Eto yung chapter na naglayas, sa wakas nakauwi na din.. :)
enjoy reading!
____________________
Johnny's POV
"Mylabs ok ba?" tanong nya at umikot pa sa harapan ko, nakaupo ako sa upuang kahoy na nandito na sala nya. Tiningnan ko ang kabuuan nya, suot nya ngayon yung dress at sapatos na binigay ko.
"Pwede na," sagot ko, pero ang totoo, sobrang ganda nya. Napapatulala na nga lang ako eh.
Tumayo ako ng mapansin na nakasimangot sya. Lumapit ako sa kanya at walang sabi sabing hinalikan sya sa labi.
"You're beautiful to the point that my heart trembles as this.." I said at tinapat ang kamay nya sa dibdib ko. Ayaw kumalma ng puso ko.
She smiled.
"Sabi ko na eh, patay na patay ka talaga sakin," nakangiting sabi nya. Pinitik ko sya sa noo.
Baka kasi magsimula na naman sya mang-asar, medyo magaling kasi sya sa bagay na yun, lalo na pag kaming dalawa lang, natutunan nya yata sa mga hayop na jaguars.
I smiled when she pouted her lips.
"Oo na, patay na patay na ako sayo," I said. Tiningnan nya ako ng may malawak na ngiti sa labi.
"Alam ko na yan, matagal na, lagi mo nga akong hinahabol habol eh" napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Parang baliktad yata?" I teased.
"Baliktad ba? Ah oo nga pala, ikaw yung tumitingin sakin sa malayo, hehehe" hinawakan ko na lang ang kamay nya..
"let's go, bago pa tayo magbilangan ng nakaraan," I said at inalalayan sya makalabas, ako na ang naglock ng apartment nya.
Pinagbukas ko sya ng pinto ng kotse sa passenger seat, umikot ako at naupo na din sa driver seat. Sinulyapan ko muna sya at kinabitan ng seat belt bago ko tuluyang binuhay ang engine.
Konting pulbos sa mukha at pampatingkad sa labi, I smiled, konting ayos pa lang pero ang ganda na ng mahal ko, pano pa kaya pag nakaayos na sya ng pangkasal?.
"Mylabs, wag mong kimkimin yan, i-share mo yan," narinig kong sabi niya, di ko napansin na nakangiti na pala ako habang nakatulala sa kanya.
I clear my throat, wengya..
Pinaandar ko na ang kotse, napapitlag pa ako ng bigla na lang nya akong sundutin sa tagiliran.
"Ikaw ha, iniisip mo ako habang nakasuot ng wedding gown 'no? yieeeeee! si mylabs, nangangarap na din hehehe" pang aasar nya.
"Tumigil ka babae, nagdadrive ako," pero di pa din sya tumigil sa pang aasar.
Napapangiti na lang ako sa kakulitan ng girlfriend ko.
"Mylabs, di naman siguro katulad ng mama ni Dao Ming Si yung mama mo di ba?"maya maya ay tanong nya.
"Dao Ming Si? Sino yun?" tanong ko, napaisip ako at ng marealize ko ang sinabi nya di ko napigilan ang sarili ko bigla ko na lang naapakan ang preno at marahas na nilingon si mylabs.
"Tae mylabs bat' bigla ka na lang pumreno?" gulat na tanong nya.
"Sinong Dao Ming Si? M-may iba ka na ba? Pinakilala ka din ba nya sa mama nya ha?" biglang bumangon yung takot at selos sa puso ko.
Tiningnan nya lang ako na para bang isa akong alien, tangna naman oh..
Maririnig ang sunod sunod na busina ng ilang sasakyan dahil nakatigil kami sa gitna ng kalsada, pero di ko pinansin yun.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...