FRANCHESCA ALLYSON POV
Madaling araw na ng maisipan kong bumaba upang uminom ng tubig, hindi ako makatulog. Dinadalaw na naman ako ng insomnia ko, sobrang dilim na sa pasilyong nilalakaran ko ngayon. Di-diretso na sana ako sa kusina ng may marinig ako na ingay sa labas ng bahay.
Kumunot ang noo ko. Napagdesisyonan ko na tignan ito, nakabukas ang pinto namin dito kaya mas lalo akong nag taka, ngunit ng tuluyan akong makalabas naabutan ko si Tita Annie at Mr. Dela Torre.
Nakatalikod sa akin si Tita kaya hindi nya ako nakikita, ngunit kita ko si Mr. Dela Torre na namumugto ang mata.
"Annie please..." Pakiusap nito.
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila ngunit base sa itsura ni Mr. Dela Torre mukhang dito na matatapos ang lahat.
"Why would I listen to you? Pinakinggan mo ba ako ng sinabi kong huwag kang mag pakasal sa iba?" Mapaklang sambit ni Tita.
Nakaramdam ako ng kirot ng marinig iyon. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa love story nila na para bang parte ako nito. Tss. Kakabasa ko lang siguro ng mga romance books 'to.
Paulit ulit na umiling si Mr. Dela Torre. "I did that to protect you." Sagot nito.
“If marrying someone means you can protect me then I don’t need that Nelmar!" Madiin na wika ni Tita.
Hanggang sa marinig ko na din ang pag-iyak ni Tita. Nakayuko sya habang hindi naman inaalis ni Mr. Dela Torre ang tingin kay Tita Annie.
"W-we have a daughter that time. She's a fucking 2 years old. I asked you to come with me at tumira kasama namin pero sinabi mong hindi pwede dahil walang maiiwan sa MIS. May posisyon pa ang Papa mo that time Nelmar. You're just excusing."
"No. It's really true. Hindi pa humuhupa ang mga issue tungkol sa inyo 'non, Annie. They still blaming you for all that happened in MIS. Kailangan lang mawala iyon sa oras na maging Director ako. At ngayong natupad ko 'yon gumawa ako ng batas na hindi na pwedeng may mag banggit ng masasama sa iyo at sa pamilya mo. Even the student. Inaantay ko lang ang panahon at bubuksan ko ulit ang kaso ninyo tungkol sa pagkawala ng malaking pera sa MIS. Nag aantay lang ako ng panahon, Annie." Sinubukang lumapit ni Mr. Dela Torre ngunit humakbang si Tita.
"At sa oras na matapos iyon? Sa oras na matupad mo nga ang plano mo. Anong susunod?..." Gumaralgal ang boses ni Tita sa huling sinabi.
"Wala na. Kase tapos na tayo... Nag p-pakasal ka na sa iba, h-hindi na tayo pwedeng mag sama. May ibang pamilya ka na." Doon na hindi nakapag salita si Mr. Dela Torre, yumuko ito.
"At ngayon alam ko ang gagawin mo. Hindi mo isusuko ang anak mo, hindi mo isusuko ang nasimulan mo. You realized that you really love your position right now and not really me."
Nang hindi sumagot si Mr. Dela Torre humagulgol ulit si Tita. Nakatakip na ang dalawang kamay nya sa kanyang mukha. "Tangina mahal na mahal kita Nelmar...Sobra. Na kahit may sariling pamilya ka na umaasa pa din ako, kase may pamilya ka din sa akin. Na baka kami ang piliin mo but I realized that's a selfish move. Hindi mo ako pwedeng piliin dahil lang mahal mo ako..."
"N-nasaksihan ni Radin yung mga pangako mo sa akin noon, nasaksihan nya kung papaano tayo mag mahalan. Pero alam mo ba kung anong nakakatawa? Yung mga pangako mo na hindi natupad sya mismo ang tumupad. H-halos sya ang nakasama ko 'nong mga panahon na nag aagaw buhay ako, w-wala ka sa tabi ko..."
Umiling si Mr. Dela Torre. "Hinanap kita, hindi ako tumigil 'non, kahit sinabi nilang you're already dead I didn't believe it...Pero ng malaman ko na kasama ka ni Radin tumigil na ako. A-alam mo naman ang dahilan."
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mystery / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...