Chapter 15: Arnel's Daughter

13 0 0
                                    

Hindi ako sumabay kela Freziah at Kryshna sa cafeteria dahil hindi ko naman talaga sila close. Pakiramdam ko din hindi pa ako pinagkaka-tiwalaan ni Freziah kaya't hindi muna ako didikit sa kanila. Isipin nya na ang gusto nyang sabihin ngunit wala akong pakialam.

Paano ko kaya mapapaikot ang mga MIS kids? Sino ang uunahin kong utuin sa kanila para mapa-amo?

Ngunit mukhang langit na ang sumagot sa isip ko dahil kita ko na nag lalakad si Jackson Lim patungo sa akin, walang emosyon ang mukha nya at ganun din ako. Mag isa lang akong naiwan sa room na ito ngunit hindi ko alam kung bakit nya nalaman na nandito ako.

Well, he's part of the MIS kids. Maaari nyang malaman ang lahat dahil makapangyarihan sya dito. Tss.

"Problema mo?" Nakataas na kilay na bungad ko sa kanya.

Mag i-ikot na din sana ako sa school na ito dahil kahit ilang linggo ko na rito hindi ko pa din kabisado ang pasikot-sikot dahil sa laki ng paaralan na ito ngunit dumating naman ang isang asongot na 'to kaya't hindi ako natuloy sa balak kong gawin.

"Nag sisimula ka ng gulo sa MIS." Aniya.

Sandali ko syang pinagmasdan at maya maya ngumiti hanggang sa nauwi sa malakas na pag-tawa. God, I can't believe this. He's so smart.

Iisipin ng iba sa akin ay mang-gugulo lang ako sa MIS dahil sa pangarap na gusto ko ngunit alam ko ngayon alam na ni Jackson ang tunay na nais ko.

Bakit ko nga pala minamaliit ang isang Lim? Hindi ko dapat minamaliit ang pamilya nya. His Dad is a famous surgeon, while his mother is teacher and his younger brother is soon to be a teacher too.

Ang mga katulad nya na makapangyarihan din ay hindi dapat minamaliit. Dahil may kakayahan pa din silang kontrolin ang lahat, traydorin ang lahat at tapusin ang lahat.

"How did you found out?" Natatawang tanong ko at pinunasan pa ang mata ko dahil naluluha na ako sa pag-tawa.

"Why are you doing this?"

Bumuntong hininga ako. Mukhang sigurado na ang hinala nya sa akin. Wala na din akong magagawa kung hindi sabihin ang totoong pakay ko.

Tumitig ako sa mga mata nya. "What if I told you that I'm the daughter of one of the big family here?" Tanong ko.

"What?"

"Oh mas sabihin na nating anak ako sa kabit? Do you know who's my father?"

"Anak ka ng kabit?"

Inosente akong tumango. "And what if i told you that my biological father is Arnel Roncal, would you believe in me?" Tanong ko ulit.

Sandali syang natigilan at tila nag isip, pinagmasdan ko lang sya. Sya lang ang unang nakaramdam sa akin, na may masama akong balak na gawin sa kanila. Ibig sabihin he's the human cctv here. I should avoid him.

He's danger to my plan. I feel like he would only ruin my plan.

Hindi pwede 'yun. Ngayong nag uumpisa na ako hindi na pwedeng mahinto ito.

Pero baka may maitulong sa akin itong lalaking ito, mukha naman syang mabait. Pero hindi dapat ako mag tiwala agad agad kaya baka pwedeng simula ngayon sa kanya muna ako didikit.

"Kung totoo nga ang sinasabi mo bakit nandito ka? Why are you doing this? I don't even see you talking to Mr. Roncal." Tanong nya.

"Because I want him to suffer!" Hindi ko na napigilan ang galit na matagal ko ng tinatago. "Namatay ang nanay ko dahil pinabayaan nya kami! Ngayon nag papaka-sasa sya sa kapangyarihan na meron sya dito habang ako nag hihirap ng mag isa!" Galit na sigaw ko.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now