Johnny's POV
~~do you remember how it felt like?
I still remember how the days that end, the weeks and months
we were together for so long
I haven't noticed, that we're falling down too fast ~~
Napatingin ako sa vocalist na kumakanta ngayon dito sa bar ni Miller. Nanadya ba sya? Tinungga ko ang alak na hawak ko.
~~ If I could take it all back
I still want you by my side.~~Naikuyom ko ang kamao ko, kung kaya ko nga lang sana ibalik ang oras, yung oras at gabing gusto mong ipaliwanag sa akin ang lahat, kung pinakinggan lang sana kita.
~~ If only I could bring you back to me
If I could go back in time
promise we won't say goodbye
I never really moved on,
No, not in time... ~~Naramdaman ko ang mainit na bagay sa pisngi ko. Umiiyak na naman ako. Alam kong di maibabalik ng mga luhang ito ang babaeng mahal ko. Pwede ba akong humiling kahit isa lang? Pwede bang ibalik nyo na sa bisig ko ang babaeng mahal na mahal ko? Ang babaeng nasaktan ko 2 years ago, at hanggang ngayon nasasaktan ako sa isipin na pinagtabuyan ko sya at pinagsalitaan ng masama.
~~ I wanna go back to the way we used to be
I wanna feel your skin, your lips so close to me
I wanna go back when I called you mine all the time
Every smile and every moment
If only I have a time machine. ~~Sana nga may time machine dahil gusto kong bumalik sa nakaraan at ayusin ang lahat ng kagaguhan na nagawa ko sa kanya. Miss na miss ko na sya, yung mga ngiti nyang ako ang dahilan, gusto ko ulit makita ang mga 'yon.
Tumayo na ako, naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit. Dalawang linggo na ang nakararaan simula ng ipagtabuyan nya ako. At halos hindi ko alam kung paano ko ulit sisimulan ang buhay ko.
Para akong basag na bote, walang kakayahan buuin ang sarili ko.
"Spencer!" tawag sa 'kin ng jaguars. Pero tuloy tuloy akong lumabas ng bar. Tumuloy ako sa kotse ko at nagdrive pauwi sa bahay, simula ng makita ko ang bata doon sa court sa subdivision dalawang linggo na ang nakalipas, sa bahay na nina mama ako umuuwi. Di ko alam para bang may kakaiba sa batang yon. Kaya lang di ko na ulit sya nakita matapos ang araw na yon, nagbabakasakali na lang ako na matyempuhan ko ulit sya.
Isa pa nahihiya na ako sa jaguars. Lagi na lang silang nag aalala sa 'kin. Kahit pa mga gago ang mga yan, ayoko pa din na nag aalala sila sa 'kin ng paulit ulit lalo na dahil sa iisang dahilan lang. Isang dahilan na kayang sirain ang buong pagkatao ko. Yun ay ang pagkawala ng babaeng mahal ko sa mga bisig ko.
Nang makarating ako sa bahay, tulog na sina mama agad akong tumuloy sa kwarto ko. Hinubad ko lahat ng saplot ko at pumasok sa banyo.
------------------------
Joel's POV
"Spencer!" tawag ko kay Johhny nang tumayo sya at deretsong lumabas ng bar. Naramdaman ko ang pagtapik ni Montereal sa balikat ko.
"Hayaan na lang muna natin sya," tumango kaming lahat.
Hanggang kailan ba masasaktan ang kaibigan namin?
Di na din kami nagtagal sa bar, sinamahan lang naman talaga namin uminum si Spencer. Nagkanya kanya na kami ng sakay sa kotse.
Pagkarating sa condo, napakunot ang noo ko nang magpasukan lahat sa unit ni Dela Cruz, ano na naman bang kalokohan ang naiisip ng mga to'?
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...