Chapter 72: Hickey

18 0 0
                                    

IÑIGO RONCAL POINT OF VIEW

It's been months since Mr. Radin died. Nag punta si Allyson at Ms. Darshna sa Korea dahil doon gustong ilibing ng family Young si Mr. Radin. Hindi din kami nakasama dahil bawal daw, mga kamag anak lang ang pwede.

Kababalik lang ni Allyson nitong linggo at laking pasasalamat ko dahil maayos na sya, akala ko matra-trauma na naman sya at hindi makakausap ng ilang araw pero hindi iyon ang nasaksihan ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya but she assured me that she's fine.

Nakakapanibago ngunit hindi ko din maiwasan na kabahan.

"Sigurado ka bang dadating si Allyson at Darshna dito, anak?" Tanong ni Mommy.

Ngumiti ako. "Opo. Nag usap kami ni Allyson kagabi." Sagot ko.

Niyaya ko si Allyson na mag tungo dito sa bago naming condo, binili ito ni Mommy sa sarili nyang pera nitong nakaraang araw lang, sinabi nyang pupunta daw sya at isasama nya si Ms. Darshna dahil boring din daw sa mansion dahil silang dalawa nalang ang mag kasama doon.

Hindi mo tuloy maiwasang maging malungkot. Sa laki ng bahay na iyon dalawa lang silang nakatira.

Naging okay naman na ang lahat I guess. Nasa kulungan na si Nicholas ngayon, si Freziah naman nag pupunta sa doctor para mag pakunsulta sa trauma nya. Si Jackson naman ay hindi ko na nakakasama dahil busy sya lagi, madalas nyang dalawin ang kapatid sa mental hospital.

"I'm nervous." Mahina akong natawa.

"Why would you be nervous, Mom? It's just Allyson and Ms. Darshna."

"Darshna is my bestfriend when I was in college not until I married your Dad. Nasira lahat 'yon, ngayon lang ulit kami mag kikita ng walang problema."

Ngumiti ako at niyakap si Mommy. "You miss her?" She nodded. "I think Ms. Darshna missed you too."

Hindi din katagalan narinig na namin ang doorbell, nag katinginan kami ni Mom at mas nakita ko na mas lalo syang kinabahan. Mahina akong natawa at sinabi sa kanyang ihanda nalang ang mga niluto nya sa kusina.

Ako na ang nag punta sa pinto dahil busy si Lourane sa sala habang nanonood ng mga action movie. Hindi ko nga alam kung bakit mahilig na sya sa mga ganun, dati lang naman she only likes romantic movie.

Pagbukas ko naabutan ko si Ms. Darshna at sa likod nya ang girlfriend ko. Ngumiti ako sa kanila, may hawak na box si Ms. Darshna na puno ng mga cupcakes.

"Pasok po kayo." Niluwagan ko ang pinto. Naunang pumasok si Ms. Darshna at susunod na sana si Allyson ng harangan ko sya.

Ngumisi ako ng nakakaloko. "You need to say the password." Wika ko.

"Anong password?"

"You need to guess."

"I missed you?"

Huminto ako at nag tagal ang tinginan namin bago ako dahan dahan na umiling.

"Pwede na pero hindi yan."

Sandali nya akong pinagmasdan bago sya mahinang natawa. "I love you." Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon.

"I love you, Iñigo." Dagdag nya sa mas seryosong boses.

Kinagat ko ang labi ko bago sya mahigpit na niyakap. Fuck, I really love this woman so much.

"Let's kiss later." Bulong ko.

Agad na humiwalay si Allyson at mahinang tinuktukan ang ulo ko. "Oo mamaya." Sambit nya bago pumasok ng tuluyan sa loob.

Pagdating namin sa loob nasa kusina si Mommy at Ms. Darshna at mukhang inaayos ang mga pagkain. Napatingin ako kay Lourane, sumu-sulyap sulyap din sya kay Allyson na nanonood lang naman ng tv.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now