I woke up happily. Nag unat muna ako ng katawan bago pumasok sa bathroom para maligo. This is the first day of my class. Same old naman but I don't know, I feel like im happy right now.
Alam ko naman kase na bully lang ang makakasalamuha ko sa MIS dahil kaibigan ko si Kryshna na isang Panizarez pero excited ako ngayong batch.
Matapos kong maligo ay sinuot ko agad ang uniform ko at sinuklayan ang aking sarili, pinagmasdan ko ang buong katawan ko sa malaking salamin. I really looked beautiful. Dito lang tayo sa totoo.
Pagkababa ko sa kwarto ko ay naabutan ko ang isa naming maid na nag hahanda ng breakfast namin. Tahimik lang ito at laging hindi nakikipag usap, nasa 30+ na sya, mas matanda si Mama ng sampung taon I think?
Minsan nga na we-weirduhan ako dito, kase lagi kong nakikitang nakatingin sa akin kapag nandito ako sa sala nakahiga. Pakiramdam ko may gusto syang sabihin ngunit hindi nya magawa.
Nang maramdaman nya ako na nasa kanyang likod ay mabilis syang yumuko.
"Magandang umaga, Ma'am. Nandito na po ang breakfast nyo." Tumango ako at umupo sa upuan.
Tumingin ulit ako sa kanya. "Where's Mom? I thought sabay kaming papasok ng school?" I asked.
Tatlo lang kaming nakatira dito sa bahay, ako si mama at ang maid na ito. Matagal ng namatay ang Daddy ko due to his lung cancer. Bata pa lang ata ako 'non, kailanman ay hindi ko nakitang umiyak si Mom 'non ngunit kailanman hindi ko tinanong ang pagmamahal nya kay Daddy because I know she love my Daddy more than she loves me.
Kitang-kita ko naman kung gaano sila mag mahalan. Siguro hindi lang talaga sanay si Mama na ipakita na nasasaktan sya. But I know she suffered in silence.
"Nauna na pong mag tungo sa MIS para salubungin ang mga bagong scholar." Tumango lang ako at nag simula ng kumain.
Teacher din si Mommy sa MIS ngunit tahimik at istrikto na teacher sya, after her bestfriend died, she became distance.
Naaalala ko na si Ms. Annie lang ang naging kaibigan ni Mama kaya't siguradong sobrang lungkot ni Mommy ng mamatay ang nag iisa nyang kaibigan.
Lagi ding kwine-kwento ni Mama kung gaano ka-solid ang pagkakaibigan nila. To the point na wala daw makakasira nito. They always trust each other kahit anong mga fake news na ang naririnig nila.
MIS is dangerous place. Their's a person who's greedy for Panizarez's money. Obvious naman kase. Dahil ng mawala sa pwesto ang mga Panizarez ang daming nakinabang.
Matapos kong kumain ay dumiretso na agad ako ng school, hinatid ako ng personal driver ko at ng makarating ako sa school ay halos pag tinginan ako ng mga scholar na nakapila sa labas ng gate. Sinadya ko talaga na huwag mag pahatid hanggang loob ng gate. Gusto kong makita ako ng mga baguhan na isa ako sa mga dapat na galangin nila.
Nang makapasok na ako sa MIS I called Kryshna kaagad.
"Where are you?" Iyon ang bungad ko.
["Nasa school na. Kasama ko ngayon si Tita at nandito kami sa teacher's office. They talking about something I can't explain. Basta tungkol sa isang scholar ata na may problema."]
"Ahh...Okay, kita nalang tayo sa room."
Pinatay ko na ang tawag. Lahat ng mga mayayaman sa MIS ay automatic nasa higher section. Even you're not that smart you'll become higher if your parents paid it.
But knowing Mr. Nelmar Dela Torre, he's strict in policy. Kung anong batas ng MIS na pinatupad ni Mr. Ferdinand Panizarez ito ang susundin. Kailanman hindi nya binago iyon kahit na malaki ang share at tungkulin nya sa MIS.
That's why I'm scared at Mr. Dela Torre. He's silent is scary. Dela Torre is really a scary person.
Nauna na akong mag tungo sa room dahil alam kong ititipon pa kami sa gymnastic (court) para sa mga random na panukala nila na alam na alam ko naman na.
Duh. Mula highschool ko ay dito na ako nag aral. Halos alam na alam ko na kung ano ang mga batas na nakatupad dito. Kilalang-kilala ko na din ang mga opisyal sa paaralan na ito.
Hindi din katagalan ay dumating na ang mga kaklase ko, nauna kong nakita ang dalawang mag kapatid na Roncal. Iñigo looked so serious all the time. He have this type that you will bore. Imagine kailanman hindi ko yan nakitang ngumiti. Para bang hindi sya masaya sa mga nangyayare sa mundo.
But Iñigo is a dangerous person also. Lalo na pagdating sa Kapatid nya. Kung sinong mag tangka na kumalaban sa kapatid nya na si Lourane, kahit babae ka pa papatulan ka nya.
Sunod kong nakita ay si Kimberly na sobrang arte. May hawak hawak pa syang phone habang maarteng nag lalakad sa upuan nya. Nakita ko si Kryshna sa pintuan kaya't mabilis kong itinaas ang kamay ko para isenyas na tumabi sa akin.
Ngumiti sya ng makita ako at akmang mag lalakad na ngunit lahat kami napasinghap ng biglang patidin ni Jovelyn Dela Torre si Kryshna. Napaupo sa sahig si Kryshna kaya't mabilis akong tumayo at akmang lalapitan sya ngunit may taong nasa likod nya.
Fuck. Ito na naman sila.
Hindi pa nag sisimula ang klase ngunit nang-gugulo na naman sila.
Kumunot ang noo ko ng makitang inabot ng babae ang kamay nya kay Kryshna na para bang tinutulungan itong tumayo. Kinuha iyon ni Kryshna at tumayo. Doon ko na nakita ang mukha ng babaeng tumulong sa kaibigan ko.
Napaawang ang labi ko dahil sa ganda nya. Matangkad na pwede syang pumasok sa modelling, maputi na para bang chinese or korean, sakto lang ang payat ng katawan nya. Kulay pink ang lips kahit walang lipstick. Ang buhok nya ay straight at mahaba na umabot sa kanyang beywang kahit naka ponytail pa sya.
Lihim akong napatawa. Siguradong maiinggit si Kimberly at Lourane sa ganda ng babaeng ito. Mukha din kaseng mayaman. Maganda na nga mayaman pa.
Pero familiar ang mukha nya...
Saan ko ba sya nakita?
Ngumiti ang babae kay Kryshna, isang ngiti na alam mo talagang totoo. Tila ba nakakagaan ng pakiramdam ang ngiti nya. Hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng ganito.
Tumingin yung transferee sa pwesto nila Jovelyn at kita ko kung papaano mainggit ang mukha ni Kimberly. Nakakuyom ang mga kamao nito habang masama ang tingin.
Sigurado akong ibu-bully nila ang babaeng ito, but hindi naman siguro? This girl looks rich. Baka nga maging kaibigan pa nila?
Nawala ang ngiti ng babae ng mag tama ang mata nila ni Kimberly, naging seryoso ang mukha nito, nag lakad sya papasok na tila ba hindi napansin ang mga MIS kids. Nag hanap sya ng upuan at doon sya dumiretso sa dulo.
Walang nag salita sa lahat ng aming kaklase. Natigil din lahat ng ginagawa nila, lahat ng aming atensyon ay nasa bagong dating dito.
Sinenyasan ko si Kryshna na lumapit na habang busy pa si Kimberly at Lourane na pagmasdan ang bagong kaklase namin.
"Okay ka lang ba?" Bungad ko kay Kryshna ng maupo sya sa tabi ko.
Tumango ito.
"Okay lang, mabuti nalang at tinulungan ako ng babae." Ngumiti sya ng magaan kaya't napangiti nalang din ako.
"What's up, guys!!" Lahat kami ay sumulyap sa pinto when Danloue shouted. Nakangiti ito habang may kaakbay syang babae na hindi naman dito naka-klase.
"Why are you smiling? You look stupid." Maarteng wika ni Kimberly sa kanyang kapatid.
Anyway, hindi mag kasing edad sina Kimberly at Danloue, sadyang ganito lang talaga ang MIS. Pwede kaming maging mag kaklase kahit hindi mag kaedad. As long as you're that smart then you're in a highest section.
Or as long as you have the money and the power you can do everything you want here.
"Hey you flirt. Get lost." Mataray na ani ni Lourane sa babaeng kasama ni Danloue, agad naman itong umalis dahil natakot.
Sino ba naman kaseng hindi matatakot sa isang anak ng Principal, right?
Bumuntong hininga nalang ako at inabala ang atensyon ko kay Kryshna. I'm also an MIS kids but I prefer to be quiet. Ayokong pag pyestahan ng mga tao rito.
At ayoko ding maging katulad nila.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
غموض / إثارةFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...