IÑIGO RONCAL POINT OF VIEW
"Are you sure na itutuloy pa ang ang Festival na ito, Mr. Dela Torre? Hindi ba maaaring i-postpone muna dahil sa mga nangyayare dito?" Tanong ni Mom.
Nandito kami sa opisina ng Director. May meeting ang lahat ng teacher at mga stock holders sa MIS. Balak ni Mr. Dela Torre na ituloy ang festival na dapat nakaraan pa ginawa.
Hindi na din kase natuloy 5 months ago dahil sa nangyare kay Kryshna.
"It's better if it will continue now, Ms. Principal. Malapit na din matapos ang klase ngayong taon. Hindi pwedeng walang festival ngayon na taon na ito dahil taon-taon itong ginagawa." Sagot ni Mrs. Dela Torre.
Ang Lola ni Jovelyn Dela Torre.
Ngayon ko lang ulit nakita si Mrs. Dela Torre, as usual nakakatakot pa din ang aura nya. Kaya siguro takot din si Jovelyn sa lola nya.
"I agreed. We should continue it now. Masyado ng stress ang mga bata, kailangan nila ng mapag-kakatuwaan." Tumango tango ang ibang mga tao dito sa sinabi ni Ms. Darshna.
"I agreed also. Tama si Ms. Darshna." Kita ko kung papaano mag tama ang mata ni Doc. Lim at Ms. Panizarez.
Hindi ko tuloy maiwasan na maisip ito. Mr. Lim had a feelings for Ms. Darshna. Iyon ang pagkakaalam ko. Hanggang ngayon pa din kaya?
Pero kung sakaling gusto nya pa si Ms. Darshna mali din ang nararamdaman nya. She have a wife and it's Ms. Joyce Lim. Napapikit ako.
Bakit ba pinakasalan nila ang mga taong hindi naman pala nila gusto?
"Mr. Young may maisu-suggest ka ba na date kung kailan mag si-simula ang festival?" Mr. Dela Torre asked.
Tumaas ang kilay ni Mr. Young at bahagyang tumingin sa paligid, mukhang hindi sya nakikinig sa pinag-uusapan nila. Kanina nya pa kase iniikot yung ballpen na hawak nya sa kanyang kamay.
"Bakit sya ang tinatanong mo Mr. Dela Torre? He's not a official here in MIS. It's unfair to us." Natatawang singit ni Mr. Vicente Tan.
Sumulyap naman si Mr. Dela Torre bago bumuntong hininga. "Sya ang may pinaka malaking share ngayon sa MIS kaya hinihingi natin ang opinyon nya dahil magiging judge din sya sa singing contest na gaganapin." Lahat kami nagulat sa sinabi nito.
"W-what?" Doon na napatayo si Dad.
"How come? I mean sa isang iglap meron na agad syang share sa school na ito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Daddy.
Ngumisi naman si Mr. Young habang pinagmamasdan ang reaksyon ng Tatay ko. "Ganun talaga kapag mayayaman, Roncal. Kayang gawin ang lahat. Right, Mr. Tan?" Bumaling sya sa kanyang katabi. "Sayang lang dahil naunahan nyo ako na bayaran ang mga pulis."
"Stop it. Hindi natin dito pag-uusapan ang ibang problema ninyo." Suway ni Mrs. Dela Torre dito.
Natigil naman na sila. Inilabas ni Mr. Young ang phone nya at may tinawagan.
"I'll ask Annie Panizarez kung may naisip syang date at iyon ang pasya ko." Maya maya sumagot din ang kausap nya, sandali pa silang nag-usap kaya' hindi ko maiwasan tumingin sa pwesto ni Mr. Dela Torre.
Nakayuko lang ito ngayon habang nilalaro ang pen na hawak nya. Mukhang iniiwasan nya na marinig ang usapan nila Ms. Annie at Mr. Young. Kita ko din sa kanyang tabi na si Mrs. Dela Torre na tinatapik ang balikat nito.
"November 25 will do." Doon ulit kami napatingin kay Mr. Young. "It's Friday kaya magandang iyon na lang ang araw na gawing event. Isang linggo namang gaganapin yun hindi ba?"
Sumang-ayon na din ang ibang mga nandito. Natapos ang meeting mahigit dalawang oras. Bumuntong hininga ako ng makalabas sa meeting.
Fuck. Ang hirap maging president sa buong school na ito.

YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Misterio / SuspensoFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...