Chapter 21: First Love

20 0 0
                                    

FRANCHESCA ALLYSON POV

Ilang minuto na din akong nakapikit, hindi ko pa dini-dilat ang mata ko dahil alam kong nasa loob ng clinic na ito si Mr. Dela Torre. Ano bang ginagawa nya dito. Tss.

"I know you're awake." Doon na ako tuluyang dumilat. Alam nya din naman pala na gising ako, balewala lang ang pag papanggap ko na tulog.

Pag-dilat ng mata ko nakita ko agad sya, nasa paanan ko sya habang seryosong pinagmamasdan ako. "What are you doing here?" Bungad ko.

Narinig ko ang lahat ng sinabi ng doctor dito, na naging kaibigan pala ni Papà si Mr. Dela Torre, hindi lang isang kaibigan. Kung hindi matalik na kaibigan. Kaya't hindi ko talaga alam kung bakit galit na galit sya ngayon sa Papà ko.

My father is the most kind and loving person. Kaya hindi ko alam bakit may isang taong galit na galit sa kanya.

Pero hindi ko maintindihan dahil ramdam ko ngayon na nag aalala si Mr. Dela Torre, for what? Dahil kahit papaano anak pa din ako ng kaibigan nya? Kaibigan na ngayon ay kinagagalitan nya?

"How are you feeling?" Tanong nya.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala naman na akong maramdaman. Weird nga dahil parang kanina lang ay sobrang sakit ng tiyan ko. Mabuti nalang epiktibo ang binigay na gamot ni Doc. Lim sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko sinagot ang tanong nya. Nag sisimula na akong mainis sa kanya sa totoo lang.

Ngumisi sya. "Hindi ba ako pwedeng bumisita sa isang estudyante? I'm the director and chairman here, priority ko ang kapakanan ng mga estudyante na nag aaral dito." I rolled my eyes.

"Cut that crap, Mr. Dela Torre, kailanman hindi mo naging priority ang mga estudyante dito, because if you do, uunahin mo ang mga nangyayare kay Krsyhna. I know you know about Kryshna's issue here right? The only one you priority is you and your power, right?" Ngumisi din ako.

Doon nawala ang ngisi sa kanyang mukha, hindi agad sya nakapagsalita ngunit nanatiling nakatingin sya sa akin, hindi ko tuloy mabasa kung anong iniisip nya. Ang hirap nyang basahin.

Total hindi din naman mag sasabi si Papà about sa buhay nya mabuti pa't itanong ko nalang dito sa lalaking nasa harapan ko, may chance pa din kahit papaano na sabihin nya sa akin.

"Tell me about you and dad past, I want to know everything." Seryosong sambit ko.

At kung hindi nya sasabihin mapipilitan ako na kalabanin na ang anak nya. Mukhang wala naman syang pake sa anak nya, e. The only one his priorities is himself and his power.

Kampante syang tumango. "Meet me after your class, in my office. I will tell you everything." Nagulat pa ako ng sabihin nya iyon dahil akala ko mag ma-matigas pa sya ngunit hindi.

"Okay, umalis ka na." Wika ko.

"You don't need me anymore?" Sandali akong nag isip at ngumisi. "Don't you ever call my Papà about this, kaya ko ang sarili ko, iba ang pa-pupuntahin ko sa oras na mag punta kami sa principal's office." Sabi ko.

Kaya ko sinabi ito dahil alam ko na may cellphone number pa din sya ni Papà, hindi 'man sila nag uusap ngunit hindi din naman ganun kadali na putulin ang kumunikasyon mo sa isang taong mahalaga sa'yo. Saka parehas pa din silang nasa business world, alam kong maaari pa din silang mag karoon ng kumunikasyon kung gugustuhin nila.

Kita ko ang pag-igting ng panga nya sa galit, pinagmasdan ko lang sya hanggang sa tumango ito.

Nang mawala sya sa paningin ko bumangon na ako at sandaling naupo dahil sa biglang pagkahilo, napahawak pa ako sandali sa ulo ko at pinagmasdan ang nakalagay sa kamay ko na swero.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now