FRANCHESCA ALLYSON POV
"Dalhin mo ako kung saan ka nakatira ngayon." Malamig na sabi ko habang nakatingin sa bintana.
Nakasakay ako sa kotse nya habang may driver syang nag da-drive. Wala akong gana mag punta sa kung saan, alam ko din sa Panizarez kami pupunta at hindi ko pa kayang humarap sa mga ito
Magulo pa ang utak ko.
Ramdam ko na lumingon sya. "Huh? You're not going to the Panizarez?" Tanong nito.
"Ano bang sinabi ko?" Balik ko ding tanong sa kanya.
Doon na ako lumingon. Umawang ang labi nya ngunit agad din nyang itinikom ito. Ngumiti sya.
Tumango sya. "Okay, we're going to my condo then." Sagot nito.
Ilang minuto pa ang makalipas ng makarating kami sa condo na tinutuluyan nya, nakasunod lang ako sa kanila hanggang makapasok kami dito.
Pagpasok ko dumiretso agad ako sa restroom at sinarado ito. Napaupo ako sa sink at sandaling natulala. Doon lang rumehistro sa akin ang lahat. Kryshna is dead. Napahilamos ako sa mukha ko ng sunod sunod ang pagluha ko.
Bakit ganun? Bakit parang ang bilis? Parang kahapon lang death anniversary pa ni Mr. Panizarez. Tapos binigyan ko pa sya ng bulaklak dahil iyon ang bagay sa kanya, hindi ko inaakala na iyon na pala ang huling bigay ko.
Sa pag-iyak ko hindi ko na namalayan na nakaupo na pala ako sa sahig. Sumandal ako sa pader habang patuloy ang pag-iyak.
"K-kryshna I'm sorry...I wasn't there when you face your death." Umiiyak na sambit ko. "I should stay to you that time. I didn't know I'm sorry."
Isa na siguro akong hibang dahil na-iimagine ko ang pagkamatay ni Kryshna. Umiiyak at humihingi ng tulong. Nag mamakaawa na buhayin pa sya, nag mamakaawa na hindi pa sya pwedeng mamatay.
Sinong gumawa nito sa'yo Kryshna? Sino sya? Madami ba sila kaya pinag kaisahan ka nila?
Patuloy ang pag iyak ko kaya hindi ko namalayan na bumukas ang pinto. Gusto kong mag angat ng tingin dahil alam kong ni-lock ko ang pinto bago pumasok dito ngunit sigurado akong may susi si Papà sa restroom na ito.
Namalayan ko nalang na nasa harap ko na sya at hawak hawak ang dalawang balikat ko. Kita ko ang awa sa kanyang mukha. Bumuntong hininga sya habang paulit ulit na pinupunasan ang luha ko kahit alam nya namang patuloy lang ang pag agos nito.
Hindi pa din sya ng bago. Naaalala ko na ganito din ang ginagawa nya nung bata ako, sa tuwing umiiyak ako sa mga toys na nasisira ko.
"Nung una pa lang alam ko ng may nalalaman ka sa tunay mong pagkatao. That you're a Panizarez. Mas lalong tama ang hinala ko ng mas pinili mo ang mag aral sa MIS kesa sa tumira sa Korea kasama ko. I don't know how did you found out that your real identify but I'm glad dahil hindi ka mang-mang sa mga ganitong mga pangyayare."
"MIS is a dangerous place, Allyson. Maraming pwedeng mamatay ng hindi mo inaasahan. Maraming pwedeng mawala ng hindi mo mararamdaman. Some will betray you just for some things and some will help you. Pero ang payo ko don't trust people who's living in MIS."
Alam ko naman iyon, kaya nga si Kryshna lang ang pinag kakatiwalaan ko. Dahil alam ko sya lang ang tunay na tao sa MIS. Ang lahat mga demonyo na.
"Annie trusted Lycka Perez so much. They're bestfriend. Walang itinatagong sikreto si Annie sa kanya at lahat sinasabi nya dito dahil akala nya mapag-kakatiwalaan si Lycka. But look in the end...Lycka tried to kill Annie."
Pinunasan ulit ni Papà ang luha ko. Marahan syang ngumiti sa akin na para bang sinasabi na mag pakatatag ako.
"Always remember that crying is not a weak, okay? It's okay to cry, everybody can cry. Just cry because you need strength from now on, they know now that you're a Panizarez. Ikaw ang isusunod nila sa Pinsan mo but I will not let that happen. Pro-protektahan kita sa abot ng makakaya ko but gawin mong lakas ang pagkamatay ni Kryshna. Find who killed Kryshna and let them pay for what they did to your cousin."
Yumuko ako. "H-hindi ko na alam ang gagawin ko." Sagot ko.
"Asan na ang Allyson na matapang na kilala ko? Gusto ko syang makita ngayon." Nakangiting tanong ni Papà.
Natigilan ako.
JOVELYN DELA TORRE POV
"I fucking can't believe this! Annie Rose is fucking alive." Umupo ako.
We're here in coffee shop. Matapos ang magulong pangyayare naisipan namin na mag punta dito sa place na madalas kaming mag stay kapag walang klase. Malapit lang din ito sa MIS.
Tumingin ako kay Iñigo. "Anyway I see in your reaction early that you didn't look shocked at all when Allyson reveal her identify." Pinipilit ko na maging normal ang boses ko.
May hinala na ako kay Iñigo ngunit itinigil ko agad ang pag iisip. It can't happen. Iñigo will never love or like someone like Allyson.
Roncal is for a Dela Torre only.
Iñigo and I is bond for each other.
Sumimsim ng kape si Iñigo at bahagyang tumaas ang isang kilay. "Ano ba dapat ang maging reaksyon ko?" Balik nyang tanong sa akin.
"Seriously? Ofcourse you will be in shock!" Sagot naman ni Kimberly.
"Why would I be in shock? I expected it anyway." Lahat kami napatingin sa kanya. "What are you saying?" Hindi mapigilan na tanong ni Danloue.
"From the very start her action is suspicious for me." Iyon lang ang sinagot nito.
"Then bakit pakiramdam ko prinotektahan mo sya kanina Iñigo? Ni hindi mo nga hinayaan na mawalay ang sarili mo sa kanya." Sabi ko.
Hindi sya sumagot kaya kinagat ko ang labi ko, please don't say that you're inlove to her. Masasaktan ako.
Mahinang natawa si Lourane at sumulyap sa akin. "Don't tell me you have a feelings for that girl, Iñigo?" Tanong nito sa Kuya nya.
"Hahaha hindi naman mangyayare 'yon, no." Si Nicholas ang sumagot.
"Si Jovelyn lang ang babaeng nasa isip ni Iñigo, mag kasama na kaya silang dalawa mula pagkabata pa. Imposibleng magustuhan nya si Allyson eh ilang buwan pa lang naman yun nandito." Mahina itong natawa.
Ngumiti din ako sa narinig at bahagyang inilagay ang takas ng buhok ko sa aking likod na tenga. Tumingin ako sa gawi ni Iñigo ngunit busy sya sa pag-inom ng kape. Nakayuko lang ang ulo nya.
"I have a question." Nag angat sya ng tingin. "Sino sa tingin nyo ang gumawa 'non kay Kryshna?" Tanong nito.
"12am daw nangyare 'yon, that time madami pang mga tao na nandito dahil karamihan sa nag punta sa libing ni Mr. Dela Torre taga ibang bansa." Si Jackson ang sumagot.
Tumango ako. "Dad have a meeting in his office that time." Sabi ko din.
"Pero may mg estudyante pa kaya na nandon sa MIS nung time na 'yon?" Curious na tanong ni Kimberly sa sarili kaya sumulyap ako sa kanya
"Ano namang gagawin ng mga estudyante sa MIS ng ganung oras?" Tanong ko din.
"Why don't we check the cctv?" Suggestion ni Nicholas.
Napangiwi ako. Sa aming lahat ako ang nakakaalam sa buong pwesto ng MIS dahil si Dad ang namamahala nito, sa tuwing busy ito alam ko na agad na may mga ginagawa sya sa MIS para maisaayos ito.
"Walang cctv sa abandonang building, Nicholas. It's not working." Sagot ko.
Napailing-iling si Danloue. "Galit ako kay Kryshna but naaawa ako sa sinapit nya." Hindi ko din maiwasan maawa.
Paano kung totoo ngang kapatid ko si Kryshna? Mag sisisi ako ng tuluyan dahil sa pinaggagawa ko sa kanya in the past. That I cannot protect her from the bully because I'm the bully too.
"Sana mahuli ang gumawa 'non sa kanya. Tsk. Tsk. Tsk. Kawawang Freziah, nawalan ng kaibigan." Komento ni Nicholas.
YOU ARE READING
Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]
Misterio / SuspensoFranchesca Allyson Young enrolled in Mountain International School even this school have many issue. She's curious about the student living there. Bakit sobrang yaman ng mga taong pumapasok sa paaralang ito, bakit karamihan sa mga official ng paaral...