FRANCHESCA ALLYSON POV
"This Friday we will be having a practice in music, kailangan nyong mag dala ng any of instrument music and perform it here in your class. Aasahan ko na lahat kayo makakadala." After Ms. Darshna said it umalis agad sya sa room.
Napalumbaba si Danloue sa gilid ko. "I hate this subject! Hindi naman ako marunong sa mga instrument instrument na yan!" Singhal nya sa sarili.
"How sure are you?" Napatingin sya sa akin ng mag salita. "Baka hindi mo lang talaga sinusubukan ang sarili mo, maaaring sinubukan mo ngunit isang beses lang sumuko ka na agad."
Sandali syang natahimik at maya-maya ngumuso. "How did you know?"
"Katulad mong mga spoiled brat alam na alam ko na ang galawan ninyo."
Sinamaan nya ako ng tingin ngunit tumayo na ako dahil last naman na subject namin ito, ang ibang mga estudyante ay nag alisan na. Gusto ko na din iwan 'tong katabi ko na walang ginawa kung hindi bwesitin ako. Aalis na din sana ako ngunit natigil lang ako ng may marinig akong umiyak.
"Sorry po, sorry." Pagtingin ko sa pwesto nila Kimberly ay may nakaluhod na sa kanyang harapan.
Kumunot ang noo ko ng makilala ito. Yung last transferee, Roseanne ata ang name nya. Kita kong basa ang uniform ni Kimberly habang nanlilisik ang mata nya sa galit. Agad din na lumapit si Danloue sa kanila ng makita ang kalagayan ng kapatid.
"What's happening?" Tanong nito.
"Tinapunan nya ako ng tubig, Kuya!"
Nagulat ako ng mabilis na sinipa ni Danloue ang babaeng naka luhod. Napasinghap ako at umigting ang panga ko. I can't believe this! Alam ko naman na protective sya sa kapatid nya pero hindi ko maisip na kailangan nyang sipain yung babae na humingi na nga ng paumanhin sa kanila.
Wala ba 'tong isip?! Hindi manlang nya inalam yung tunay na nangyare sa kabilang panig? Malay ba nyang nag sisinungaling yung Kapatid nya.
"Bulag ka ba ha?! Alam mong dadaan ang kapatid ko pero hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo." Sigaw ni Danloue.
Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko alam pero biglang nabaling ang tingin ko kay Jackson. Nasa pinaka dulo sya at nakasandal sa pader, pinapanood nya ang reaksyon ko kung anong gagawin ko ngayon.
Ngumisi sya ng makitang mag lalakad na ako, ngunit hindi din natuloy dahil may humarang sa akin.
"Tumabi ka dyaan." Madiin na utos ko.
Umiling si Freziah. "Huwag ka ng makialam, patakaran sa MIS ito, kung sinong tumulong sa mga inaapi nila ibu-bully ka na din nila." Sambit nito.
"Wala akong pakialam." Akmang sasanggain ko sya ng mag salita sa gilid ko si Kryshna.
"Please, Allyson. Makinig ka nalang sa amin." Doon lang ako natigil.
Pumikit ako ng mariin. Fuck. Ang isang Panizarez? Si Kryshna Panizarez na-kiusap sa akin? Nakiusap sa isang kagaya ko? Nakiusap para sa kalagayan ko?
Napakabait talaga nila, hindi ko mai-magine ang mga taong gustong sumira sa kanila, how can they do that? Wala na silang awa.
"Get loss bitch!" Narinig ko nalang ang sigaw ni Jovelyn kay Roseanne.
Kinuha ni Kryshna ang bag ko at hinatak naman ako ni Freziah, nauna na kaming umalis sa room na iyon. Nakatulala lang akong nag pahatak sa kanila habang inaalala ang nangyare.
Nagawa ko ba talaga yun? Hinayaan ko lang ang mga bully na mag tagumpay na sirain ang buhay ng ibang estudyante? Hindi ako ito, e. Kailanman hindi ko magagawang talikuran ang mga taong ka-awa awa.
Nung nag aral ako wala ako ni isang nakitang nag bully sa school na pina-pasukan ko, dahil hindi ko naman hinahayaan iyon. Ngayong MIS na ang pinapasukan ko, hindi ko na hawak ang paaralan na ito.
At hindi ko din mala-labanan ang mga estudyanteng makapangyarihan dahil sa mga magulang nila. Kapag kinalaban ko sila pakiramdam ko kalaban ko na din ang mga magulang nila.
Isang pitik lang maaari na akong mapaalis sa MIS.
Nandito kami ngayon sa parking lot, sa loob ng sasakyan nila Freziah. Tahimik lang kami at pinakiramdaman ang isa't isa. Bumuntong hininga ako.
"I really can't stand MIS kids anymore!" Inis na sambit ni Freziah at sumandal sa upuan. "Anlakas nilang mang bully dahil alam nilang walang mag babalak na gantihan sila. "
Sandali akong nag isip. Iyon ba ang iniisip nila? Na kaya ganyan ang pag-uugali nila dahil akala nila walang papatol sa kanila? Na akala nila makapangyarihan talaga sila?
Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng school, nag dala din ako ng kaonting pera dahil this day kakain ako sa cafeteria, gusto ko namang masubukan ang pagkain ng mga mayayaman.
"Goodmorning, Allyson." Nagulat ako ng makitang nan'don na sa loob ng room si Kryshna. 5:30 pa lang at masyado pang madilim ngunit maaga syang nandito.
Nung nakita nya ang reaksyon ko ay mahina syang natawa. "As usual, sumabay ako kay Tita." Napaawang ang labi ko at tumango tango.
Tatlo pa lang naman kaming nandito sa room, ang isa ay nasa pinaka unahan. It was Percy Iñigo Roncal, hindi ko alam kung bakit maaga din syang pumasok. Nakatalikod ito sa amin at busy sa kanyang phone. Asaan kaya yung Kapatid nya? Hindi nya ba kasabay?
Lumapit ako sa upuan ni Kryshna at doon muna umupo sa tabi nya kung saan doon ang pwesto ni Freziah. Hindi ko inalis ang tingin ko sa lalaking nasa harapan namin, ng makita nya akong nakatingin sa kung saan ay tumingin din sya doon.
"Maaga ba talagang pumapasok yan?" Tanong ko.
Tumingin sya sa akin bago ibalik ang tingin kay Iñigo. "Oo, SSG president yan, e. Pero minsan late din sya dahil sa kambal nya. Inaantay nya pa kase." Sagot nito.
"Wow, Principal na ang mommy nya tapos SSG pa sya. Mukhang mag kakaroon din ng position ang daddy nya dito sa MIS, ah." Kunyaring komento ko.
Nalalapit na din pala ang botohan sa susunod na mga iba't ibang posisyon at kukuha ulit sila ng mga stockholders. Mukhang madami na naman ang mauuto ng mga mayayaman na ito.
"They're so powerful, no?" Hindi ko maiwasang pag-masdan ang reaksyon ni Kryshna. Nakatulala sya at kita ang amazed sa mukha nya.
"Nung nag karoon kase ako ng isip puro bash na ang naabutan ko, hindi ko naabutan ang mga panahong masaya pa ang mga Panizarez." Bigla tuloy akong nalungkot sa inusal nya.
Napaawang pa ang labi ko ngunit wala namang lumalabas na salita dito.
Itinaas ko ang kamay ko at tinapik tapik ang balikat ni Kryshna. "Don't worry, I know you will clean your surname soon. Ano ba ang gusto mong course na kunin?" Tanong ko.
Ngumiti si Kryshna. "Last year ko nalang dito sa MIS, I will fly to New York to reach my dream. I want to be a Lawyer." Proud na sambit nito.
Nakangiti ko lang syang pinagmasdan. Nakakatuwa talaga sya, kahit ganito ang sitwasyon nya nagagawa nya pading palakasin ang loob nya. Alam ko din naman kung bakit nya gustong mag lawyer, at iyon ay upang malinis ang apelido nila.
"I know you will make it."
"Ikaw ba? Anong pangarap mo, Allyson?"
Natigilan ulit ako. Pangarap? Ano nga ba ang pangarap ko? Halos wala akong naisip ngunit ng mapatingin ako kay Kryshna ay napangiti ako.
"Pangarap kong maging kagaya mo." Iyon lang ang sinabi ko ngunit kita ko ang kaguluhan sa kanyang mukha.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Детектив / ТриллерFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...