila sa akin.
Alam nilang hindi sila pwedeng mag ingay kapag bagong gising ako.
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Hayaan muna ang Tita mo. Nag aalala lang talaga kami sa'yo, ayaw naming matulad ka kay Kryshna. Ikaw nalang ang babaeng aalagaan namin ngayon." Kita ko ang pag-usbong ng luha ni Mom kaya ngumiti ako.
"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad.
Bumuntong hininga si Lola. "Maupo kana at kumain Annie. Panget ang pumutak nang pumutak kapag umaga." Suway nito sa kanyang anak.
Nag katinginan kami ni Tita ngunit kalmado na ulit ang itsura nya, nangilid ang mga luha nya ngunit agad nyang pinunasan iyon.
Tumayo na ako. "Mauuna na ho ako." Paalam ko at kinuha ang bag ko.
"Ihahatid na kita. Sabay kaming papasok ni Darshna." Napatingin ako kay Mom ng sabihin ni Tita iyon.
May trabaho na sa MIS si Tita? Akala ko ba tinanggihan nya yung position na iniwan nya sa MIS?
"Hindi na, commute muna ako ngayon." Pagtapos kong sabihin iyon hindi ko na hinintay ang sagot nila at lumabas na.
Nag lakad pa ako hanggang sa buksan ko ang gate, ngunit sumalubong agad sa akin ang isang lalaki na naka motor, nakasandal sya sa motor nya habang nakatingin sa hindi kalayuan, nang makita nyang bumukas ang gate agad syang sumulyap sa akin at umayos ng tayo.
"Ayaw ako papasukin ng guard nyo dahil Roncal ako, marahil inutos ni Ms. Annie kaya dito nalang ako nag antay." Ngumiti sya.
"Let's go?" Nag salubong ang kilay ko.
"Anong ginagawa mo rito?!" Singhal ko sa kanya.
Nababaliw na ba talaga ang isang 'to? Oo nag papanggap kami ngunit hindi naman as in totoong totoo no!
"Iniwan ko ang Kapatid ko sa bahay at sinabing susundin kita para mas mapaniwala sya na girlfriend kita." Pagkwento nya.
"So, anong gagawin ko? Kasalanan ko?" Ani ko.
Bumuntong hininga nalang sya habang nakangiti at kinuha ang bag ko na nakasukbit sa balikat ko.
"Huwag ka na ngang mag salita, sumakay ka nalang sa motor. Siguradong nag aantay ang mga barkada ko sa parking lot. Mamayang lunchtime din doon ka sa pwesto namin para makilala mo sila." Sabi nya na para bang pinag-planuhan nya na talaga.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Misteri / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...