Chapter 67: Annie is Dead

12 0 0
                                    

JOVELYN DELA TORRE POV

"What happened now Mom? Nabayaran mo na ba?" I asked nervously.

Lumapit sa akin si Mommy bago tumingin sa paligid. "Yes, don't worry about it now. I makes sure that you'll get the golden trophy." Napangiti ako.

Hinanap ko sa paligid ko si Allyson and Kimberly. Napangisi ako ng makita si Kimberly, sya ang susunod na mag pe-perform at alam kong matatalo na sya agad dahil mapapahiya sya sa maraming tao.

Lumingon pa ako sa paligid para sana hanapin si Allyson ngunit hindi ko naman sya makita. Asaan nayon? Sunod na syang mag pe-perform.

Is she crazy?! Baka ma-disqualified sya kung wala pa sya dito.

FRANCHESCA POINT OF VIEW

Tulala akong bumalik sa loob ng gymnasium. Dumiretso ako sa gilid kung saan kami mag iintay. Sinalubong ako ni Papà at nag tagal ang tingin nya sa akin ng makita ang itsura ko.

"Saan ka galing? Ikaw na ang susunod." Tila hindi ko ata narinig ang sinabi nya, lumilipad pa din ang utak ko sa sinabi ni Mr. Dela Torre.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Pàpa ng makita nya ang reaksyon ko.

Tumango ako bago nag iwas ng tingin. Hindi ko sila kayang tignan. Naguguluhan ako.

"Ms. Franchesca Allyson Panizarez, please step in the stage." Nang marinig ko ang pangalan ko hindi na ako nag dalawang isip na tumungtong ng entablado.

Bigla akong kinabahan ng makita ko kung gaano kadami ang mga nanonood. Nanlamig ang kamay ko at hindi agad ako nakapag isip.

Huli na ng mapagtanto ko na 30 seconds na pala akong nakatulala dito sa harapan, sinulyapan ko ang DJ na nag aayos ng music dahil wala pa ang entry ko ngunit umiwas lang sya ng tingin sa akin. Rinig ko ang bulungan ng mga audience pati na din ang mga judge.

Kita ko na lumapit na si Papà sa DJ at kinausap ito ngunit mag tatagal pa kaya wala na akong chance kung hindi kumanta ng walang music.

~Ang ikli ng panahon na binigay sa amin, pag-ibig na para lang isang halik sa hangin.

Sandali akong tumingin at kita ko kung papaano matigilan ang mga tao sa pagsasalita, pati ang mga judge ay umawang ang labi sa hindi ko malamang dahilan. Pinagpatuloy ko ang pagkanta ko kahit walang music backround, tanging boses ko lang.

~Ang ikli ng panahon na binigay sa amin pag-ibig na para lang isang halik sa hangin sandali lang nabuhay ang pusong ito at ngayon nag durugo dahil nga ngayon wala na ako doon sa piling nya may roon pag-asa pa ba?

Kita ko na bumukas ang pinto sa gymnasium at pumasok si Mr. Dela Torre, agad na napunta ang paningin nya sa stage kung saan kuma-kanta ako. Nakatayo lang sya sa pinaka dulo, sa may pinto, habang ang isang kamay nya ay nakalagay sa kanyang coat at hindi inaalis ang paningin sa akin.

May lungkot sa mga mata nya at alam ko na kung ano ang mga dahilan 'non. Ngayon, may isa ng taong nakakaintindi sa kanya. May isa ng taong may nakakaalam ng hinanakit nya.

~Sana lang ay mag karoon isa pang pagkakataon na ibalik pa ang kahapon nung kasama ko sya, nung ako ay masaya...nung ako ay masaya...nung ako ay masaya.

Hindi ko alam pero hinanap ng paningin ko si Annie Panizarez. Nasa likod sya ng mga judge at pinagmamasdan akong kumanta. Nakaupo sya sa VIP seat.

~Sabik na sabik na akong makasama sya, gusto kong humalik sa mga labi at pisngi nya pwede bang ibalik pa pag-ibig naming dalawa o wala na talaga?

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now