Chapter 46

14 0 0
                                    

FRANCHESCA ALLYSON POV

Pag-uwi namin dito sa mansyon ay dumiretso agad ako sa kwarto ni Kryshna. Ni-lock ko ang pinto at dahan dahan nag lakad papunta sa kama nito.

Napapikit ako ng makita ang binili kong bulaklak sa kanya na nan'don sa kanyang kama. Hindi ko na nakayanan ang panghihina at kusa nalang akong bumagsak sa sahig, mabuti nalang at naitukod ko ang dalawa kong kamay sa kama.

Inabot ko ang bulaklak na binigay ko sa kanya. "Kung alam ko lang na mangyayare ito h-hindi na sana..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil sa sunod sunod na pag-iyak ko.

"Kryshna I'm here...I'm here na as your cousin. Bumalik ka na." Paulit-ulit na sambit ko ngunit alam kong walang makakarinig 'non.

"Mag ba-bonding pa tayo as a cousin. You'll become a great singer artist, hindi ko naman talaga pangarap, yon, e. Madami pa tayong pwedeng gawin ngunit bakit iniwan mo agad kami?" Pag-hikbi ko.

Inihiga ko ang ulo ko sa kama habang nakaupo ako dito sa sahig. Patuloy ako sa paghikbi habang nakapikit.

Hindi 'man kita matagal nakasama ngunit mahal na mahal kita, mahal na mahal ka ng iyong Pinsan. Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Kryshna.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, pag gising ko gabi na at nandito na ako sa isang kwarto na hindi ko malaman kung kanino. Kinusot ko ang mga mata ko at iginala ang paningin. Where am I?

Nag sleep walk ba ako? Ang pagka-kaalam ko nan'don ako sa kwarto ni Kryshna. Paano ako napunta dito?

Nag lakad ako palabas ng kwarto, ngayon ko lang narealized na nasa dulo pala ito ng second floor sa mansyon ng mga Panizarez. Doon ko din napansin na kwarto pala ni Ms. Annie ang napasukan ko. May nakalagay na name sa bawa't pinto na nandito.

Pag baba ko naabutan ko sa sala si Ms. Annie and Ms. Darshna, seryoso silang nag uusap kaya' nag tago muna ako at pinakinggan ang pinag-uusapan nila. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng matatanda ngunit hindi ko maiwasan.

"What's your plan now?" Tanong ni Ms. Darshna sa Kapatid.

"From now I don't have..."

"Tiffany talked to me. She's the new Principal right now pero kung kukunin mo ang dapat nasa sa iyo ikaw pa din ang Principal. It's yours in the first place."

"Hmmm? What did she said?"

"That I'll help her. Tulungan ko syang hindi mo makuha ang position na meron sya ngayon."

Mahinang natawa si Ms. Annie. "And you will do that?" Umiling ito bilang sagot. "Yeah, I know you'll never do that. Ano bang meron sa utak nya para isipin na pagtratrayduran mo ako?"

"But her offer is kinda tempting."

"What kind of offer?"

"Tutulungan nya akong mahuli kung sino ang pumatay kay Kryshna."

Sumilip ako at kita ko na bahagyang natigilan si Ms. Annie. "What if Arnel Roncal killed Kryshna? She will betray you. Asawa nya iyon." Hindi agad nakapagsalita si Ms. Darshna sa narinig.

"S-she won't."

Umirap si Ms. Annie. "I know you know that she can. Tinalikuran nya nga ang pag-kakaibigan nyo para sa lalaking iyon, right? Hindi malabong magawa nya ulit iyon sa pangalawang pagkakataon." Sambit nito.

Umalis na ako mula sa pwesto ko, nag lakad ako palapit sa kanila. Nag angat sila ng tingin ng makita ako. Buo na ang pasya ko, kailangan ko silang sabihan about sa plano ko.

Ngumiti si Ms. Darshna sa akin. "It's 7 pm already, gutom ka na ba?" Mahinahon nyang tanong.

Umiling ako. "Leave it to me." Naguluhan sila at nag katinginan.

"Huh? What are you talking about?"

"Kryshna's case. Leave it to me. Ako ng bahala doon." Doon na napatayo si Ms. Annie sa narinig. "No, you can't do that. It's dangerous. Ni hindi nga natin alam kung sino talaga ang may pakana 'non."

"Nandito lang sa MIS ang gumawa 'non sa Pinsan ko, kaya hahanapin ko sya." Umiling pa din si Ms. Annie.

"Don't be so stubborn, Allyson!"

"Bakit ba ikaw ang nag re-react? I am not talking to you, I'm talking to Ms. Darshna because I need her approval about this." Asik ko.

"Ayokong magaya ka kay Kryshna, Allyson so please don't!" Naiiyak na sambit nito.

Hindi ko sya pinansin at tumingin kay Ms. Darshna. Nag sisimula na akong mainis sa babaeng ito, ganito ba talaga ang Panganay na Panizarez?

Paano kaya napakisamahan ni Papà ang babaeng ito? Paano sila nag kasundo? Sa mga ganitong ugali alam kong ito ang pinaka ayaw ni Papa. To bossy.

Marahan na ngumiti si Ms. Darshna at lumapit sa akin. Hinaplos nya ang buhok ko habang pinagmamasdan ang mukha ko.

"Why are you calling me Ms. Darshna? I am your mother, Allyson." Umawang ang labi ko.

"You should call me Mom from now on. I love to hear that." Hindi agad ako nakapagsalita, pinaupo nya ako sa sofa at tumabi sya sa akin.

"Maaari bang hayaan mo nalang kami about sa case ni Kryshna? Kaya namin itong sulosyonan, we have police by our side. Tutulong din sila kaya hindi mag tatagal malalaman din natin kung sino ang pumatay sa Pinsan mo." Pag-papaintindi nito sa akin. "Masyado ding delikado, I canno't risk your life for this. H-hindi ko na kayang mawalan pa ng mga mahal sa buhay."

"So, please listen to Mommy okay?" Wala akong nagawa kung hindi tumango nalang.

Pero syempre hindi ko gagawin iyon. Hindi ko kayang tumungaga lang hanggang sa mag intay na malaman kung sino ang gumawa 'non kay Kryshna. I promised to her that I'll get her justice that she deserve.

Padabog na umalis si Ms. Annie sa sala kaya naiwan kaming dalawa ni M-mom. I can't believe this. May Mommy na ako...Maaari ko na syang tawaging Ina sa paraan na gusto ko.

Ramdam ko ang saya ko ngunit hindi ko kayang mag diwang, sa ngayon gusto ko lang maramdaman ang pagmamahal ni Mom sa akin. 18 years din na nawalay ako sa kanya. 18 years ko 'ding hindi naramdaman ang pagmamahal ng isang ina.

"Gutom ka na ba? Ipaghahanda kita. Or do you want to eat with me?" Tumango ako. "Let's go to the dining, luto na din ang ulam na niluto ni Ate."

Habang kumakain kami kakaiba ang naramdaman ko, after so many years nag karoon din kami ng time ni Mom. Iyon lang naman ang gusto ko noon pa kaya nga't nag punta ako dito.

Nang mag desisyon si Papà na tumira na kami sa Korea iyon na din ang desisyon ko, ngunit ewan ko ba. Ilang araw din ng biglang mag bago ang isip ko.

Alam ko na 'non na isa akong Panizarez, I'm 12 years old when I found out that I'm the daughter of Ms. Darshna, sya ang may nawawalang anak kaya alam kong sya ang Nanay ko. Mas lalo kong napatunayan iyon ng sabihin ni Papà ang totoo, na isa akong Panizarez.

Naisip ko na kaya ko ba talagang kalimutan na ng tuluyan ang tunay kong pamilya?

Sa oras na mag punta ako sa Korea hindi na ako babalik, kailanman hindi ko na sila maaaring makasama dahil ang pamilya na ni Papà ang magiging pamilya ko. Sila na ang pinili ko.

Ngunit hindi ko pala talaga kaya...

Kahit may maganda na akong pamilya na kinalakihan at nakilala mas maganda pa din kung makakasama mo ang tunay mong pamilya, iyong kadugo mo talaga. Pakiramdam ko kase may kulang sa pagkatao ko, na hindi ako mabubuo kong hindi ko sila kasama.

Kaya ilang linggo bago ang flight ko nag bago ang plano ko, pumasok ako sa MIS at pineke ang birth certificate na ibinigay ko. Ang tanga nila dahil sikat silang paaralan ngunit hindi 'man lang nila sinecure ang mga papeles na ibinibigay sa kanila.

Madali tuloy akong nakapasok dito.

Ngunit ng maabot ko ang pangarap ko na makilala ang tunay kong pamilya sya namang pag-alis ni Kryshna sa mundong ito. Pakiramdam ko ipinag-kait pa din na makasama ko ang buo kong pamilya.

Ayaw ata ng tadhana na tuluyan akong maging masaya.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now