Chapter 24: IÑIGO POV

9 0 0
                                    

"Where the hell is Dad? I need to talk to him." Bored na sambit ni Lourane.

Tumayo ako mula sa pag-kaupo sa sofa.

"I'm sure he's in basement. Ako na ang mag pu-punta doon, he have visitor too." Tumango lang ito kaya nag lakad na ako.

Bigla kong naisip si Kimberly, she have 2 weeks suspension. Well, deserve.

Masyado na din naman na spoiled si Kimberly, matagal ko na syang kasama ngunit naiinis din ako paminsan-minsan, lagi nyang sinasama ang kapatid ko sa mga ginagawa nya, kaya ngayon nahawa na din ang Kapatid ko sa pagiging spoiled.

Hindi naman ganito dati si Lourane, she's so innocent and kind. So kind that I always need to protect her from Dad.

Bumuntong hininga ako at ng marating ko ang pinto ng basement akmang papasok na ako dahil naka-awang lang naman ang pinto ng mapahinto ako. May kausap si Dad at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila, huminto nalang ako sa pagpasok at sinilip at pinakinggan ang kanilang ginagawa.

"Are you sure this is true information?" Rinig kong tanong ni Dad.

"Yes, Darshna have a daughter. She name it close to their name. Rose. But I know it's not full name."

Sumiksik pa ako at pinagmasdan ang ginagawa nila, nakatalikod ang isang lalaki habang nasa harap nya si Dad at nakaupo, may hawak na papel si Dad sa kanang kamay nya. He chuckled.

"So their Ace is Rose, huh?"

"And lastly. Nalaman ko ho na nandito sa MIS ang anak nya, nag aaral." Nanlaki ang mata ko sa narinig at hinawakan ang bibig ko dahil baka marinig nila ang pag-kagulat ko.

"What? Akala ko ba inilayo mo na ang anak ni Darshna? Ibinenta sa isang sindikato sa tondo?"

"Totoo po iyon, at hindi ko ho alam na palalakihin nila ang batang iyon, hindi ko na din nakausap pa ang sindikato dahil madaming sindikato sa tondo, malawak ang organization nila." Napaiktad ako ng makarinig ng isang malakas na sampal.

Pag-tingin ko nakabulakta na ang lalaking kaharap ni Dad. "Walang kwenta ka, pinagkatiwalaan kita ng ilang taon at ang panget pala ng serbisyo mo, ngayon tuloy problemado pa ako paano mauubos ang mga Panizarez kung dinagdagan mo pa ng isa! Lintek ka!" Sigaw nito.

Tumalikod na ako at ramdam ko ang pagkawala ng reaksyon sa mukha ko, nag umpisa na akong bumalik sa sala namin ngunit hindi ko tuloy maiwasan isipin ang mga nakaraan.

~Flashback~

"Is it true? That Joyce Lim have another secret?" Napahinto ako sa pag-lalakad pababa ng marinig ko ang boses ni Daddy, nasa dining table sya ngunit kita ko dito ang ginagawa nya.

May kausap sya sa telepono at hindi ko alam kung sino.

"Oh God, I never know about this. Joyce Lim killed Annie Rose?" Nanlaki ang mata ko, lalo na ng marinig ang pagtawa ni Daddy sa nalaman.

Hindi ko maiwasan maikuyom ang kamao ko, how can he do this? Laugh in this situation? Laugh about what he knows. Hindi ba dapat ireport nya na agad ito sa police?

"Paano mo naman nalaman na sya?"

Hindi ako makapaniwala na para lang isang masayang kwentuhan lang ang ginagawa nila, for fucking sake may namatay! Tapos ganyan ang reaksyon nya?

Is he really my Dad?

Well hindi na dapat akong mag tanong nito, dahil from the first place hindi na bago ang mag karoon ng ganitong kasama na tao sa tabi mo. Everybody have an evil side. Maniniwala lang ako na wala kung hindi ka nakatira sa MIS.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now