Chapter 33: Roseanne Panizarez?

10 0 0
                                    

"Grabe, kinalibutan talaga ako kanina sa sinabi mo kay Jovelyn, ramdam ko yung takot nya, e." Natatawang pag-kwento nya habang ini-imagine siguro ang nangyare kanina sa cafeteria.

Nandito kami sa rooftop, nakahiga kahit sobrang sinag ng araw. Nasa gitna si Kryshna at dalawa kaming nasa gilid ni Freziah. Kung ano-anong kwine-kwento ni Freziah habang tahimik lang naman kaming nakikinig ni Kryshna.

"Buti nalang din dumating si Iñigo at Jackson, napigilan kayo. Mag bu-burst out na yun si Jovelyn." Sambit naman ni Kryshna.

"True! Hindi pa naman 'yon pumapayag na natatalo." Dagdag ni Freziah.

Edi kung ganun hindi ko sya u-urungan, kailanman hindi ako natatakot sa kanya. Wala akong pakialam kahit anak sya ng director, pagbuhulin ko pa sila ng Tatay nya. Mahilig manira ng plano.

Ang tatay nya, galit siguro kay Papà dahil nasira ni Papà ang plano nito, buti nga sa kanya. Tss.

Naalala ko tuloy ang nangyare kanina, kung hindi lang dumating si Iñigo at pumagitna sa amin edi sana nakita ko na kung papaano magalit si Jovelyn. Iyon naman talaga ang plano ko.

Ang magalit si Jovelyn at makita kung anong kahinaan nito.

"Pero paano mo ba iyon nagagawa?" Lumingon ako sa pwesto ni Freziah.

"Ang alin?"

"Iyong expression mo. Kanina nakangisi ka tapos bigla biglang mag se-seryoso, nakakatakot din yung tingin mo. Tapos yung mga sinasabi mo pakiramdam ko lahat to-totohanin mo."

Huminga ako ng malalim. Tumingin ulit ako sa sinag ng araw ngunit agad din akong nasilayan kaya ibinaling ko sa iba ang paningin ko. Ka'y ganda ng araw ngunit hindi mo matignan ng matagal dahil nakakasilaw, maaaring masaktan ka. Kaya masyadong malungkot kapag iniisip ko na hindi ko kayang makita ang taglay na kagandahan ng araw

"Lahat ng tao may demonyong ikinukubli, Freziah. Kahit ikaw o si Kryshna. Pag-aaralan mo lang iyon kung papaano palabasin." Sagot ko.

"Not me. Mabait kaya ako." Singit ni Kryshna sa sinabi ko.

I chuckled softly.

"Bitchy ako, iyon na siguro ang demon side ko." Sambit naman ni Freziah.

Huminga nalang ako ng malalim. Hindi naman ito ang ugaling tinutukoy ko. Mas malala pa ang makikita nila sa oras na saktan nila ang taong malapit sa akin. Kaya hangga't maaari iniiwasan ko na ma attached sa mga tao.

Dahil alam ko, sa huli sila ang pro-protektahan ko imbis na ang sarili ko.

"Let's play. Boring dito, e."

"Anong la-laruin?"

"10 20, alam mo ba yun laruin, Allyson?"

"Oum."

"Tara, tara. Laro tayo."

Napilitan akong tumayo. Nagulat ako ng may inilabas si Kryshna sa kanyang bulsa at ito ay mahabang guma. Nakangiti sya ng ilabas iyon.

"Madalas naming laruin ito ni Freziah ngunit dalawa lang kami kaya hindi masyadong masaya, ngayon kasama ka na kaya siguradong mas sasaya." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi ni Kryshna.

May kaonting kirot sa puso ko habang pinagmamasdan syang nakangiti.

"Maiba taya nalang kung sinong una." Suggestion ni Freziah.

Si Kryshna ang una at ako naman ang pangalawa, huli si Freziah kaya busangot ang mukha nya. Nakakatuwa dahil nag enjoy din ako sa laro na ito.

4 years na din ng makalipas ng huli ko itong laruin, masyado na kase akong matanda para mag laro nito ngunit ng makalaro ko si Freziah ay Kryshna hindi ko naisip na hindi na pala ako pwede mag laro ng ganito, I realized na even if you're already an adult you can play like a child too. Like the old times.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now