"Why did you poison her?" Tanong ni Mrs. Tiffany Roncal. The principal.
Hindi ko din tuloy maiwasan na pagmasdan sya, I know her very well. May ugnayan din sya sa mga Panizarez noon. She's the bestfriend of Darshna Panizarez but things don't do well, she betrayed her too.
Hindi ko masyadong alam ang nangyare, ngunit si Mrs. Nathalia Panizarez ang susi sa lahat. Kailangan ko lang syang makausap. Sana lang, pagbigyan nya ako na malaman ang totoo.
"How many times did I fucking tell you that I never poison her!" Sigaw ni Kimberly.
"Kimberly!" Suway ni Danloue sa kanyang Kapatid, masama ang tingin nya sa akin ngunit nag kibit balikat lang ako.
"Huwag ka ng mag sinungaling iha, malaki ang ebidensya sa'yo." Sambit ni Mrs. Panizarez na tumayong guardian ko.
Mahinang natawa si Kimberly at tinaasan ng kilay ang matanda. "Bakit ba nandito ka? Eh, hindi mo naman kamag anak yang babaeng yan, ah? Pero sabagay, kapwa mga sinungaling ay mag kakampi." Kumuyom ang kamao ko.
"Huwag mo ngang pag salitaan ng ganyan ang lola ko." Singit ni Krsyhna.
Sa loob na ito madami kami, ako si Kimberly, Danloue, Kryshna, Iñigo na nasa likod ng Mama nya, Mr. Dela Torre, Mr. Vicente Tan and Mrs. Nathalia
"Oh? Natamaan ka ba sa sinabi ko?" Natatawang tanong nya.
Hindi ko na napigilan na mag salita. "Bakit ba binabaling mo ang atensyon sa mga Panizarez? Issue mo'to ngunit issue ng Panizarez ang inilalagay mo, manang mana ka sa Tatay mo." Madiin na wika ko at kita ko ang panlalaki ng mata nya.
"Fuck you!" Sa isang iglap nakatayo na si Kimberly at sinabunutan ako, hindi din ako nag paawat at sinabunutan sya pabalik.
Hinding hindi ako papayag na maging kawawa ako, kahit sa umpisa o dulo.
Ramdam ko ang kamay ni Kryshna na inaawat ako, andami ng umawat sa amin ngunit kahit kailan hindi ko na binitawan ang buhok ni Kimberly.
"STOP!!" Natigil lang kami ng sumigaw na ng malakas si Mr. Dela Torre, lahat kami napatingin sa kanya, kita sa kanyang mata ang galit.
Tumingin sya kay Kimberly at dinuro ito. "Don't you ever hurt Ms. Allyson! Sa oras na ginawa mo'to ako ang mag de-desisyon na dagdagan pa ang parusa na ipapataw sa'yo." Madiin na wika nya.
Umawang ang labi ni Kimberly at mabilis na umupo pabalik. Napangisi naman si Mr. Tan sa narinig.
"Wow, I never know that you will help our scholar, Director. Never mong ginawa yan, ngayon lang. O baka kaya mo sya tinutulungan dahil anak sya ng matalik mong kaibigan, huh?" Matalas silang nag titigan.
"Sisirain mo ba ang samahan natin para lang sa babaeng ito?" Itinuro nya ako.
Tinabig ko ang kamay ni Mr. Tan kaya't napatingin naman sya sa akin. "It's irritating me when someone point a finger on me." Seryosong sambit ko.
Humarap si Mr. Dela Torre sa principal. "2 weeks suspension for Ms. Kimberly and after she came back here she will clean the restroom for one week." Nanlaki ang mata ni Kimberly.
"What? Pagli-linisin nyo ako ng kubeta? Are you all fucking kidding me?!" Galit na sigaw nya at napaiktad kaming lahat ng binato nya ang upuan na nasa harapan nya.
Mas nagulat pa kami ng mabilis na sinampal ni Mr. Tan ang kanyang anak.
"Tumigil ka! Mas mabuti na ito kesa sa makulong ka! Let's go." Lumabas na ng office si Mr. Tan ngunit bago sya lumabas tumingin pa sya kay Mr. Dela Torre.
Hindi naman natinag si Mr. Dela Torre, nakipag titigan din sya sa kaibigan nya.
"You'll pay for this." Banta sa akin ni Kimberly at mabilis na sumunod sa kanyang daddy, ganun din ang ginawa ni Danloue.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Mystery / ThrillerFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...